THIRD PERSON POV:
LUMAKING spoiled brat ang dalagang si Marione Montereal. Lima silang magkakapatid pero nag-iisa itong anak na babae ng isa sa sikat na quadruplets heir ng pamilya Montereal. Si Mis Catrione Montereal.
Nakagisnan na nilang magkakapatid na maagang naulila sa ama. Nagkasakit naman ng depression ang kanilang ina kaya naging mailap ito sa lahat. Kahit sa mga mismong anak nito ay mailap si Catrione.
Wala itong ibang ginagawa kundi ang nakakulong sa kanyang silid. Nakatulala na tila naglalakbay sa kalawakan ang isip at diwa. Palaging umiiyak at nagwawala na hinahanap ang yumaong asawa. Si Captain Typhoon Del Mundo.
Dalawang dekada. Gano'n katagal na ang lumipas pero nagluluksa pa rin si Catrione at hindi matanggap ang nangyari sa asawa nito. Umaasa pa rin na babalik ang asawa kahit napaka-imposible na ng bagay na 'yon.
Kung kaya't lumaki ang magkakapatid na sina, Tyrone, Typhus, Taylor, Marione, at Dos na walang ama at parang wala ring ina. Mabuti na lang at nagtutulungan ang kanilang kamag-anak na siyang gumagabay sa kanilang magkakapatid. Lalong-lalo na ang kanilang Lolo Cedric at Lola Liezel. Sila ang tumayong mga magulang sa magkakapatid dahil sa mga nangyari sa kanilang mga magulang.
NAPAPANGUSO ang dalaga na palakad-lakad sa gawi ng pool area nila sa likod ng mansion. Malalim na ang gabi pero hindi ito dalawin ng antok. Naiisip ang sitwasyon nilang pamilya.
Sa mata ng publiko ay napaka perfect at masayahin ang pamilya Montereal. Walang kapintasan at tila hindi nagkakaroon ng problema. Tanging ang mga katulong lang nila at iba pang tauhan sa mansion ang may alam sa totoong nangyayari sa loob ng mansion ng pamilya Montereal.
Kaya naman mahigpit na ipinagbabawal ng pamilya sa mga ito ang pagkakalat ng mga kaganapan sa loob ng mansion. Lalo na ang tungkol kay Mis Catrione Montereal. Hindi nila dinadala sa mental hospital ito kahit kailangan niyang magamot. Mabuti na lang at nagkataon na may family psychiatrist doctor sila na siyang personal na nag-aalaga at gumagamot kay Catrione sa loob ng mansion.
Napahinga ng malalim si Marione na sumilay ang matabang ngiti sa mga labi. Nakalarawan ang kakaibang lungkot sa magandang mukha ng dalaga habang nakayuko itong nakamata sa tubig ng pool kung saan nakalublob ang mga paa nito at nakaupo siya sa gilid ng pool.
"Hey, sweetie. What are you doing here, huh?"
Pasimple itong nagpahid ng luha na marinig ang baritonong boses na nagsalita mula sa likuran niya. Kahit hindi niya ito lingunin ay alam na alam nito kung sino ang nagsalita. Sa pamilyar nitong pabango, boses at prehensiya ay kilalang-kilala na niya ito. Naupo naman ito sa tabi ni Marione na inakbayan ang dalaga.
"Nothing, Tito Khiro. Nagpapahangin lang po," magalang sagot nito na napasandal sa balikat ng Tiyuhin nitong isa sa kakambal ng kanyang ina.
Napahinga ng malalim si Mr Khiro Montereal na hinalikan ito sa ulo. Hinahagod-hagod ang braso ng pamangkin. Kahit naman kasi kinukubli ng dalaga ang mukha ay alam niyang. . .tahimik itong umiiyak.
Naaawa din sila sa magkakapatid. Kaya nga nagtutulung tulungan silang lahat na mga Tito at Tita nila Marione maging ang Lolo Cedric at Lola Liezel nila para maging magulang sa magkakapatid. Pinaparamdam sa mga itong may mga magulang pa rin sila sa kanilang katauhan.
Mula pagkabata ay sila na ang tumatayong magulang sa magkakapatid.
dahil na rin sa nangyayari sa ina nilang si Catrione. Na para itong tuluyang nawala sa katinuan. Madalas ay tulala at kung minsan ay nagiging biolente din ito. Nagwawala, nananakit at sinasaktan maski ang sarili. Kaya sa tuwing nagwawala ito ay ang bunso nitong si Captain Dos lang ang bukod tanging nakakapag pakalma sa ina. Dahil ang nakikita ni Catrione sa katauhan ng anak. . . ay ang yumaong asawa.
"You can cry on my shoulder, sweetie. Cry as hard as you can to lessen the pain you've feeling," maalumanay nitong saad sa pamangkin.
Napalabi si Marione na hindi na nga napigilan ang pamumuo ng luha at pamimigat lalo ng dibdib. Niyakap naman ito ng kanyang Tito Khiro na ikinahagulhol ng dalaga sa dibdib ng Tiyuhin.
Mapait na napangiti ang Tito nito na hinahagod-hagod sa likuran ang pamangkin. Maging ito ay apektadong naluluha na rin sa impit na hikbi ng pamangkin. Tunay na anak ang turing nilang magkakapatid sa mga anak ni Catrione na kambal nila. Kaya sobrang sakit at bigat din sa kanila kapag gan'tong nagbi-breakdown ang mga pamangkin nila sa nangyayari sa kanilang ina. Dahil maski silang magkakapatid ay nadudurog pa rin sa sitwasyon ni Catrione.
"Why world is so unfair for us, Tito? Mula pagkabata ay pinagdarasal po namin na gumaling na ang Mommy. Na bumalik na siya sa katinuan niya pero. . .mga binata at dalaga na kaming magkakapatid ay wala pa ring improvement sa mental health ng Mommy. Gagaling pa ba ang Mommy, Tito? O kailangan na naming tanggaping. . . gano'n na siya hanggang pagtanda," mapait nitong turan na ikinatulo ng luha ng Tito nitong yakap-yakap ang pamangkin.
"Gagaling din si Catrione, sweetie. She's a strong woman. Palaban 'yon. Nadurog lang ang Mommy niyo sa nangyari sa ama niyo dahil mahal na mahal niya si Typhoon ng higit pa sa sarili niya. Kaya sobrang sakit sa kanyang tanggapin ang nangyari sa ama niyo. Magtiwala lang tayo sa Maykapal, sweetie. Gagaling din ang Mommy niyo," maalumanay na pagpapayo nito sa dalagang humihikbi pa rin sa kanyang dibdib.
Ilang minuto pang nanatili ang mga ito sa gilid ng pool. Hanggang sa ma-comfort din ni Mr Khiro Montereal ang pamangkin at napagaan ang loob nito. Kahit may mabigat na problema ang magkakapatid ay lumaki pa rin naman ang mga ito na masayahin. Dahil napaka masayahin ng pamilyang kinagisnan nila. Na kahit may dinadala silang problema ay naha-handle nila ito ng maayos lalo na't nakatutok sa kanila ang publiko. Kaya lahat ng kilos nila ay kailangan nilang pag-ingatan.
ISANG gabi ay nagpaka-wild si Marione sa kanilang Bar. Dala ng hinagpis at bigat sa dibdib na dala-dala nito dahil sa nangyayari sa kanyang minamahal na ina. Nagpakalasing ito para ibsan ang bigat sa dibdib. Gusto niyang ilabas lahat ng sama ng loob at lumimot kahit sandali lang.
*******
PANAY ang tungga ni Lucky Hoffman sa shot nito sa Del Prado's Exclusive Bar sa gawi ng counter para maglabas ng sama ng loob.
Biguan sa pag-ibig ang binata dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang asawa na nahuling may lalake at kasiping sa mismong tahanan nila!
Nasa 40's na si Lucky. Wala silang naging anak ng napangasawa nito dahil may problema ang asawa sa ovary at walang kakayahang magbuntis. Pero kahit gano'n ay hindi 'yon naging hadlang kay Lucky para mahalin at igalang ang asawa.
Si Lucky Hoffman ay isang Inspector sa kanyang departamento bilang alagad ng batas. Wala sa kalingkingan nito ang ma-attract sa ibang mga babae dahil mahal na mahal nito ang asawa. Loyal, loving, caring at ideal husband na ito kung susumain.
Lahat ginagawa nito para sa asawa. Pinagsisilbihan sa abot ng makakaya. Maski sahod nito ay halos ibigay lahat sa asawa nitong nasa bahay lang. Na kahit si Lucky ang nagtatrabaho para sa hanap-buhay nilang mag-asawa ay si Lucky pa rin ang naglilinis, naglalaba, nagluluto maski naghuhugas ng mga plato sa kanilang bahay! Walang ibang ginagawa ang asawa nito kundi mag-shopping kasama ang mga kaibigan. O kaya ay nakahilata sa kama sa buong araw. Pero ni minsan ay wala itong narinig na reklamo mula kay Lucky. Dahil ini-spoiled ito ni Lucky na parang kanyang reyna!
