KASALUKUYANG abala si Earl sa pag-review ng mga design ng mga architect nang mawala siya sa concentration dahil may isang nakatitig sa kanya. Agad niyang binalingan ang girlfriend na prenteng nakahalumbaba sa mesa niya habang nakaupo sa visitor’s chair sa loob ng kanyang office at ngingiti-ngiting pinagmamasdan siya. It’s been months. Hindi na niya naisakatuparan ang monthsary surprise na pagsunod sana niya sa Leyte rito nang bigla siyang ipinadala sa Palawan ng boss nila para dumalo sa isang business summit. Pagbalik naman nila pareho sa Manila, wala pang isang linggo ay ipinadala naman siya sa U.S. ng kompanya at namalagi roon ng apat na buwan. He just arrived a day ago. “Na-miss din kita, Vel,” sambit niya. “Wala naman akong sinabing na-miss kita, ano,” hirit nito. “Ah, kaya pala