Jea Raine Serrano’s POV
Biglang nag-init ang mukha ko kasabay ng malakas na t***k ng puso ko. Mukhang hindi nito inaasahan na nagising ako dahil nahuli ko itong nagulat. Pero kasing bilis ng kidlat na nagbago ang expression ng mata nito. Agad na tumalim ang tingin nito at inayos ang pagkakaupo.
“Gigisingin kita dahil kakain muna tayo.” Seryosong sabi nito sabay tanggal nito sa seatbelt at tuluyan na lumabas ng sasakyan.
Nasaktan ako sa ikinilos ni Rafael. Parang wala na talaga itong feelings sa akin ni katiting. Ibang-iba sa Rafael na gentleman at alagang-alaga ako. Lumabas na lang ako ng sasakyan nito.
Inilibot ko ang paningin at nasa isang restaurant kami. Hindi ko na alam kung nasaang lugar ako. Mukhang probinsya ang pupuntahan namin dahil ilang oras na kaming nagbiyahe. Tinignan ko ang wristwatch ko at ala una na pala. Kaya pala sobrang gutom na ako.
Lumakad lang si Rafael patungo sa loob ng restaurant at sumunod na lang ako dito. Hanggang sa makaupo kami sa table ay hindi kami nagkikibuan. Ayoko na rin na mag-open ng topic dahil mapapahiya ako. Gusto ko man na magtanong ay hindi ko na tuloy magawa.
Dumating naman ang waiter at binigay sa amin ang menu. Pati sa pag-order ay si Rafael din ang nag-order at hindi ako hinayaan na mag-desisyon ng gusto ko. Ni hindi ako tinanong kung anong gusto kong kainin. Ibang-iba sa dating Rafael na lagi pinapahalagahan ang gusto ko at kung ano man ang gusto ko ay iyon na rin ang kakainin nito.
Hanggang sa matapos kaming kumain ay nanatili na lang akong tahimik at palihim na sinusulyapan ang lalaking kaharap. Hanggang sa isip ko na lang tuloy ang paghanga sa itsura ni Rafael. Napakagandang lalaki pa rin nito.
Natatandaan ko pa nang una ko itong makita ay na-love at first na ako dito. I was in second year college that time and Rafael is newly transferred sa university na pinapasukan ko. Hindi sinasadyang nabangga ako nito sa canteen at natapunan nito ng tubig ang suot ko. Akala naman nito ay magagalit ako pero dahil natulala na lang ako sa tingin nito ay hindi ko na magawa pang mainis dito. Nagulat na lang ako nang pumasok ako sa room ng kasunod na subject at magiging kaklase ko pala ito.
Sa lakas ng appeal ni Rafael ay halos lahat nga ng classmates ko ay nagkagusto dito. Hearthrob kasi talaga ang itsura nito at kahit sinong babae ay mapapa-second look kapag nakasalubong ang isang Rafael Arellano. Sa loob ng ilang araw pa lang nga na naging kaklase ko ito ay lalong nahulog naman ang loob ko dito. Pero si Rafael... medyo mailap. Though may ilang beses na nahuli ko itong nakatitig sa akin ay hindi naman ako nito pinapansin. Parang allergic sa mga babae.
Lumipas ang araw at nakita ko na masipag at magaling sa academics si Rafael. He is a scholar kaya kailangan nitong magsipag para sa mataas na grades. Pero parang wala naman itong balak na magkaroon ng girlfriend nang panahon na iyon. Meron isang campus crush na nasa katabing room lang namin na super lakas ng appeal, ito na mismo ang harapan na nag-aya ng date kay Rafael. Ganoon kalakas ang tama ng mga babae sa lalaki. Pero harapang tinanggihan ni Rafael ang babae.
Isan beses naman ay napahamak ako ng may bumastos sa akin. Hindi ko expected na dadating si Rafael para iligtas ako. Doon nagsimula na nakipag-kaibigan ako kay Rafael. Ako mismo ang gumawa ng moves para magkalapit kami.
Lumipas ang ilang buwan at nagkapalagayan kami ng loob ni Rafael. Though, malakas na talaga ang tama ko noon kay Rafael ay mukhang kaibigan lang talaga ang tingin nito sa akin. At isa pa, ramdam ko rin na dahil sa agwat namin sa estado ng buhay ay hindi magiging kami.
Mayaman ako at mahirap si Rafael na anak ng single mom na labandera. Ni hindi nga raw ito nagtangka na manligaw dahil marami itong pangarap para sa kanila ng nanay nito. At kay Rafael mismo nanggaling iyon dahilan para masaktan ako dahil nahulog na talaga ako kay Rafael pero ito ay hanggang kaibigan lang ang tingin sa akin.