Pero sa kabila ng labis-labis na pagmamahal na ipinagkaloob nito sa babae ay nagawa pa rin nitong manlalake. Kaya kahit mabigat sa loob ni Lucky ay nag-file ito ng annulment para mapawalang bisa na ang kasal nila ay ginawa nito.
Pakiramdam niya ay napakawalang-kwenta niya. Ibang-iba sa pangalan nito na lucky. Dahil napakamalas niya na si Cristina Rowel pa ang napangasawa.
Hatinggabi na nang may naupo sa gawi nito. Napapikit ang binata na masamyo ang nakakahalimuyak na pabango ng isang babaeng napaka-daring ng dating sa suot na black pencil skirt na pinaresan ng white tubeless crop top. Nakalitaw ang malusog na dibdib at malalim na pusod!
Pasimpleng pinasadaan ng tingin ni Lucky ang dalaga na hingal na hingal na kagagaling lang sa dance floor. Pawisan at magulo na rin ang buhok. Mapula na rin ang magandang mukha nito at namumungay ang mga chinitang mata.
Sunod-sunod itong napalunok nang magtama ang kanilang mga mata. Sa unang pagkakataon ay bumilis ang t***k ng puso ng binata dahil sa ibang babae!
Napangisi naman ang dalaga dito sa kanyang pagkakatulala at pagkalaglag ng panga sa kagandahan ng kaharap!
"Why are you looking at me like that, hmm? I bet. You like me, right?" nakangising asong saad nito na napahawi ng kanyang buhok.
"And what if I said yes, babe. Are you free for me tonight?" ngising asong sagot nito sa dalaga na napahagikhik at inisang lagok ang order na vodka.
Lalo namang napangisi si Lucky na lumarawan sa magandang mukha ng kaharap ang pait at init ng alak na ininom.
Kung hindi siya nagkakamali ay nasa 20's pa lang ang dalaga. So young and fresh, fvck!
Napapamura ito sa isipan na mapasadaan ang kabuoan nito. Makinis at kutis porselana ang dalaga. Halatang may lahi ito sa kanyang chinita at kulay abong mga mata. Malalantik ang itim nitong mga kilay at pilikmata. Matangos ang maliit na ilong at manipis ang mga labing natural na mapula. Tila nang-aakit ang mga iyon sa kanyang paningin at nagpapa-anyaya ng isang matamis na halik!
"Your place, or mine?" bulong ng dalaga na ubod ng landi sa kanyang punong-tainga!
Tumayo ang kanyang mga balahibo sa katawan na sinadya ng dalagang halikan ang dulong tainga nito!
Hinapit nito ang dalaga sa baywang na walang pag-aalinlangang siniil sa mga labi. Dama niyang natigilan ang dalagang napakapit sa kanyang braso at hindi makatugon sa kanyang mapusok na halik!
"My place, babe. I wanna spend the whole night with you . . . and bring you to heaven all night long," anas nitong inakay ang dalaga palabas ng Bar!
Chapter 1
TPOV:
MAGKAYAKAP na lumabas ng Bar si Lucky at Marione. Panay ang tawanan ng mga itong nagbubulungan. Kung titignan sila ay para silang magkasintahan sa sweetness nilang dalawa. Hindi tuloy maiwasang mapatingin ang mga nadaraanan nila dahil nakakaagaw sila ng attention bukod sa kilala sa publiko ang herederang dalaga. Palaisipan din sa mga tao kung sino ang boyfriend nito lalo na't alam ng marami lalo na ng kanyang fans na maraming actor at modelo ang nanliligaw sa dalaga. Pero ni isa sa mga iyon ay walang naipabalitang kina-date ang dalaga.
"Careful, babe," malambing saad ni Lucky na inalalayan itong makapasok ng kanyang kotse
Napahagikhik naman ang dalaga na hinagkan pa sa pisngi si Lucky bago naupo ng front seat. Si Lucky na rin ang nagkabit ng seatbelt nito.
Natigilan ang binata na magtama ang kanilang mga mata at gahibla na lamang ang espasyo sa kanilang mukha. Nalalanghap na rin nito ang pinaghalong mint at alak sa hininga ni Marione na tumatama sa kanyang mukha.
Muling bumilis ang t***k ng puso nitong mapatitig sa mapupungay na mata ng tila anghel na kaharap! Sa tanang buhay niya ay ito pa lang ang nakakagawa non sa kanya. Ang ma-attract ito at bumilis ang pagtibok ng puso na tanging ang dating asawa lang nito noon ang nakakagawa.
Napahaplos ng isang kamay si Marione sa pisngi nito na matamis itong nginitian. Lalo tuloy nagkarambola ang pagtibok ng puso nito sa pagngiti sa kanya ng dalaga! Ngayon ay kitang-kita na niya kung gaano kaganda ang dalaga! Na dinaig pa nito ang mga international at local actress ng bansa! Para itong buhay na Barbie kung susumain!
