JAM found himself inside Vel’s unit again. Napahinto ang kanyang mata nang makita niya ang naka-frame na picture ng ate ni Vel sa may sofa. He remembered that day when he first entered Vel’s unit to treat her eyes. “Lika, dito sa kusina, doc!” anyaya ni Vel. Tumalima siya. “Sigurado ka bang okay lang?” Binalingan siya nito at nginitian. “Oo nga. Lika na, lumalamig ang pagkain.” Sa kitchen sink siya dumiretso. He took off his Rolex Daytona Diamond men’s watch at inilagay iyon sa may lababo para makapaghugas ng kamay nang ayos. Pagkatapos ay sinamahan na niya si Vel na dumulog sa hapag. Kagyat niyang naalala ang nakaraan, noong araw na inilabas nito ang galit sa kanya. Saksi ang bawat sulok ng unit nito sa madramang tagpong iyon ng buhay