Chapter 1

2647 Words
Jea Raine’s POV “Nakakabaliw ka, babe... Ohhhh…” “Rafael, ahhh…” anas ko sa gitna ng mapusok na halikan namin ng lalaking nakapatong sa akin. Ang isa nitong kamay ay nakapasok sa t-shirt ko at minamasahe ang isa kong dibdib. Kahit nakasuot pa ako ng bra ay ramdam ko ang init ng palad ni Rafael. Hinahaplos ko ang matipunong dibdib nito. Nagtatalo pa ang isipan ko kung itutulak o yayakapin ko pa si Rafael. Ang sarap. Sobrang sarap ng pinaparanas nito sa akin. Sa huli... hindi ko hinayaan na madarang ako sa apoy. Lakas loob kong tinulak ang half naked na lalaki na nakapatong sa akin. Sa ginawa ko na 'yun ay ako yata ang mas nabitin. Tiningnan ko mula sa dim light si Rafael. Napalunok ako na pinasadahan ang katawan nito at huminto ang tingin ko sa six-pack abs nito. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. “H-hindi pa ako handa, babe.” kumakabog ang dibdib na sabi ko. “I love you, p-pero hindi pa pala ako handa sa ganitong bagay.” Nagmamadali akong bumaba ng kama at inayos ang sarili ko. Hindi pa naman ako tuluyan na nahubaran ni Rafael. “Babe, wait!” narinig kong nag-aalalang tawag ni Rafael. Ako naman ay dala ng pangamba ay agad namasa ang mata ko. Hihiwalayan na ba ako nito dahil hindi ko napagbigyan sa gusto nito? Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Ilang sandali lang nang naramdaman ko na yumakap si Rafael mula sa likuran ko at matapos ay iniharap nito ang katawan sa akin. Mula sa kaunting liwanag ng apat na sulok ng motel room na pinuntahan namin ay nakita ko ang pag-aalala sa mata ng gwapo kong boyfriend. “B-babe, why are you crying?” hinawakan nito ang magkabila kong pisngi. “I’m sorry; please don’t cry. Hindi kita pipilitin. It’s okay.” “No, Rafael.” napayuko at nahirapan akong titigan ang mukha nito, ngunit hinawakan ako nito sa baba at pinagpantay ang tingin namin. “N-natatakot ako na b-baka ipagpalit mo ako sa ibang babae. Kasi hindi ko pa maibigay ang gusto mo.” Napaawang ang bibig ni Rafael. Ilang saglit lang ay ngumisi ito at matapos ay niyakap ako ng mahigpit. Napasinghap pa ako nang maramdaman ang matigas nitong p*********i. Malaki siguro 'yun dahil tila nakabukol at matigas pa na tumatama sa harapan ng p********e ko. Matapos ang ilang sandali ay bumitaw mula sa pagkakayakap si Rafael at hinawakan ako sa magkabilang balikat, tinawid ang pagitan namin para kintalan ako ng matamis na halik. Wala na akong nagawa kung hindi lasapin ang halik nito. Napadilat na lang ako nang maramdam ko na wala na ang labi nito sa labi ko at matiim nang nakatitig sa mukha ko. “Do you think na ipagpalit kita sa ibang babae... just because of s3x?” seryosong tanong nito. Hindi ako umimik ng ilang segundo. “B-babe, ayokong ipagpalit mo ko sa iba. Mahal na mahal kasi kita. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Sa’yo lang ako nakaramdam—” “Shhhh…” hinarang ni Rafael ang hintuturo nito sa aking labi. “Never kitang ipagpapalit kahit kaninong babae. Baliw na baliw ako sa’yo. Hindi ko na nakikita ang sarili ko na magmamahal pa ng ibang babae maliban sa’yo. Kulang na lang sambahin kita dahil sa sobrang pagmamahal ko. Kaya huwag na huwag mong sasabihin sa akin sa hihiwalayan kita dahil lang sa s3x. Dahil napakalaking insulto para sa akin ang mga salitang ‘yun. I love you so much. Ikaw lang. Jea Raine Serrano.” Tinanggal ni Rafael ang daliri nito sa labi ko kaya malaya kong naawang ang labi ko habang nakatitig kay Rafael. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko kasabay nang pananayo ng mga balahibo ko sa tinuran nito sa akin. Akala ko ay magagalit talaga ang pinakamamahal kong boyfriend. “Just promise me one thing, JR,” patuloy ni Rafael. “B-babe.” anas ko kasabay ng malakas na t***k ng puso ko. “Promise that you will preserve your virginity for me. Gusto ko sa akin lang ang katawan mo. Sa akin ka lang. Titiyakin ko na legal na kitang asawa kapag dumating ang araw na 'yun. I don’t care how many years. I’ll wait hanggang sa maangkin kita ng buong-buo as your husband. Magiging legal kitang asawa sa mata ng tao at mata ng Diyos.” “Sa’yo lang ako Rafael,” sagot ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. Nag-uumapaw ang kasiyahan ko sa mga narinig ko mula sa lalaking mahal ko. “Hindi lang ang katawan ko, pati ang puso ko. Mahal na mahal kita, babe.” “UYYYY! Raine, ano na?” nagulat ako sa malakas na tawag at kalabit ng officemate ko na si Martha. Nasa likuran ko lang ito. “H-ha?” lingon ko dito. “Anong hah?” yamot na wika ni Martha. “Are you with us? Nakatulala ka na kasi. Nakadalawang tanong na si Kuya ng order mo, mahaba na ang pila sa likod ko neng!” Tumingin ako sa paligid. Nasa loob nga pala kami ng fast-food chain at mag-o-order ng lunch ng mga officemate ko. “Can I take your order, Ma'am?” narinig kong tanong ng cashier na nagpabaling muli ng tingin ko sa counter. Tumikhim ako. Muli kong tinignan ang nametag ng lalaking cashier na kukuha ng order ko. RAFAEL. Inilayo ko ang tingin sa name tag ng cashier at baka bigla ko na naman na maalala ang nakaraan ko. Isa pa, mukhang na-weirdo-han ng tingin sa akin ang lalaking kaharap ko. Matapos mag-order ay sabay-sabay kaming kumain ng mga ka-trabaho. Habang sila ay masaya, ako naman ay tahimik lang na kumain dahil muli na naman ginulo ni Rafael ang isip ko. Nasaan na kaya siya? Mahal niya pa kaya ako? May asawa na kaya siya? Sunod-sunod na tanong ko sa isip ko. Napabuntong hininga ako ng malalim at nasaktan ako sa sarili kong tanong. Sabi ni Rafael ako lang ang babaeng mamahalin nito. Parang hindi kayang tanggapin ng puso ko kapag malaman ko na pinagpalit na ako nito sa ibang babae. Bigla ko naman naalala na ako nga pala ang unang bumitaw sa relasyon namin. Malamang ay abot hanggang langit ang galit ni Rafael sa akin. Gusto ko man na makita ang lalaking pinakamamahal ko ay malamang hindi naman nito nanaisin pa na makita ako. Matapos ang pagtataboy ko sa kanya ilang taon na ang nakakaraan. Bumalik ang ulirat ko nang nauliningan ko ang pangalan ko na binanggit ni Martha. 'Yun pala ay tampulan na ako ng tukso ng mga officemate ko at nirereto ako sa isa pa namin na officemate. Tipid na lang akong ngumiti sa kanila. Matapos ay nagpatuloy sa pagkain at hindi ipinahalata na wala akong gana sa pagkain. Sa loob ng isang buwan na pagtatrabaho ko bilang isang data encoder ay naiilang pa rin akong makisama sa mga rank and file na empleyado. Nasanay kasi ako sa mataas na posisyon na ako ang nag-uutos. Na ilag ang mga empleyado sa akin. Pero dahil nasa ibaba ako ng organizational chart ng pinapasukan kong company sa ngayon, ay ako ang inuutusan, ako ang mas kailangan na sumunod. Ginusto ko ito eh. I can be the CEO of my own company, pero nagdesisyon ako na magsimula muna sa ibaba. Training ground ko ito para kapag nagtayo na ako ng sarili kong kumpanya ay magiging maganda ang patakbo ko dahil matututo ako makipag inter-act sa iba't ibang klase ng tao. Balak ko naman na mag-resign agad bago pa malaman ng officemates ko na anak ako ng isa sa pinakamayaman na negosyante sa Pilipinas. Paunti-unti. Dahan dahan. Alam ko na makakaalis rin ako sa poder ng Daddy ko. Tatayo ako sa sarili kong paa para itaguyod ang anak ko mula sa sarili kong pawis. Wala nang pwede magdikta sa akin. I will make decision by myself, for myself. “YAYA, WHERE is Nicole?” bungad ko agad sa Yaya ng anak ko na si Nicole nang makauwi ako sa mansion ni Daddy. “Nasa kwarto niya po Ma’am.” “Si Daddy?” “Nasa library po, hinihintay kayo.” magalang na sagot ni Yaya. Inabot ko kay Yaya ang bag ko bago tumungo sa library para kausapin si Daddy. Hindi ko alam kung ano ang importante nitong sasabihin sa akin. Pinag-undertime pa ako nito sa pinagtatrabahuhan ko para lang sa sinasabi nitong importante na balita. May halong kaba tuloy ako na nararamdaman habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ng ama. Kumatok muna ako at binuksan ang pinto ng marinig ang sinabi ni Daddy na “come in.” Seryoso ang ama ko na nakaupo sa swivel chair nito habang nakatingin sa folder na hawak nito. Lumingon ito sa akin nang nagsimula na akong maglakad papalapit dito. Dumerecho ako sa table nito at umupo. “Yes, Dad?” seryosong sabi ko agad sa ama kong nakatitig sa akin. Hindi agad nagsalita si Daddy. Kumunot ang noo ko. Ilang sandali pa ay nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga. “I want you to marry someone.” Napanganga ako sa gulat dahil sa sinabi ni Daddy. Akmang magsasalita ako pero walang lumabas na tunog sa bibig ko. Naningkit ang mata ko. “A-are you kidding, Dad?” usal ko matapos ay napangisi ako sabay hawak sa sentido ko. Kaya ba ako nito pinauwi para makipagbiruan lang? “I’m not,” sagot ni Daddy na hindi man lang nagbago ang seryosong expression ng mukha nito. Mas lalo akong natigilan sa sinabi nito. Ngayon ay ramdam ko na. Seryoso si Daddy. No! “Wait!” mataas ang boses na sabi ko. Napahilamos ako sa mukha ko. “A-anong? B-bakit? Dad, what is the meaning of—” "Listen first!” putol sa akin ni Daddy na tinaasan na ako ng boses. “You need to marry one of my business partne—” “At pagkatapos ay ano, Dad?” galit na putol ko naman sa ama na pinantayan ang taas ng boses nito. “Baka nakakalimutan niyo na kaka-divorce lang ng kasal namin ni Jonas a month ago!? Tapos heto na naman! Magpapakasal ako. Mabubuntis at pagkatapos ay ano? Magpapa-divorce uli? Dad, Huwag mong gawing biro ang kasal na para lang akong naglalaro at kapag nag-sawa ay game over agad!” Tumayo ako at hindi na hinayaan ang ama ko na makasingit pa at manduhan na naman ang buhay ko. Walang patutunguhan ang pag-uusapan namin ngayon. Never! Never na akong papayag na isakripisyo muli ang sarili ko para sa pamilya. Sapat na ang six years na pagdurusa ko na pinagpalit ko ang taong mahal ko para sundin si Daddy na magpakasal kay Jonas. “JR, sit down!” pagalit na wika ni Dad. Pero wala itong nagawa dahil tinalikuran ko na ito at nagmamadaling pumunta ng pinto. “Ahhh..” agad akong napalingon. “D-dad?” binalot naman ako ng pag-aalala ng makita si Daddy na akmang uupo habang hawak ang dibdib nito, napapangiwi ito at halatang nasasaktan. Napatakbo muli ako patungo sa table nito. “R-relax, Dad!” Natataranta kong sabi. May maintenance na si Daddy sa high blood nito at minsan na rin na heart-attack. Nakaupo naman matapos nang ilang sandali ang ama ko. Muli akong umupo sa swivel chair sa tapat ng table nito. Ilang sandaling katahimikan bago muling nagsalita si Daddy. “Nakasanla na itong mansyon natin, and almost ninety percent of our properties.” napaawang ang labi ko sa sinabi ni Daddy. “Lugi na ang kumpanya.” "Lugi? How come na nalulugi na naman ang negosyo namin?" sa isip-isip ko. Isa si Daddy sa pinaka-successful na businessman, lalo na nang matapos ang merging ng isa sa company ni Daddy at ng ex-husband ko. Kahit naman naghiwalay kami ni Jonas ay patuloy pa rin ang partnership ng mga negosyo namin. Hindi ako sumagot sa sinabi ni Daddy, bagkus ay ipinatong ko ang mga siko sa table at hinilamos ko ng mga palad ang mukha. “History repeats itself.” Ilang sandaling katahimikan. Matapos ay muli kong nilingon si Daddy na medyo kalmado na ang mukha. “D-dad, please,” pinipigilan kong pumiyok, tila naiiyak ako. “Sa ibang araw na lang tayo mag-usap. Kailangan kong pumasok ng maaga bukas dahil madaming reports sa office.” Hindi ko na hinintay pa na sumagot si Daddy. Lumabas ako ng library. Pagkalapat ko ng pinto ay agad akong sumandal at dahan dahan na napaupo. Napasabunot sa sariling buhok. “My God! Hindi na yata ako magiging masaya.” Ilang sandali ako sa ganoong posisyon at napailing na lang ako bago tuluyang umalis sa kinauupuan ko at agad na nagpunta sa kwarto ni Nicole. Si Nicole na akala ng lahat ay tunay kong anak. Ako at si Jonas lang ang nakaalam kung ano ang tunay na pagkatao ni Nicole. Sikreto na kailangan namin na itago. Dahil kapag nalaman ng iba ay buhay ng bata ang nakataya. "Mommy!" Nagtatakbo si Nicole para salubungin ako ng mainit na yakap na tinugon ko ng mas mainit na yakap. Tunay nga na ang yakap ng anak ay makakapawi ng pagod sa maghapon na pagod sa pagtatrabaho. Kahit kailan ay ganito ang epekto sa akin ni Nicole. Siguro dahil tunay na anak ang turing ko sa bata. Si Nicole lang ang tanging naging sandigan ko noong panahon na nakatali ako kay Jonas. "Mommy, why do you look sad?" "Of course not, my cute babygirl." pilit akong ngumiti sa bata na nahalata ang lungkot ko. Dulot pa rin ito nang sinabi sa akin ni Daddy kanina. "P-pagod lang si Mommy.” Hindi na ako nagtagal sa kwarto ni Nicole, ilang saglit lang ay nagpaalam muna ako na magbibihis ng damit sa kwarto ko. Kinagabihan ay sabay-sabay kami na kumain ng dinner ni Daddy at Nicole. Bihira lang ‘yun mangyari. Most of the time, gabi na nakakarating si Daddy from work. During the weekend ay madalas rin itong wala sa bahay. I don't know Dad's whereabouts. Unti-unti na rin kasi akong nasanay na malamig ang pakikitungo sa ama ko. We are close before. Dati 'yun. Bago nito sirain ang pangarap ko na makasama ang lalaking mahal ko. "Mommy, when is Daddy coming home?" akma akong susubo pero natigilan ako sa tanong ng anak ko. Tumingin ako kay Daddy na patuloy lang sa pagkain. Hindi alintana ang tanong ng apo niya. Matapos ay tumingin ako sa anak ko. "Ahhm, Nicole, eat your food. Later I'll tell you." I glance at my father, then smirk after seeing his face. Mukhang wala itong balak na tulungan ako kung paano ipapaliwanag kay Nicole na hiwalay na kami ni Jonas. Siya itong nagpilit sa akin na ikasal ako sa lalaking 'yun na halos doble na sa edad ko. Siya rin itong dahilan kung bakit humantong sa divorce ang kasal namin. Matapos ang hapunan ay inihatid ko si Nicole sa kwarto nito. Matapos itong samahan sa pag toothbrush ay iniwan ko na ito muna para manood ng T.V. Sa ganoong paraan ay para malibang ito at makalimutan ang tungkol kay Jonas. Hindi pa ako handa na magpaliwanag sa bata. Alam ko na masasaktan si Nicole kapag nalaman nito na ang kinikilala nitong magulang ay hiwalay na. Muli akong bumalik sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay agad akong humilata sa kama. Tulala na napatitig sa kisame at inalala muli ang mga sinabi ni Daddy. Nakaramdam na naman ako ng pamilyar na kirot sa puso habang bumalik ang alaala ni Rafael. "Hindi kita mahal Rafael, naiintindihan mo ba? Pinaniwala lang kitang mahal kita. Akala mo ba ay totoo akong papatol sa kagaya mong hampas-lupa?" "JR, please. Huwag mo akong iwan. Mababaliw ako dahil sa'yo na lang umiikot ang mundo ko!" Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Tila kahapon lang at naaalala ko pa ang mga huling salitang binitawan namin ni Rafael sa isa't isa. "Rafael..." mahinang anas ko habang nagpatuloy ang daloy ng luha sa mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD