Chapter 2

2825 Words
Jea Raine’s POV “What!?” bulalas ko sa kausap ko sa kabilang linya. Napatayo ako sa kinauupuan ko dito sa opisina. Mabuti na lang at ako na lang ang naiwan dito sa department ko. Ang mga kasamahan ko sa opisina ay lumabas na ng building para kumain. Hindi ako sumama because Yaya packed a lunch for me. Besides, I’m not yet hungry. Dahil na rin sa nalaman ko kahapon na gusto akong ipakasal ni Daddy sa kasosyo nito ay apektado ang appetite ko at hanggang ngayon ay wala akong gana sa pagkain. Damay na rin pati ang gana ko sa pagtatrabaho. “Are you out of your mind, Jonas?” malakas na tanong ko pa rin sa ex-husband ko. Matapos ay natawa ako nang pagak dahil sa gusto nitong mangyari. Baliw na si Jonas. Gusto ko itong sampalin kung kaharap ko lang ito ngayon. Hanggang ngayon ba naman na wala na ako sa pamamahay nito ay kakayan-kayanin pa rin ako nito. “Listen, JR! Calm down!” sigaw naman ni Jonas mula sa kabilang linya. “You’re expecting me to calm down? You and Dad are always dictating me on what to do. Baka nakakalimutan mo, na hindi na tayo mag-asawa. Tapos na ang palabas natin! I don’t get it. In the first place, how did you know that Daddy is arranging a marriage for me? You should mind your own business!” sunod-sunod na singhal ko. Ayaw kong hayaan na makasingit siya sa pagsasalita at unahan ako sa gusto kong sabihin. Akala ko pa naman ay tumawag si Jonas para kamustahin si Nicole. Pero magugulat na lang ako na pati ay ito ay pipilitin akong magpakasal sa taong ni hindi ko pa nga nakikita. Muli akong napaupo sa silya ko. Nilingon ko uli ang paligid at baka may bumalik dito na officemate ko at makita ang galit ko. Mabuti na lang talaga at hindi ako sumama sa lunch out nila. Dinahilan ko kasi na may tatapusin pa akong reports. At totoo naman na kailangan kong tapusin lahat ng pending ko na trabaho. “Kung hindi ka magpapakasal ay mapipilitan akong gumawa ng bagay na hindi mo magugustuhan.” Bigla naman akong kinabahan sa tono ni Jonas. Akmang ibubuka ko na ang bibig ko para magsalita pero narinig ko na lang ang pagbaba ng lalaki sa tawag. Napahawak ako sa dibdib ko na nilukob ng kaba. Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko si Nicole. Jonas knows that Nicole is my weakness. Huwag naman sana gamitin ni Jonas at Daddy ang bata laban sa akin para mapasunod ako sa mga kagustuhan nila. Napahawak na naman ako sa sentido ko. Matapos ay nagmamadali na tinawagan ang teacher ng anak ko. “Hello, Miss Serrano. How may I help you?” malambing na tanong ng teacher ni Nicole. Alam naman kasi nito ang number ko dahil madalas akong tumawag para kamustahin si Nicole habang nasa school. “I’m just checking on Nicole. How is she, teacher?” hindi ko pa rin maalis ang takot sa boses. “She is doing fine and having lunch with her classmates.” “Thank you, teacher.” Lumuwag naman ang dibdib ko sa narinig. I’m worried na biglang magpunta si Jonas sa school at kunin ang anak ko. Lalo pa at narito na ang lalaking ‘yun ngayon sa Maynila. “Basta teacher, after class ay si Yaya lang ang pwede na magsundo kay Nicole. If ever my Dad will go there, please pakisabihan ako,” dagdag na sabi ko. “Sure, Miss Serrano.” Ngumiti ako nang marinig ang sagot ng teacher. Ilang sandali lang ay nagpasalamat na ako at nagpaalam sa teacher ni Nicole. Pinilit ko na lang din kainin ang pinabaon sa akin ni Yaya para hindi malipasan ng gutom. Iniisip ko na kailangan kong maging malakas para sa anak ko. Hindi rin nagtagal ay nagsibalikan na ang mga ka-opisina ko galing sa lunch-out. Ako ay tahimik na nagtrabaho na lang. Makalipas ang ilang oras at nang alam ko ay mag-uuwian na sa klase si Nicole na ay tumawag ako kay Yaya para itanong kung nakauwi na ba o kung nasundo na ba nito si Nicole. Hindi naman sumagot sa cellphone nito kaya muli kong tinawagan ang teacher