Tristan POV
“Sir, pano naman po kami na nagttrabaho sa pinakamataas na parte? Pinangakuan po kami ng dagdag sahod kasi mas delikado ang kinalalagyan namin.”reklamo nung isang trabahador.
‘Kami din po, napangakuan kami na may dagdag sahod kasi palagi kaming huli na lumalabas. Palaging may OT kasi kailangan daw matapos kaagad.”dagdag pa ng isa.
“boss, yung pinamili sa amin na kagamitan, paano naman din po. Galing pa po kami sa malayo, kalahati palang po ang nabayaran.”
Kaliwa’t kanan ang naririnig kong reklamo sa akin nang dahil sa architect na kinuha namin para sa construction ng bagong building ng negosyo namin. May 20 floors ito kaya mejo mataas ang building na isasagawa.
Nagising nalang ako kaninang umaga na may tawag sakin na di daw nila makontak yung architect at mga tauhan nito. Mukhang umalis na ito dahil sa linis na mga mesa nila.
How could they? Tangay nila ang budget para sa pagtatapos ng building na iyon tapos ngayon wala na sila. I got so pissed na ibinalibag ko lahat ng gamit sa mesa ko sa opisina.
What the f**k should I do? I am still a student, halos di pa ako tapos and halos di makatulog maibalanse ko lang trabaho ko dito pati sa school.
Ano nanaman sasabihin sakin ng tatay ko? Na wala nanaman akong kwenta? Putang ina, lahat ginagawa ko na pero wala pa din.
Dumating ang nakatatanda kong kapatid nang malaman niya ang nangyari. He has been my father’s favourite, lahat nang gawin niya ay tama samantalang ako, palaging mali kahit ginagawa ko na lahat.
“Calm down, everything’s gonna be alright.”
“Easy for you to say, ikaw ang paborito. Kahit anong sabihin mo tinatanggap niya. Samantalang ako, kahit anong gawin ko, kulang pa.”
Natahimik ito, alam din naman niya ang totoo. Siya ang pinapaboran habang ako kailangan pang may gawin. Ilang beses na ako pabalik balik sa opisina ko habang nag iisip kung anong gagawin. Hindi ko naman alam na ganun pala itong architect na nakuha ko.
He was working smoothly, halos okay na sa lahat pero bigla nalang niyang dala ang halos 1 million na budget pa para sa itatayong building.
Biglang pumasok si Gilbert, ang aking sekretarya at sinabing andito na si dad. Nagkatinginan kami ni Kuya bago namin narinig ang malakas na paghampas sa pintuan ng opisina ko.
Dad walked over to me and immediately landed a punch on my face. He then grabbed my collar and punched me once more.
“Wala ka na talagang binigay sakin kundi kahihiyan at sakit ng ulo.” Malakas niya akong tinulak pababa and pointed his finger at me.
“You are always a disappointment to me. Wala kang ginawa kundi gumawa ng bagay na ikakapahiya o ikasisira ko. Ayusin mo tong gulo kundi itatakwil kita sa mga buhay namin.”
I didn’t answer but just nodded. Nang makalabas na siya ay saka ako tinulungan ni Kuya makatayo pero di ko tinanggap ang tulong niya,
Napangisi akong tumalikod sa kanya, hinarap ko ang bintana at tinignan ang tanawin sa labas.
“Wala nanaman akong ginawa na mabuti, kahit ano naman gawin ko lahat para sa kanya masama.”
“Don’t mind him, Tris. Alam naman natin na ganoon na siya.”
Hindi ako umimik. Ayoko magalit sa kanya kasi alam ko namang hindi niya rin gusto ang ginagawa sakin ng Daddy namin.
Sana pala sumama nalang ako sa Palawan at hindi ko nalang pinansin to para may katotohanang wala akong ginawa kundi ang maging sakit ng ulo.
I went out of the office and just drove somewhere para magpahangin. I need to know what to do now, lalo at alam kong galit na galit si Daddy sakin.
I landed in this café nearby the building na pinapagawa namin. It has a rooftop kaya doon nalang ako, I took my laptop with me.
Nagorder lang ako ng kape saka isang cheesecake and I asked kung pwede akong makaconnect sa wifi nila. I opened my laptop and signed in sa aking social media.
Nang mabuksan ko ito ay nabungaran ko ang mga bagong posts ni Sir Andrew, the school President. I clicked on the images and I was happy to see her with them. But what pissed me off was the last picture.
All of the family members were there with their partners. But Tiffany was not alone. She was with him and his hands were on her waist.
What the hell was this?!
--
Tiffany POV
Last night was fun. I did have fun. We danced and socialized to almost everyone at the party. Dad even introduced him as a pilot that works for us and they even wanted to try out his service.
Bumangon na ako sa kama and took a shower. Nang matapos ako sa aking morning routine ay napag desisyunan kong magstrolling lang muna sa Palawan.
Pagbaba ko ay di pa pala sila gising, although some crew from the plane were there. I even saw him too, nagkakape na ito.
He was smiling at me while he watched me go down the stairs. Kinakausap siya nung isang steward pero di na niya ito pinapansin, he was focused on me.
I was chuckling habang papalapit sa gawi nila. I sat beside him and they all greeted me. Ibang klase ang titig sakin ni Miguel kaya mejo nailang ako.
But he asked me if I wanted coffee and I said yes. Bumati rin ako sa kanila pabalik. I was sipping my hot coffee nang magsalita ito.
“How was your sleep?” I faced him and smiled.
“Good, I hope you also had a good sleep.”
“Yeah, I did. Very good sleep.” He smiled and that made me chuckle.
I just continued sipping on my coffee when one by one they came down and had breakfast with us. They also planned to go out and stroll kaya sumama na din ako, I even dragged him with us.
So matapos kaming magbreakfast ay naghanda na ako para din sa pag alis namin. I got my phone and wallet inside my mini bag then have it sling by my shoulder.
He was just waiting downstairs since wala pa din naman sila. Lahat ata kami aalis so sama sama naman kami.
Once we were complete, two vans were used. Isa isa kaming sumakay. Kami ang nahuli kaya sa likod nalang kami nakaupo.
It was convenient since he can hold my hand freely. Ang katabi lang naming ay yung guard and he does not even see. I was smiling at the back, my hands intertwined with his.
Madami dami din kaming napuntahan that day, he bought souvenirs for his siblings and some for his Mom too. He said I’m gonna meet them soon.
I also bought them stuff, since wala naman akong pagbibilhan aside from Amber and Tristan. Naglilibot kami sa buong lugar and even ate at a restaurant in the area
We had fun along with my nieces and nephews. Isasama sana namin yung iba kaya lang they chose to stay in the villa. Tanging si Miguel ang sunama samin sa lakad.
We finally decided to head back sa villa. I was damn too tired that I fell asleep sa biyahe and I my head was even lying on his shoulder. Napamulat nalang ako na malapit na kami sa villa.
Huli nanaman kaming nakababa kasi hinintay naming makababa muna yung mga bata bago kaming matatanda. Inalalayan naman niya akong makababa.
Didiretso na sana ako paakyat nang marinig ko ang boses nito sa may living area.
“Seems like you were having fun without me.” I stopped midway at lumingon sa pinanggalingan ng boses.
“Tristan?” nanlaki ang mga mata ko sa kanyang pagdating.
“Hi baby, did you not miss me?” itinaas niya ang kanyang dalawang kamay para malaman kong gusto niyang yakapin ko siya pero di ko nagawa. Ngumiti lang ito saka siya na ang lumapit at niyakap ako.
“I did miss you, a lot.” Saka hinagkan niya ako sa noo.
Nanatili lamang akong tahimik at pinagmamasdan ang ginagawa niya. Binaling ko sa ibang direksyon ang aking mukha at nakita ko siya sa may pinto. Kumunot lang ang noo ko, pero alam kong alam niya na di kon din ito gusto.
Inakay niya ako pasala kung nasaan sila. Naupo kami sa isang couch, nandoon din sila Dad.
“Akala ko ay di ka makakasama?” tanong ni dad.
“Hindi nga po, tito. I was assigned to manage the construction sa building namin. I just took a break.”
“Ganun ba? Kung naka abot ka sana kagabi, baka ikaw ang naging escort nitong si Tiff, siya lang ang walang kasama kaya pinasama ko si Miguel, buti nalang sumama siya.”
“Ahhh ganun po ba? Sayang nga po.”
“Magpapahinga muna ako, napagod ako kanina.” Sabi ko kaya nauna akong tumayo. Sasama sana si Tristan pero sinabi kong gusto ko matulog. Kaya naiwan nalang siya sa sala with my family.
Hindi ko na din siya nakita sa labas ng living kaya umakyat na ako. Nang nasa kwarto na ako, I messaged him na hindi ko alam na pupunta pala siya sa Palawan.
Mabuti nalang at naintindihan niya. Nakita ko kasi sa kanyang mga mata kanina ang lungkot. May text din ako na nakuha galing kay Tristan. Binasa koi to pero di na ako nagreply.
“Sinasamantala mo ang panahpn na wala ako at kinakasama mo pala siya? Ako ang boyfriend mo, Tiffany. Sana matandaan mo yan. - Tristan”
Inilapag ko ang phone ko sa bedside and just let sleep take me. Ayoko siyang isipin. Masaya ako sa nakaraang 2 araw. Ayokong masira niya ang mga magagandang nangyari samin ni Miguel.