Mas tumindi pa ang pagtingin ko kay Rafael na medyo nahihirapan na akong itago rito ang nararamdaman ko. Sa dami ng nanliligaw sa akin ay hindi ko pinapansin pero simula nang third year college ay nagsimula na akong magpaligaw. Dahilan para malaman ko na may pagtingin din si Rafael sa akin. Umamin ito na nagseselos sa mga lalaking nanliligaw sa akin.
Labis ang saya ko nang naging kami ni Rafael at nagtapat kami ng feelings sa isa’t isa. Pareho kami na first boyfriend at girlfriend ang isa’t isa. Lihim lang ang relasyon na mayroon kami dahil sinabi ko kay Rafael na magsasabi ako sa mga magulang ko ng tungkol sa amin kapag graduate na ako. Ang hindi nito alam ay dahil takot din akong magsabi kay daddy dahil alam kong hindi nito magugustuhan si Rafael dahil mahirap ito.
Umabot na kami ng isang taon ni Rafael at sa panahon na iyon ay mas lalo kong minahal ang lalaki. Lahat na yata ng katangian na gugustuhin ng isang babae sa isang lalaki ay na kay Rafael. Possessive nga lang ito na kahit kaninong lalaki ay gusto yata akong ipagdamot.
Hanggang sa malaman ko nga na itinakda na akong ipakasal ni Daddy sa kasosyo nito na si Jonas. I’m twenty years old that time at sinabi ni daddy na pagka-graduate ko ay magpapakasal ako agad. Halos gumuho ang mundo ko dahil wala na akong lalaki na gustong makasama kung hindi si Rafael. Hindi ko muna sinabi sa boyfriend ko ang tungkol sa arranged marriage ko pero nang matatapos na ang klase ay napilitan na akong makipaghiwalay.
Labis na pagmamakaawa ang ginawa ni Rafael at nahihirapan akong makita itong nasasaktan kaya para layuan ako ay sinabi ko na niloko ko lamang ito at hindi ko tunay na minahal. I don’t have a choice that time dahil negosyo namin ang nakasalalay. Marami kaming kompanya at ang ilan ay nalulugi na dahil napabayaan ni daddy at inuna ang bisyo sa sugal. Si Jonas na isang kasosyo nito sa negosyo ang nagsalba sa amin.
Kahit ang mommy ko na nabubuhay pa that time ay hindi ginusto ang pilit na pagpapakasal sa akin pero wala itong boses sa mansion. And worst, my mom is suffering from breast cancer that time kaya hindi talaga kami pwedeng maging mahirap dahil nag-gagamot si mommy na kalaunan ay binawian rin ng buhay.
Bago ang kasal ko ay kinausap pa ako ni Rafael. Lumuhod ito at nagmakaawa na huwag magpakasal. Nangako pa ito ng magandang buhay at kami ang magpakasal. Imbes na maawa ay pinaramdam ko kay Rafael na hampas-lupa ito at hindi ko kailanman na mamahalin. Hinamak ko ito at halos lahat ng masasamang salita ay sinabi ko.
That was more than six years ago, and after that ay wala na akong balita kay Rafael.
“Are you just going to stare at me!?” masungit na sabi ni Rafael na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Napahiya ako dahil nakatingin din sa akin ang waiter at nakita ang inasal ni Rafael, pero agad rin na tumalikod ang waiter. Kinuha pala nito ang p*****t namin. Ako naman ay yumuko na lang.
Matapos ihatid ng waiter ang card at resibo ni Rafael ay tumayo na ito at hindi man lang nagsabi na aalis na kami kaya nagmamadali ko pa itong hinabol.
Muli ay nag-byahe kami at parang hindi man lang kami magkakilala. Mukhang malayo talaga ang pupuntahan namin. Nahihiya pa akong magsalita dahil sa katahimikan at hindi nagpapatugtog ng music si Rafael. Tumawag na lang din ako sa Yaya ni Nicole para itanong ang tungkol sa anak ko.
“Basta, huwag mong pababayaan ang anak ko, Yaya, ha.” Paalam ko matapos itanong ang mga pinaggagawa ni Nicole. Tatlong araw kasi kami mawawala ni Rafael kaya kailangan makakuha ako ng updates tungkol sa bata.
Matapos kong ibaba ang tawag ay lumingon ako kay Rafael at nakita ko pa ang paggalaw ng panga nito na halatang pinipigilan ang galit. Bahagya din na mas bumilis pa ang takbo namin.
Hindi ko na lang ito pinansin at ilang sandali ay nakatulog akong muli hanggang sa magising na lang ako dahil sa paghinto ng sasakyan. Madilim na ang paligid kaya hindi ko maaninag mula rito sa sasakyan ang pinagdalhan sa akin. Nakita ko na lang na may isang kasambahay na nagbukas ng malaking gate at ipinasok ni Rafael ang sasakyan sa driveway. Matapos ay bumaba na si Rafael ng sasakyan at sumunod na rin ako.
Napaawang na lang ang labi ko sa labis na pagkamangha dahil napakalawak ng lugar at ang ganda ng mansion na pinagdalhan sa akin. Walang binatbat sa mansion namin o mansion ni Jonas.
“Where are we?” tanong ko kay Rafael at nilingon ko ito.
“We’re going to spend our honeymoon here.” Tipid na sabi ni Rafael sabay lakad papunta sa may pinto.
Tila natuod ako sa kinatatayuan at nanatili lang na nakatayo. Napalunok na lang ako kasabay ng paghawak sa dibdib na kumakabog.
Honeymoon!
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Napakapit na lang ako sa nakasukbit na bag matapos ay mabilis na binuksan iyon at tinignan kung naroon pa ang gamot na binili ko.
Napabuga na lang ako ng hangin ng makita ang sleeping pills...
Mas lalo akong namangha nang makarating ako sa loob ng mansyon ni Rafael. Kung malawak ang labas ay elegante naman ang loob ang sumalubong sa akin.
“Magandang gabi po, senyorito,” bati ng may edad na babae.
“Manang, bring that woman in the room.” Baling ni Rafael sa matanda. Napahiya pa ako dahil sa treatment nito sa akin bilang asawa at ano na lang ang iisipin ng kasambahay nito. Pero baka hindi pa alam ng kasambahay na asawa ako nito.
Mabigat ang loob ko na sumunod sa matanda habang si Rafael ay nagtungo sa ibang direksyon. Tinignan ko na lang ito at nagbabaka sakali na lilingonin ako ng lalaki pero nabigo lang ako. Hindi man lang nagyari ang ginagawa ng bagong kasal na bubuhatin ng naka-bridal style ang bride niya.
Tahimik lang ako habang naglalakad na nakasunod kay manang nang huminto ito sa isang pinto.
“Heto po ang master’s bedroom, senyorita.”
Napalunok ako at napatingin na lang sa pinto. Pati pinto ay magarbo.
“S-salamat po, manang?”
“Elvie. Manang Elvie na lang po ang itawag niyo sa akin.” magalang na sagot naman sa akin. “Oo, nga po pala, congratulations po sa kasal niyo ni Senyorito Rafael. Sobrang ganda niyo po pala.”
“Ah... eh... Hindi naman po Manang Elvie,” tipid akong ngumiti. Alam pala nito na mag-asawa na kami ni Rafael. Nakakahiya tuloy at baka isipin nito na nag-aaway kami kanina.
Ilang sandali lang ay nagpaalam na si Manang Elvie. Ako naman ay tuluyan nang pumasok sa kwarto. Madilim ang paligid kaya kinapa ko pa ang switch at bumungad sa akin ang malaking kwarto.
Napatingin ako sa kama na kasya yata ang limang tao sa laki. Ang elegante lang at kumpleto sa mamahaling gamit. Maaliwalas sa mata ang kulay creme na dingding. Nakita ko pa ang maleta ko na nasa gilid ng kama. Nauna ko na kasing na-empake ang mga gamit ko at kinuha sa akin ni daddy para ipadala raw sa kung saan kami tutuloy ng asawa ko.
Lumapit ako sa kama. Tinignan ko ang orasan at seven o’clock na ng gabi. Kinabahan ako bigla dahil ilang oras na lang ay may mangyayari na sa amin ni Rafael.
Of course, kahit hindi naman si Rafael ang napangasawa ko ay nag-e-expect ako na baka galawin ako ng magiging asawa ko. Kaya nga naisipan ko na bumili ng sleeping pills dahil gusto kong patulugin na lang kung sino man ang magiging asawa ko. Ngayon na nalaman ko na si Rafael pala, parang gusto ko nang ibigay ang sarili ko rito ngayong gabi. Pero hindi niya pwede malaman na virgin pa ako. Hindi niya pwedeng malaman na hindi ko anak si Nicole.
I know that I can fake it. Sabi nila masakit daw ang first time. Pero baka naman pwede na hindi mahalata ni Rafael na virgin ako. Magpapanggap ako na hindi nasasaktan kapag inaangkin na ako nito. Kailangan din na mauna akong magising para hindi nito makikita na dinugo ako.
Pero hindi pa ako handa ngayong gabi. Bukas na lang. Kaya kailangan ko pa rin na gamitin ang sleeping pills para mapatulog si Rafael at hindi muna matuloy ang honeymoon namin ngayong gabi.
Kakausapin ko muna si Rafael tungkol sa nakaraan namin dahil galit na galit ito sa akin. Sigurado akong kapag nalaman nito na napilitan lang ako na magpasakal dati ay patatawarin na ako nito. Isa pa ay kailangan din nito magpaliwanag kung bakit ito naging Rafael Clemente gayon na nagpakilala ito na Rafael Arellano sa akin dati.