HINDI mapawi ang ngiti sa labi ni Earl nang ihatid niya sa Vel sa airport. May gagawin itong site visit para sa isang charity project ng company sa Leyte. It’s been a month since they became official couple. He’s more than happy. Finally, after ten years, nagka-girlfriend na uli siya. Walang masyadong nabago sa relasyon nila ni Vel. He just let her handle their relationship. Ayaw niyang pilitin ito sa mga bagay na hindi pa ito handa tulad ng pagpapatuloy nito sa unit nito. One month na nga sila, pero hanggang pinto ng unit pa lang niya ito naihahatid o nasusundo. But that didn’t hurt him. Alam naman niya ang condition nito. Kapag pinapasok na siya nito sa unit nito, ibig sabihin ay handa na itong papasukin siya sa buhay nito nang tuluyan. Confident naman siya na on the process na sila. I