"Let's go, babe. I'm getting horny now," paanas nitong kinabig ang binata sa batok at siniil sa mga labi!
Gulat man ay nagawa pa ring tugunin ni Lucky ang halik na ginagawad sa kanya ng dalaga! Kahit alam niyang mali dahil kita namang lasing ito ay hindi na niya mapigilang pa ang sarili na matakam sa nakahaing grasya sa harapan. Fvck!
HALOS paliparin ni Lucky ang kotse nito pauwi ng bagong bili nitong unit! Ibinenta na kasi nito ang dating bahay dahil hindi niya masikmurang manirahan pa doon na pinapaalala lang ng lugar ang nadatnan nitong kababuyan ng dating asawa sa naging kabit nito kung saan sa mismong kama pa nila talaga nagtatalik ang dalawa!
Habang palapit sila nang palapit ay painit nang painit ang nararamdaman ni Lucky! Paanong hindi?
Nakayakap lang naman sa kanya si Marione habang hinahaplos ng dalaga ang alaga nitong kanina pa gising na gising at nakatayong nakasaludo sa mainit at malambot na palad ng dalaga!
PAGKAPASOK pa lamang ng dalawa sa unit ay kaagad nang niyapos ni Lucky si Marione sa baywang at isinandal sa pinto na sinabisab ng isang mapang-angking halik sa mga labi!
Hindi naman nagpadaig ang dalaga na pinantayan ang kapusukan ng binata at mas pinalalim pa ang kanilang halikan!
Alam ni Marione kung saan sila hahantong nito. Pero kakatwa na walang maramdamang pagtutol ang dalaga sa pagpapaubaya nito ng kalinisang iniingatan sa loob ng dalawang dekada sa lalakeng kasama na hindi manlang nito alam ang pagkatao maski pangalan nito!
"Urghh! Fvck!" napahiyaw ito sa biglaang pagpasok ni Lucky sa kanyang bataan!
Napaigik itong napahikbi na maramdaman ang kirot ng pagkakapunit ng barrier nito! Natigilan naman si Lucky na maramdaman ang pagkakapunit ng loob ng dalaga! Para siyang nabuhusan ng nagyeyelong tubig at nagising sa katotohanan na mapagtantong. . . birhen ang dalaga!
Sunod-sunod itong napapalunok. Hindi malaman ang gagawin habang nakayakap sa kanya ang dalaga na humihikbi sa kanyang balikat! Nakatayo pa naman ang mga ito kung saan karga niya ang dalaga at nakasandal sa pader!
Pero kahit humihikbi ang dalaga ay sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nitong birhen pa ang dalagang nakuha sa kabila ng pagiging wild nito!
"I'm sorry babe. You didn't say," malambing saad nitong hinahagod ang malambot at makinis na likuran ng dalaga.
Kapwa na sila hubo't-hubad ng dalaga. Dahil sa kasabikan nila ay dito na sa may sala nila nagawang magsiping!
"Because you didn't asked," mahinang sagot nito.
Napangiti si Lucky na mas humigpit ang pagkakayapos sa dalaga at marahang naglakad papasok ng silid. Hindi naman umangal ang dalaga bagkus ay mas iniyapos ang mga binti sa baywang ng binata.
"Oohhh," nasasarapang ungol nito sa dahan-dahan nitong paghiga sa kanya ng binata sa malambot na kama kasabay ito.
Napayakap ito sa batok ng binata at siniil muli sa mga labi. Hindi naman umangal ang binata na sinabayang tugunin ang halik nito. Kapwa pa sila napapaungol ng dalaga na naglilikha ng tunog ang kanilang halikan!
"Can I move now, babe?" malambing anas ni Lucky sa pagitan ng mapusok nilang halikan.
Pinakiramdaman naman ni Marione ang sarili. Nakabaon pa ang tigas na tigas na alaga ng binata sa loob nitong ikinapuno at binat ng v-walls nito. Dama nitong masakit pa pero hindi na gaano katulad kanina. Napangiti itong marahang tumango.
"Sure, babe," paglalambing nitong ikinangiti ng binata.
Bahagyang napaangat ng katawan ang binata. Napatukod ng mga braso sa magkabilaang gilid ng dalaga at nagsimulang marahang gumalaw sa ibabaw nito
Kapwa sila napapaungol sa magkahalong sarap at sensasyong naghahari sa pagitan nilang dalawa.