ni Nicole para tanungin. “Hello, Miss Serrano.” “Teacher, nasundo na ba ang anak ko? “Yes, Miss Serrano. Sinundo na siya ng Yaya Tinay niya.” Pagkasabi nito ay bigla naman na gumaan ang pakiramdam ko. Tinapos ko ang tawag kay teacher at nagtuloy ng trabaho. Nag-text na lang ako kay Yaya at ibinilin ang mga dapat gawin ni Nicole pagka-uwi. Hindi naman na nakasagot pabalik si Yaya. Dala nang labis na pagka-busy sa trabaho ay hindi ko muna alintana ang personal na problema ko. Balak ko na kasing mag-resign bukas o makalawa kaya gusto kong tapusin ang trabaho ko ng malinis. Sa tingin ko ay magtatayo na lang muna ako ng maliit na business at aalis na sa poder ni Daddy bago pa nito tuluyan na ipilit ang gusto nito na pagpapakasal ko. Hanggang sa matapos ang working hours at nagpa-alam na ako sa supervisor ko na uuwi na. Nagtataka man na hindi ako naka-receive ng message mula kay Yaya ay pinilit kong iwaglit ang masasamang isipin kahit na bahagya na akong kinakabahan. Nang makarating sa mansion ay agad kong hinanap si Yaya. Hawak ko pa ang cellphone ko at sinusubukan na mag-dial habang papasok. Habang nasa byahe kasi ay nagtatangka akong tumawag kay Yaya pero out of coverage area ito. “Manang, nasaan po si Tinay?” agad kong tanong nang pinagbuksan ako ng isa sa kasambahay namin. “Ma’am Raine, hindi pa nga po nakakauwi. Akala ko naman po ay magkasama kayo—” Natigil sa pagsasalita si Manang nang nabitawan ko ang cellphone ko na agad nabasag. Tila nanikip ang dibdib ko sa narinig mula kay Manang. “No!” hindi ko alam kung pasigaw ko ba ito sinabi kasabay ng pagsalampak sa marmol namin na sahig. “Ma’am Raine!” puno ng emosyon naman sabi sa akin ni Manang na tinutulungan akong tumayo ng sahig. Sa labis na kaba ay nanigas ako sabay tulo ng luha ko. Ilang saglit lang ay pinilit kong pulutin ang cellphone ko. Basag na ang LCD. Pinipilit kong buksan pero black-out na. Nagsimula nang manlabo ang tingin ko nang naging masagana na ang daloy ng luha ko hanggang sa hagulgol ko na ang maririnig sa bukana ng mansion. Gusto kong tawagan ngayon din si Jonas. Alam ko na ito lang ang pwedeng kumuha kay Nicole. Lalo na kanina at nagbanta ito sa akin. “What’s happening here!?” malakas na tinig ni Daddy. Nanlalabo na ang mata ko pero nagawa ko pa rin na lumingon sa bandang likod ko at tumingala ako at nagtama ang mga tingin namin ni Daddy. Malamig lang ang tingin nito sa akin. Nakasuot ito ng amerikana habang hawak pa ang attache case nito. Kapag ganito ka-formal ang itsura nito ay malamang na nakipag-meeting ito sa isang importanteng client or investor. “Dad!” nanginginig ang boses na sabi ko. Mas lumapit pa sa akin si Daddy hanggang sa hinablot ko ang suot nitong slacks at tuluyan nang lumuhod sa ama. “Dad, please help me. Jonas took my daughter! Help me, Dad! Get my daughter please” Nahihirapan na akong huminga habang nagmamaka-awa kay Daddy. “Stop that drama, JR!” nagulat naman ako sa reaksyon ni Daddy na ngayon ay seryosong nakatingin lang sa akin. Natigilan ako sa paghagulgol at tahimik na umiyak habang nakatingin pa rin sa ama. “Get up!” mariin na sabi pa ni Daddy sa akin. Pinunasan ko ang mga luha ko. At nanghihina na tumayo. Kuyom ko ang palad at tinignan ng derecho sa mata ang ama ko. “You know where Nicole is? Right?” mahinang tanong ko. “Manang leave us alone.” Imbes na sumagot sa tanong ko ay binaling nito ang tingin kay Manang at parang walang narinig na tanong mula sa akin. Tinignan ko na lang si Manang na bakas ang takot sa mukha. “Opo, Don Rainier.” Napayuko na lang si Manang at kinuha mula sa ama ko ang hawak na attache case saka agad na lumayo sa amin. Nanatili akong nakatayo at nakatitig kay Daddy. Pinaramdam ko dito ang galit sa mukha ko pero mukhang balewala dito kung ano man ang nararamdaman ko ngayon. “Dad, answer me. May kinalaman ka ba sa pagkawala ni Nicole!?” Puno ng emosyon na tanong ko nang kami na lang dalawa na mag-ama. “JR, I know where your daughter is right now. She is with Jonas. Pero wala akong kinalaman kung bakit naroon siya ngayon. Your ex-husband just called me to inform. Don’t wor—” “Daddy!” hindi ko na kinaya ang narinig at sinigawan ko ang sariling ama. Wala na rin akong pakialam kung marinig ako ng mga kasambahay. “How come na kinuha sa akin si Nicole na wala kang alam? Tell me the truth! Kasabwat ka ba ng matandang iyon sa pagkuha sa anak ko. Hanggang kailan niyo ba ako hahawakan sa leeg? Give me my daughter. Aalis na kami sa mansion na—” “JR!” Mas malakas naman na ganti na sigaw na ama ko. Napahawak naman ito sa dibdib nito kaya bigla akong nag-alala sa atake nito sa puso. “Walang aalis sa bahay na ito nang hindi ko sinasabi! To tell you the truth. Wala talaga akong kinalaman sa pagkawala ng apo ko.” “Napasabunot naman ako bigla sa buhok ko sa pinagsasabi ni Daddy. Gusto ko na lang sana mag-collapse isipin na panaginip lang ang nangyayari. “Dad, bakit pati si Jonas ay gusto akong magpakasal sa taong ni hindi ko pa nga nakikita?” tumulo muli ang luha ko habang tinatanong ang ama. Hindi muna sumagot si Daddy. Ilang segundo na nanaig ang katahimikan sa pagitan namin. “Dahil pati kumpanya niya ay madadamay, JR. Please understand that your ex-husband is still my business partner. Kapag bumagsak ako ay babagsak din siya. Besides, he owes a huge amount of money to Mr. Clemente na nakatakda mong pakasalan.” Muli kong pinahid ang luha at natawa ng pagak sa sinabi ni Daddy. He is sure na pakakasalan ko ang lalaki na sinasabi nito. Ni hindi ko nga inintindi ang apelyido na kasasabi nito. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit pati si Jonas ay desperado na maikasal ako. And for sure may kinalaman ang bisyo ni Daddy at Jonas kaya nalugmok sila ngayon. Damay damay na! Kasama ako na ang tanging gusto lang ay tahimik na buhay. Magsasalita pa sana ako nang bigla naman na tumunog ang cellphone ni Daddy. Tinignan muna nito nang ilang saglit matapos ay tumingin ng derecho sa mata ko at bumuntong hininga bago sinagot ang tawag. “Hello, Jonas,” Naningkit ang mata ko ng marinig ang pangalan ng ex-husband ko. Pakiramdam ko ay namula ako sa galit nang maalala si Nicole na hawak nito ngayon. Sigurado naman ako na hindi nito sasaktan ang bata. Kung hindi ay mapipilitan akong ibunyag sa pamilya nito ang sikretong tinatago nito matagal na. Ilang saglit na katahimikan at tila pinapakinggan lang ni Daddy ang sinasabi mula sa kabilang linya. Ilang sandali lang ay bigla naman na inabot sa akin ng ama ko ang cellphone na agad kong itinapat sa tainga ko. “Hello, JR.”sa tono ng boses ni Jonas ay mukhang nakangisi ito ngayon. “How dare you, Jonas! Ibalik mo ang anak ko.” Matigas na sabi ko. Nagngangalit na ang panga ko sa tindi ng galit at wala akong pakialam kung nakikita ako ni Daddy. “Anak natin, remember?” sagot naman nito mula sa kabilang linya. “Kung gusto mo mong makita pa ang anak natin, magpapakasal ka kay Mr. Clemente! You know my capacity, alam mo kung ano ang kaya kong gawin.” Narinig ko na lang na pinatayan na ako ni Jonas ng tawag. Ni hindi ako hinayaan na makapagsalita. Lumukob ang takot sa dibdib ko lalo na at kilala ko si Jonas. Hindi ito mangingimi na gumawa ng masama para sa pera. Hindi rin naman namin tunay na anak si Nicole kaya alam kong hindi man lang ito magi-guilty kahit magmakaawa pa ang bata dito para lang makita ako Bumuhos lalo ang luha ko sa isipin na hindi ko na makikita pa si Nicole. Dahan-dahan kong binaba ng cellphone mula sa tainga habang nanlalabo dulot ng luha na tumingin ako kay Daddy. “Dad, sabihin mo lang kung saan at kailan. Magpapakasal ako kahit kaninong lalaki pa. Ibalik niyo lang ang anak ko.” Nanlulumo na sabi ko sa ama ko na ngayon ay nakangisi na sa akin. “I’M SORRY, Raine. You need to render at least two weeks para mabigyan ka ng clearance. That’s the company policy.” Kumunot naman ang noo ko sa manager kong babae na may edad na. I am submitting my resignation letter. Isang buwan pa lang naman ako nagtatrabaho dito pero ayaw akong payagan sa immediate resignation ko. “Pero, Ma’am. Hindi na po kasi akong pwede na pumasok bukas dito. At tinapos ko naman po ang trabaho ng maayos.” “I know, pero kailangan pa namin na maghanap ng kapalit mo at hindi naman nagagawa ‘yun ng isang pitik lang.” Hindi na ako kumontra sa boss ko. Nagpaalam na lang ako at lumabas ng opisina nito. Tinignan ko ang oras at coffeebreak na. Bumalik muna ako sa table ko at umupo. Tinignan ko ang itsura ko sa table mirror. Napabuntong hininga na lang ako ng makita ang pagod ko na mukha. Halata na hindi ako nakatulog ng maayos dahil namamaga pa ang mata ko sa labis na iyak kahapon at sabayan pa ng puyat. Gano’n pa man ay mababakas pa rin ang natural kong ganda. Muli akong tatayo sa table ng sakto naman na nag-vibrate ang cellphone ko at tumatawag si Daddy. “JR, how is your resignation?” bungad na tanong ni Daddy. “How is Nicole?” balik na tanong ko naman sa ama. Simula pa kahapon na muli kong nakuha si Nicole ay ayoko nang mawalay pa sa bata. Kung hindi nga lang ako pinilit ni Daddy na pumasok ngayon sa opisina ay hindi ako papasok. Gusto kasi nito na mag-file na ako ng resignation agad at huwag nang pumasok para makapaghanda sa kasal ko na next week na raw gaganapin. “Answer my question first,” halata naman ang pagkainis sa boses ni Daddy. “Dad, hindi pa approve ang resignation ko. Kailangan pa na maghanap ng kapalit ko.” “Then mag-awol ka!” utos sa akin ni Daddy. “Daddy, two weeks lang naman baka naman pwede next month na lang ako magpakasal.” Mariin na tutol ko. Hindi pa talaga ako handa na muling matali sa kasal. Nakakahiya na rin sa reputasyon ko. Narinig ko ang buntong hininga ni Daddy. “Don’t worry about Nicole and see you later,” wika ni Daddy na binabaan na ako ng tawag. Ni hindi nga nito pinakinggan ang hiling ko na i-delay muna ang kasal. Walang gana na lang ako ng nagpunta ng pantry para magtimpla ng kape. Nang makabalik ako sa workstation ko ay nagtataka naman ako nang makita ang manager ko. “Raine, about your resignation. Gusto ko lang sabihin na it’s already approved. You can pack your things at pwede ka na rin na mag-undertime.” Nagulat naman ako sa biglang pagbabago ng isip ng manager at alam kong si Daddy ang may gawa. Nag-ayos na ako para sa pag-alis ko ng kompanya. Sandaling panahon lang ang inilagi ko dito at hindi ko naman naging super close ang mga katrabaho ko kaya hindi ko rin mami-miss ang trabaho ko. Experience lang talaga ang habol ko para sa iniisip kong negosyo. Na mukhang malabo nang mangyari. “May goodness, Raine. Hindi namin akalain na anak mayaman ka!” hindi naman makapaniwala na sambit sa akin ni Martha nang pauwi na ako. Katatapos ko lang magpaalam sa mga ka-department ko na ngayon ay nagkukumpulan dito sa area ko. Naging medyo ilag nga sila sa akin nang malaman na anak ako ng isa sa tinitingalang businessman sa Pilipinas na si Rainier Serrano. Ang hindi nila alam ay pabagsak na ang negosyo namin. “Congratulations, Raine. Ikakasal ka na din pala next week.” Sabi naman ng manager ko. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung paano nito nalaman. Tunay na may pakpak ang balita. “Grabe, bagay na bagay kayo, sobrang gwapo ng mapapangasawa mo.” Pilit naman ako na ngumiti sa mga ka-opisina ko at hindi ipinahalata na wala akong alam sa itsura ng mapapangasawa ko. Sa isip ko ay wala nang mas gwapo sa paningin ko maliban sa unang lalaki na minahal ko. Bigla na naman bumalik ang alaala ni Rafael sa isip ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD