VEL spent half of her day on field. Tatlong construction site ang pina-visit sa kanya ni Boss Earl. Speaking of that guy, two days na itong hindi pumapasok. Natuluyan itong magkasakit. Gusto sana niya itong dalawin pero ayaw nito. Okay lang daw ito. According to him, he could manage. Trangkaso lang naman daw iyon. But Vel knew better. Ubong-ubo nga ito nang tawagan siya kagabi para utusang mag-site visit. She planned to visit him after work. Kinuha na niya ang address ni Earl sa sa HR. She rested well in her swivel. “’Musta ang site visit, Arch. Mariole?” tanong ni Bob. “Okay naman. Nagawa mo ba ang pina-revise ko sa iyong design ng cabanas sa Laiya project?” tanong niya rito. “Yes at na-email ko na sa ’yo.” “Good. I’ll check it later.” Kinuha ni Vel ang cell phone sa drawer at na