Nang makapag-adjust na ang dalaga sa size ng binata ay mas bumilis at marahas na ang bawat pag-ulos ni Lucky dito! Magkasabay na napapahiyaw at ungol ang dalawa habang nagsasalpukan ang katawang basang-basa na dala ng pawis!
"Aahh, aahh! Fvck, babe! You're so good, ahhh!" panay ang tili ni Marione na nakakalmot na rin si Lucky kung saan-saan!
Mas lalo namang nagiging agresibo si Lucky na mas nanggigigil sa dalaga na panay ang halinghing sa ilalim nito.
"Oohh, fvck, babe. You're so tight," nasasarapang ungol ni Lucky sa ibabaw nito.
PUNO ng panggigigil ang dalawa sa isa't-isa na pinagsaluhan ang init ng magdamag! Ni hindi na nila mabilang kung ilang beses narating ang rurok ng tagumpay sa piling ng isa't-isa!
Magliliwanag na ng higupin sila ng matinding antok at pagod na ikinabagsak nila ng tuluyan sa gusot-gusot nilang kama. Magkayakap ang hubo't-hubad nilang katawan na basang-basa ng pawis. Ni hindi na nila nagawa pang maglinis ng katawan sa sobrang pagod lalo na si Marione na parang nawalan na ng lakas ang mga binti at hindi maitayo!
Halos tanghalian na ng magising si Lucky na mag-isa na lamang sa kanyang kama. Kakamot-kamot ito sa sabog-sabog na buhok na wala na ang dalaga sa tabi nito.
May ngiti sa mga labing bumangon at nagtungo ng banyo para maglinis ng nanlalagkit nitong katawan. Nanghihinayang na lamang ito na hindi manlang nakilala ang dalaga. O kung magkikita pa ba sila?
Pero para namang nasagot ang kanyang panghihinayang na pagbalik ng silid pagkatapos maligo ay nahagip ng paningin nito ang isang white wallet na nasa gilid ng kama nito sa paanan. Mukhang wallet iyon ng dalaga.
Malalaki ang hakbang na nilapitan iyon at parang lulukso palabas ang puso nito sa kanyang ribcage na makumpirmang sa dalaga nga ang wallet!
Napaupo ito sa gilid ng kama at napapalunok na binuksan iyon. Sobrang bilis ng t***k ng kanyang puso. Nasasabik na malaman ang pagkakakilala ng dalagang nakaniig nitong birhen!
"Kainis, makikita ko pa kaya siya? Sana magkita pa tayo. Malaman ko manlang ang pangalan mo," saad nito na parang hibang na kinakausap ang sarili.
Napapangiti itong maalala kung gaano kaganda at ka-sexy ng dalagang nakaniig. Para siyang nanalo sa lotto lalo na't birhen ang dalagang nakuha nito. Ito pa lang ang bukod tanging nasipingan niyang birhen. Kung kaya't laking panghihinayang na hindi manlang nakilala ang dalaga.
Ngunit ganon na lamang ang gimbal nito na mabasa ang id ng dalaga!
"Marione Montereal Del Mundo," bulalas nitong parang binuhusan ng malamig na tubig!
Hindi siya makakilos sa kinauupuan! Hindi siya makapaniwala! Isa sa mga heredera ng tanyag na pamilya Montereal lang naman. . . ang nasipingan niya!
Chapter 2
MARIONE:
ALIGAGA akong umuwi ng mansion. Para akong natatangay sa kawalan sa mga sandaling ito. Kinakabahan ako na hindi ko maitago. Natatakot na baka mahalata ako ng mga kapatid ko at malaman nila ang nangyari sa akin kagabi!
Gusto ko lang namang magwalwal kagabi. Ilabas lahat ng bigat at saloobin ko sa buhay. Pero bumagsak ako sa bagay na hindi ko plinano.
Ang maibigay ang sarili sa hindi ko kakilala! Laking gimbal ko kaninang umaga na nagising ako sa unfamiliar na silid at yakap-yakap ng isang lalakeng hindi ko manlang makilala!
Sigurado akong naibigay ko ang sarilinko sa kanya. Hindi ko man matandaan kung paano kami nagkakilala kagabi dala ng kalasingan ay sigurado akong nakuha niya ang virginity kong iniingat-ingatan ko!
Gusto ko sana siyang saktan kanina pero naisip ko rin na baka ako pa ang nagpakita ng motibo para may mangyari sa amin. Isa pa ay hindi na niya maibabalik ang bagay na nakuha sa akin. What's the point na sumbatan ko pa siya? Wala namang mababago sa mga nangyari na.
Kahit nangangatal ang buong katawan ko ay pinilit kong bumangon. Nilinisan ang sarili at tinawagan si Manong Lito na siyang personal driver at bodyguard ko para sunduin ako sa Mondragon's Condominium Building kung saan ako naroon.
MAPAIT akong napangiti na mapatitig kay Mommy Catrione. Nahihimbing na siya ngayon dala ng gamot na naiturok sa kanya. May naging mission kasi ang bunso naming si Dos na isang Police Captain sa kanyang departamento. Hinahanap ito lagi ni Mommy dahil si Dos lang ang nakakapagpagaan at nakakapagpakalma kay Mommy kapag ganitong sinusumpong ito.
Si Dos kasi ay bunso namin. Junior din siya at kamukhang-kamukha ang Daddy Typhoon namin na matagal ng yumao. At dahil doon kaya na-deppressed ang Mommy namin.
Isa kasing alagad ng batas ang Daddy Typhoon namin. At dahil sa tungkulin kaya nagbuwis ito ng buhay para sa taong bayan. Bagay na hindi matanggap ni Mommy. Kaya naman nalugmok ito sa kalungkutan at kinakain ng depression ito.
Bilang anak ay napakasakit sa amin na makitang ganto ang aming pinakamamahal na ina. Nakakulong sa kanyang silid. Namumutla na ang kulay. Mapayat at walang kabuhay-buhay ang itsura maging ng mga mata. Palaging umiiyak kapag naaalala ang Daddy. Yakap-yakap ang larawan ng aming ama na tinatawag niya ito.
Kapag ganong sinusumpong ang Mommy namin ay tanging ang bunso lang namin ang nakakapagpakalma dito. Si Dos. Dahil nakikita ni Mommy si Dos. . . bilang ang ama namin. Si Daddy Typhoon.
"Are you okay, Marione?"
Napaangat ako ng mukha na marinig si Yoona ang pinsan kong doctor ni Mommy. Pilit akong ngumiti na pina-normal ang itsura.
"Yeah," simpleng sagot ko.
Naupo ito sa gilid ng kama na matamang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko tuloy maiwasang mailang sa uri ng ginagawad niyang pagtitig na tila binabasa niya ang tumatakbo sa isipan ko.
Napahinga ito ng malalim. Hinawakan ang kamay ko na marahang pinisil-pisil iyon. Napatitig ako dito na pilit ngumiti.
"Pwede kang magsabi sa akin kung may problema ka, Marione. Hwag mong solo-hin ang problema mo, ha? Nandidito ako para sayo. At kung sakali ay may maitulong ako? Magsabi ka lang," mahinahong saad nito.
Para naman niyang kinukunsensya ang puso ko. Napakabait at maalalahanin kasi nito. Kaya napakahirap ang maglihim dito lalo na't siya 'yong tipo na hindi marunong magalit. Napakahaba ng pasensya at unawa sa lahat.
"Thanks, couz. Okay lang ako. Salamat," sagot ko. Ngumiti naman itong napatango-tango.
Napabaling kami kay Mommy na nahihimbing pa rin. Napahaplos ako sa ulo nito at pinaghahagkan siya sa kanyang noo.
"Yoona, tingin mo ba gagaling pa ang Mommy ko?" maluha-luha kong tanong .
Napahinga ito ng malalim na hinawakan ang kamay namin ni Mommy.
"Tiwala lang, Marione. Gagaling si Tita. Malaki ang pag-asa natin dahil kahit ganto siya? Lumalaban si Tita. Tignan mo? Hanggang ngayon ay hindi pa siya natutuluyan. Which only mean one thing. Nilalabanan ni Tita ang deppresion niya. Kaya magtiwala lang tayo. Gagaling si Tita. Maapapagaling natin siya," maalumanay nitong saad na pinapalakas ang loob ko.
"Sana nga, Yoona. Sana gumaling pa ang Mommy ko," sagot ko na nagpahid ng luha kong tumulo.
"Mapapagaling natin siya, Marione. Naniniwala ako don,"
LUMIPAS ang mga araw at nakahinga ako ng maluwag na dinatnan ako ng monthly period ko! Mabuti na lang at hindi ako nabuntis ng istrangherong 'yon! Tiyak na malaking gulo sa angkan namin oras na mabuntis ako na walang ipakilalang ama sa kanila ang anak ko.
Napapangiti ako habang nagmamaneho papunta sa headquarters nila Dos. Sa aming lima na magkakapatid kasi ay kay Dos ako pinakamalapit. Paano, napakasutil ng tatlong Kuya namin.
Sina Tyrone at Typhus na kambal. Ang panganay sa amin. At kami nila Dos at Taylor. Triplets kami at si Kuya Taylor ang nauna. Pangalawa ako at bunso si Dos.
"Hi, Ms Marione."
"Good morning, Ma'am."
"Hello, Ma'am."
Halos mangawit ang mga labi kong nakangiti at tinatanguhan ang mga katrabaho ni Dos na nadaraanan kong panay ang bati sa akin.
Kilala na kasi nila ako at lagi rin naman akong nagagawindito para guluhin si Dos.
"Marione?! What brings you here?!" masiglang bulalas ni Angelique.
Ang bestfriend ni Dos na isang Lieutenant dito sa departamento nila at pinsan din nila Yoona sa father side. Ngumiti akong sinalubong ang yakap at pagbeso nito.
"As usual, guguluhin ang instant boyfriend natin," kindat kong ikinahagikhik naman nito.
Magkayakap kaming naglakad papunta sa opisina ni Dos.
"Pero may hinihintay siya ngayong bisita eh," napalingon ako dito sa sinaad nito .
Napapanguso pa ito na ikinakunot ng noo ko.
"Talaga? Sino?"
Napakibit-balikat itong napahinga ng malalim.
"Ayaw niyang sabihin. Mabuti na lang nandito ka. Malalaman natin maya-maya," ngisi nito.
Natatawa akong napatango-tango na lamang. Kung tutuusin ay bagay si Dos at Ange. Pero mukhang hanggang bestfriend lang ang nararamdaman nila sa isa't-isa. Kahit sobrang lapit ng loob nila at napaka-compatible nilang dalawa
"Hi, Daddy!" masiglang bungad ko kay Dos na nakatutok sa kanyang laptop.
Nag-angat ito ng mukha na natatawang napatayo na malingunan kami ni Angelique.
"Marione? What brings you here? May problema ba?" natatawang tanong nitong sinalubong ako ng yakap.
"Date mo naman ako. Gusto kong kumain sa restaurant nila Mama Liezel ngayon," nguso ko na pinalambing ang tono.
Magkayakap kaming nagtungo sa sala nito habang ai Angelique naman ay nagtungo ng pantry na ginawan kami ng kape.
"Hindi ako pwede ngayon e. May hinihintay akong bisita ko. Napakahalaga niyang tao, Marione," anito.
Napanguso ako. Mukha ngang importante ang taong tinutukoy nitong bisita.
"Sino? Baka naman babae 'yan," ingos ko.
Napabungisngis naman itong napakamot ng kilay.
"Hindi. Ang totoo niyan pulis din siya. Isa siyang Inspector sa ibang department at,"
"At?" taas kilay kong tanong sa pambibitin nito.
Napangisi naman itong marahang pinitik ang noo ko.
"Aw! Nakakainis naman ito," reklamo kong napahilot sa noo ko. Napahagikhik naman ito.
"Bestfriend siya ni Daddy, Marione," seryoso saad nito.
Natigilan akong napalunok sa sinaad nito. Hindi ko maintindihan pero parang biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan!
Marahil dahil ngayon lang may makikilala kaming naging bestfriend ni Daddy na kapwa nito pulis. Kakaiba ang dating non sa puso ko dahil ang basic lang kasi ng mga alam namin patungkol kay Daddy. Kung bestfriend nga niya ang taong ito? Malamang ay marami rin siyang alam tungkol kay Daddy! Nasasabik tuloy akong makilala ito at malaman ang mga naging kwento nila sa ama naming yumao na.
"Talaga?"
"Yeah. Akala ko nanggo-good time lang e. Pero may mga ni-send siyang litrato nila ni Daddy kaya nakatitiyak akong nagsasabi siya ng totoo. Isa pa ay isa siyang Inspector. Wala naman siguro sa kalingkingan niya ang mang-good time sa kapwa niya pulis," nakangiting saad nito
Naupo naman na si Angelique sa harapan namin na maingat inilapag sa center table ang tinumpla nitong kape namin.
"Nandito na siya," bulong nitong napatayo.
Narinig ko namang nagbukas-sara ang pinto. Sunod-sunod akong napalunok na hindi makakilos mula sa kinauupuan. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko na parang nagtatayuan ang mga balahibo ko sa katawan!
"Captain Typhoon Del Mundo Jr," ani ng baritonong boses.
"Yes, Sir! It's me. Inspector Lucky Hoffman, right?" magiliw na sagot ni Dos.
"A huh? I'm glad to meet you, Jr Typhoon. Kamukhang-kamukha mo ang iyong ama. Mula sa tindig, tangkad, boses at itsura. Wala kayong pinagkaiba," masiglang saad nito.
Kita ko sa gilid ng mga mata kong nagkamayan pa ang mga ito. Marahan namang inaabot ng paa ni Dos ang binti ko na tila sinasabihan ako nitong tumayo.
Napahinga ako ng malalim. Inihanda ang matamis na ngiti sa mga labi ko at dahan-dahang tumayo na humarap sa mga ito.
"Um, me too, Inspector. Masaya po akong makilala kayo. Siya nga pala ang kakambal.ko. Si Marione," pagpapakilala ni Dos sa akin.
Napaangat ako ng mukha mula sa pagkakayuko at halos manghina ang mga tuhod ko na mapagsino ang kaharap ko!
Namimilog ang mga mata na mapatitig ako dito. Para akong tinatangay sa kawalan na makilala siya!
Mukha namang hindi na ako nito nakikilala dahil kimi itong matamis na ngumiti na naglahad pa ng kamay. Ni hindi ko mabakasan ng gulat sa mga mata nitong nangingislap!
"Hello, nice to meet you, Ms Marione," magiliw nitong saad.
Nangangatal ang kamay na inabot ko ang kamay nito at pilit ngumiti na sinalubong ang kanyang mga matang nakatutok sa akin!
Para namang kinuryente ako na maglapat ang mga kamay namin! Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko lalo na't mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko na marahang pinisil!
"Um, n-nice to meet you too, Inspector," nauutal kong sagot na nagbawi ng kamay dito.
"Have a sit, Inspector," ani Dos na iginiya itong maupo kaharap namin.
"Thank you, Captain."
Hindi ako makatitig sa kanya ng diretso. Pakiramdam ko kasi ay napakalagkit ng kanyang pagtitig o dadyang binibigyan ko lang ng ibang kahulugan ang pagtitig nito dahil namumukhaan ko siya!
Pero para namang nananadya ang pagkakataon na biglang dumating ang General nila Dos at ipinatawag ang mga ito kaya iniwan sa akin ni Dos ang pamamahala sa kanyang bisita!
Pakiramdam ko ay sobrang sikip ng opisina ni Dos sa pang-iiwan nila ni Angelique sa aming dalawa nitong Inspectors Lucky Hoffman na 'to! Fvck!
"Um, gusto niyo po ng kape?" nahihiyang pag-alok ko dito.
Maramis itong ngumiti na tumango.
"Pwede ba?" anito.
"Oo naman po. Igawan ko na lang po kayo," sagot ko.
"Sure, take your time. Babe."
"Babe?"
Ngumisi ito na tumayo at lumipat sa upuan ko! Para akong mabibingi sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na tumabi pa talaga ito!
"Why? Sounds familiar, hmm?" tudyo nito na bahagyang inilapit ang mukha sa pisngi ko!
"H-hwag naman po kayong ganyan. May cctv dito. Baka mapanood ng kapatid ko, Tito," nauutal kong saad.
Malutong naman itong napahalakhaknna pasimpleng napaakbay na ikinaiktad ko. Inilapit nito ang mukha sa punong-tainga ko na ikinanigas kong namimilog ang mga mata!
"Tito, huh? So, pwede mo bang i-rate kung gaano kagaling magdala sa langit ni Tito, babe?" paanas nito.
Nanigas ako sa kinauupuan na parang nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig! Nag-iinit ang mukha ko na hindi na makatingin sa kanya ng diretso! Lalo na't nananadya itong matiim na nakatitig sa akin na may naglalarong pilyong ngiti sa mga labi.
Parang gusto ko na lamang bumuka ang lupa at lamunin ako. Hiyang-hiya ako lalo na't naglalaro sa isipan ko ang mga namagitan sa aming dalawa noong gabing iyon!
Mariin akong napapikit na nakagat ang ibabang labi. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko na para ng lalabas sa loob ng ribcage nito. Para akong maiihi sa hindi ko mapangalanang emosyong nadarama ko.
"You remembered it, right, babe?" bulong pa nito na ubod ng landi ang tono.
Napahigpit ang kapit ko sa laylayan ng dress ko. Hindi makatingin sa kanya dahil dama kong sobrang init na ng mukha ko. Tiyak na kasing pula na ng hinog na kamatis ang pisngi ko sa tiim ng pagtitig nitong tumatagos sa buto ko!
"P-pinagsasabi mo?" utal kong ismid na ikinahagikhik nito.
Napapitlag naman ako na pasimple itong umakbay na ikinamilog ng mga mata kong nanigas sa kinauupuan! Para akong mahihimatay sa mga sandaling ito. s**t naman! Ni hindi siya nag-aalala na may makakita sa amin sa paakbay-akbay nitong nalalaman!
"Alam kong naaalala mo ako, babe. Pero kung talagang hindi? Pwede kong ipaalala sa'yo kung paano tayo nagkita noong una, what do you think, hmm?"