NAALIMPUNGATAN si Jam nang marinig niyang mag-ring ang cell phone. Nagulat siya nang makita ang oras. 11:30 a.m. na pala. Tatlong oras siyang nakatulog sa sofa. Agad siyang bumangon at may lunch meeting pa siya. Tumatawag si Winona. Agad niyang sinagot ang tawag. “Win, bakit ’di mo naman ako ginising? Nakarating na ba sina Vel?” “Sorry. Tulog na tulog ka kasi. Pero yes, nakarating na sila. At may breaking news ako sa ’yo. Earl broke up with Vel.” “Wait, what?!” Napatayo siya sa narinig. “You heard it right. After breaking up with her, bigla na lang nawala itong si Earl. Nagpapatulong si Vel na hanapin iyong jerk ex niya. Hindi na kasi niya ma-contact. Kaso hindi ko na rin makita ang online accounts ng lalaking iyon.” Hindi ma-gets ni