Chapter 4

2044 Words
Jea Raine Serrano's POV Naramdaman ko na lang ang pagkapit sa akin ni Daddy. Unconciously ay na out-of balance na pala ako sa pagkagulat. “JR, what’s happening.” Biglang lingon ko naman kay Daddy na mukhang nagulat din sa reaksyon ko. Kumunot ang noo ko. Hindi naman kasi nito kilala si Rafael eversince. Hindi nito alam na nagkaroon ako ng boyfriend at wala rin akong naipakilala na manliligaw noong nag-aaral pa ako. Lalo na at mahirap lang si Rafael at siguradong hindi papayag ang ama ko na magkaroon ako ng boyfriend na mahirap. But... how come na ito ang taong pinagkakautangan namin ngayon? Mahirap lang si Rafael. Paano nangyari na si Rafael Arellano ay naging si Mr. Clemente? “Let’s start the ceremony.” Napalingon naman ako sa judge na nagsimula nang mag-ayos sa table nito. Matapos ay muli kong tiningnan si Rafael habang patuloy ang pagkaba ng dibdib ko. Napakislot ako habang naguguluhan pa rin sa mga pangyayari. Hindi pa nag-sink in sa akin na ang lalaking magiging asawa ko ay ang ex ko na matagal ko ng gustong makita. Nanlalamig ang kamay ko nang inumpisahan ang seremonya. Sandali lang naman iyon pero parang katumbas ng oras ang sandali habang katabi ko si Rafael na walang imik. Hindi nagtagal ay tinanong na kami ng judge. At pinagharap kami ni Rafael. Halos tumigil ang oras ko nang muling magtama ang mata namin ni Rafael. Pero iba ang tingin sa akin nito ngayon. Wala akong mabakas na emosyon sa mukha nito. He is just staring at me blankly. Ang laki rin ng pinagbago nito. Gwapo na ito dati pero mas lalong naging gwapo ngayon na mas nagkaroon pa ng laman. Ilang sandali pa ay yumuko ako dahil hindi ko nakayanan ang tingin ni Rafael. Bigla rin bumalik ang alaala ng panahon na sinaktan ko ito. Hindi ko na rin naririnig ang paligid dahil nabibingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko. “I do.” Narinig ko lang na banggit ni Rafael. Hindi ko na namalayan ang tanong ng judge. Wala na ako sa sarili dahil ilang saglit lang ay narinig ko ang mga bulungan sa tabi at bahagyang tawag sa akin ni Daddy. ‘Yun pala ay tinatanong na ako ng judge. “Again... Ms. Jea Raine Serrano. Tinatanggap mo ba si Mr. Rafael Clemente bilang iyong kabiyak?” Halos hindi ko na narinig ang buong tanong sa akin. Muli akong tumitig kay Rafael. “I d-do.” Nanginginig na sabi ko. Ilang sandali lang ay narinig ko na ang palakpakan dahil na-pronounce na kami bilang mag-asawa. You may now kiss your wife... Nanlalambot ang tuhod ko sa narinig. Ilang sandali pa ay nanigas ako sa kinatatayuan ng biglang hinawakan ni Rafael ang magkabilang pisngi ko. Tila dumaloy ang libo-libong boltahe ng kuryente sa akin. Hindi ko na napigilan nang inilapit ni Rafael ang mukha nito at napapikit nalang ako. Ngunit walang labi na sumayad sa labi ko at naramdaman ko lang ang mainit na hininga ng lalaki. “Welcome to hell, wife.” Mahinang sambit ni Rafael. Nalanghap ko pa ang hininga nito at walang kasing bango iyon. Ilang sandali ay narinig ko na ang malakas na palakpakan kaya dumilat na ako at wala na rin ang mga kamay ni Rafael sa pisngi ko. Nagtama ang tingin namin ni Rafael na kung kanina ay walang emosyon ay ngayon ay matalim na nakatingin sa akin. Ilang sandali lang ay nagsilapitan na ang mga bisita at bumati na sa amin. Si Rafael ay nakangiti na tinugon ang mga bisita. ‘Yung ngiti nito ay hindi umaabot sa mata. Ako naman ay halos wala sa sarili na ngumiti at tumatango sa mga bisita. Humiwalay na rin ako kay Rafael dahil nanghihina at hindi pa rin ako makapaniwala sa pangyayari. “Raine! C-congrats!” baling sa akin si Rose na sandali akong na-corner pero hindi ko na ito natapunan pa ng tingin. Tumingin ako sa paligid at medyo nagkakagulo pa ang mga tao sa pagbati sa isa’t isa. Magkausap ngayon si Daddy at Rafael ng pormal sa di kalayuan. Matapos ang pirmahan ay bigla na lang itong umalis sa harap ko at hindi na ako pinagka-abalahan na tignan man lang. Naiwan akong tulala na nakatitig sa mukha ni Rafael. “Rose,” sambit ko na wala ang tingin sa kaibigan. Parang ngayon lang ako huminga ng maluwag simula pa kanina na katabi ko si Rafael. Pero ang t***k ng puso ko... my goodness! Ang lakas. “Raine, I can’t believe it! S-si Rafael ba talaga ang napangasawa mo? H-how come? Paano siya naging mayaman?” kagaya ko ay bakas pa rin ang gulat sa mukha nito. Pero wala pa rin sa mga tanong ni Rose ang atensyon ko, kung hindi sa t***k ng puso na halos magpabingi sa akin. Hindi rin mawala sa pandinig ko ang kasasabi lang nito sa akin. Obviously, galit ito sa akin. Hindi rin napansin ng karamihan na hindi naman ako hinalikan ni Rafael kanina dahil nakatakip ang mga palad nito. Kahit si Rose ay hindi naman yata nahalata. Patuloy akong nakatitig sa mukha ni Rafael na naka-side view mula sa kinatatayuan ko. Hindi talaga ako makapaniwala sa pinagbago ng lalaking minahal ko. Kung dati ay puno ng pagmamahal ang tingin nito ay kanina ay nakita ko ang poot sa mata nito. Huwag naman sana na paghihiganti lang ang dahilan nito kaya ako pinakasalan. Sa likod ng isip ko ay hindi ko naman mapigilan na makaramdam ng tuwa. Ito ang pangarap ko noon pa man ang makasal sa lalaking mahal ko. At kahit papaano na masaya ako na natupad iyon at hindi nag-asawa si Rafael. Bigla naman na lumingon si Rafael sa banda namin ni Rose kaya nagwala na naman ang t***k nang puso ko nang magsalubong ang tingin namin ng lalaki. Napalunok na lang ako nang biglang talim ng tingin nito kaya napayuko ako. Naramdaman ko pa ang pagsiko ni Rose at ilang saglit ay nag-angat na ako ng tingin at nasa ibang bisita na ang atensyon ni Rafael. “Bakit, ganon makatingin ang asawa mo?” narinig kong bulong na lang ni Rose na hindi ko na pinansin. Baka nga naiinis na si Rose sa mga ikinikilos ko dahil nawala na ako sa wisyo at hindi na ako makapag-concentrate at ni isang sagot sa mga tanong nito ay hindi ko man lang nasagot. Kakaiba ang dating sa akin ng salitang ‘asawa’ na binanggit ni Rose. Hindi pa nag-sink in sa utak ko na si Rafael nga ang napangasawa ko. At isa pa ay galit ito sa akin. Hindi bale at kapag natapos ang lahat ng ito ay makakausap ko na siya. Magkakaroon na ako ng pagkakataon na magtanong kung ano ang nangyari dito sa loob ng higit na anim na taon na hindi ito nakita. Ilang sandali lang kami na naghintay. Ang alam ko dapat ay kakain na kaming bagong kasal at ang mga dumalo sa seremonya pero biglang lumapit sa akin si Daddy. “Can you excuse us for a while, Rose?” Hinawakan ako ni Dad sa braso at iginiya sa bandang sulok ng silid malayo sa bandang kumpulan ng mga tao. Lumingon pa ako kay Rose na tinanguan lang ako. At matapos ay muling lumingon kay Rafael pero ang maskuladong likod na nito ang nakikita ko. “JR, congratulations, anak.” Hindi ko mabakas ang saya sa mata ni Daddy. Maybe somehow, he really doesn’t want to hurt my feelings. Concern pa rin naman siguro ito sa akin bilang anak. Napilitan lang talaga na ipakasal ako sa lalaking akala nito ay hindi ko kilala. Ang dami kong gustong itanong kay Daddy ngayon tungkol kay Rafael pero baka makahalata ito na kilala ko pala ang lalaki na ipinakasal sa akin. Bakit ba kasi na hindi man lang ako nag-research o inabala ang sarili na alamin ang pagkatao ng mapapangasawa ko. Hindi sana ako nagulat ng ganito. “T-thanks, Dad” tipid na sagot ko. I composed myself. “Ano po ba ang pinag-usapan niyo ni Rafael? I m-mean Mr. Clemente?” Huminga muna ng malalim ang ama ko bago sinabi ang pinag-usapan nila. May mga kondisyon pa raw si Rafael para hindi mauwi sa demandahan ang lahat. Kailangan ko raw sundin ang mga gusto ng lalaki kung hindi ay makikipaghiwalay ito at kukunin ang mga ari-arian namin. Napakunot ang noo ko. Wala pa rin akong kawala. Wala pa rin akong boses. Hindi pala ako pwedeng umangal. Bumuntong hininga na lang ako. Paano na lang kung gusto kong magtrabaho? Hindi pwede? Gusto ko naman na magkaroon ng sariling pera at hindi aasa lang sa asawa. I have savings, pero nakalaan iyon sa plano kong business para na rin sa anak ko na si Nicole. Hindi ko na nagawang magreklamo dahil lumapit bigla sa amin si Rafael dahilan naman para mapigil ko ang hininga ko. Tumingin ako dito habang nakaawang ang bibig pero parang hangin lang ako at kay Daddy nakatingin. “Mr. Serrano, kailangan na naming umalis. Malayo pa ang magiging biyahe namin kung saan kami mag-honeymoon. Kayo na ang bahala sa mga witnesses.” Natigilan ako nang marinig ang salitang ‘honeymoon’. Ang pormal ng pakikipagusap nito kay daddy. Tumango lang ang ama ko at muling bumaling sa akin. “Be a good wife, JR.” Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na ako sa mga dumalo sa kasal na halos hindi ko kilala lahat. “Rose, thank you for attending. Pasensya ka na at kailangan na namin na umalis. U-uhm, sa malayong lugar daw kasi ang honeymoon.” Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha sa sinabi ko. Kinuha ko dito ang shoulder bag ko na ipinahawak ko kanina pa. Bigla ko naman nakita ang mapanuksong ngiti ni Rose kaya lalong nag-init ang mukha ko. Pero agad na natigilan ang kaibigan ko nang lumapit na si Rafael sa gawi namin at malamig na sinabi na aalis na kami. Tahimik akong sumunod kay Rafael. “Grabe, bagay na bagay sila,” “oo nga! Ang ganda at gwapo siguro ng magiging anak nila,” narinig ko pang sabi ng ilan bago kami tuluyan na nakalabas ng pinto ni Rafael. “Rafael,” mahinang tawag ko dito pero hindi naman ako nito nilingon man lang. Napailing na lang ako at sinundan ang lalaki hanggang makarating kami kung saan naka-park ang kotse nito. Namangha na lang ako dahil sa magarbo nitong sasakyan na nagkakahalaga ng milyon milyon. Nakatayo lang ako nang nagpunta si Rafael sa may tapat ng pinto ng driver’s seat. “What?” napalingon ako kay Rafael na seryoso lang ang tingin sa akin. “You didn’t expect na makakabili ako ng ganitong kagara na sasakyan?” Nabigla ako sa sarcastic na tanong nito. “R-rafael,” sambit ko nang makabawi ako. “ Mag-usap tayo ng tungkol sa atin. H-hindi ko alam na sa’yo ako magpapakasal—” lakas loob ko na sabi ko na pilit nilalabanan ang tingin ni Rafael. “Tungkol sa atin?” bigla naman nagsalubong ang kilay ni Rafael. “Walang tungkol sa atin, Jea Raine.” Bigla akong nagulat sa sinabi nito. Pati sa paraan ng pagtawag nito. Ganito ang tawag nito sa akin nang bago pa lang kaming magkakilala. “Our marriage is just for convenience. Don’t expect that I will treat you as my wife. Now hop in kung ayaw mong mag-taxi!” Bigla naman na sumakay na sa driver’s seat si Rafael at napatulala na lang ako sa mga narinig ko mula dito. Marriage for convenience? As expected, abot hanggang langit ang galit nito sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang sumakay sa sasakyan nito. Nilingon ko pa ito pero seryoso na nitong binubuksan ang sasakyan at pinaandar. Ni hindi man lang ako sinabihan na magsuot ng seatbelt kaya sinuot ko na lang habang umaandar na. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin. Nagtangka ako na magtanong kay Rafael pero pinatahimik lang ako nito at ayaw raw ako nitong kausap. Mahaba ang naging biyahe namin at hindi na lang ako tuloy nagsalita. Nakaramdam din ako ng antok at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Naramdaman ko na lang na parang nakahinto na ang saksakyan at may nakatitig sa akin kaya dumilat ako agad at biglang bumungad sa akin si Rafael na malapit lang ang pagitan namin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD