NAKALIMANG buntonghininga si Vel mula nang mapagdesisyunan niyang tumambay na lang sa porch ng villa kung saan sila naka-check-in. Matapos ang speech ni Jam sa short program at performance ni Aycee, nagpaalam na siya sa mga kaibigan na uuwi na lamang ng villa. Wala siya sa mood mag-party. Mas gusto pa niyang tumunganga sa reflection ng buwan sa dagat tulad ng ginagawa niya ngayon. Prenteng nakaupo siya sa isang wooden bench na may mga unan at nakaharap sa dagat. Full moon at maliwanag ang buwan. Nagre-reflect ang ganda nito sa tubig. A beautiful scenic view indeed. Muli niyang tinitigan ang nag-iisang long text message ni Earl na sumagot sa lahat ng tanong niya rito particular kung bakit siya nito nagawang ipagpalit sa iba. From: Earl You are too boring for me. I just get tired of w