MATAMANG nakatitig lang si Vel sa puntod ng kapatid. Isang linggo na nang maging sila ni Earl at sa mga sandali ito pa lang nag-sink in sa kanya na sa wakas, may kaagapay na muli siya sa buhay. Wala pa siyang pinagsasabihan sa tungkol sa relasyon nila. They both decided to face her considered second family—Jheymie’s family—that day. Kaya maaga pa lang ay dumalaw na si Vel sa puntod ng kapatid to ask signs kung tama ba ang desisyon niya sa buhay, both about loving Earl and forgiving Jam. Speaking of Jam, still hindi pa rin niya ito nakakausap. Ni hindi maibigay ni Winona kung saan ito mako-contact. He deactivated his social media accounts and online communication accounts. Email na lang ang hindi niya nasusubukan. Matapos makapag-alay ng dasal ay agad ng nagbiyahe si Vel, papunta sa ZL