CHAPTER 1

1702 Words
I CAN still feel a strange beating in my heart while going back to the mansion. I still can’t get over the incident I witnessed earlier at the hacienda. God! Sino ba ang lalaking ’yon at bakit siya nakapasok dito sa hacienda namin? Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere nang makapasok ako sa main door. “Hija, where have you been?” Nakita ko si Papa na pababa na sa hagdan habang inaayos ang suot nitong necktie. “Pa, are you leaving po?” tanong ko. “Princess, I have an important meeting in Davao. I have to go—” “But it’s only been an hour since you arrived from your business meeting in Turkey, Papa.” Malungkot na saad ko. Huminga naman si papa ng malalim. And when he finally got down the stairs, he walked to me and held my neck and kissed my forehead. Ngumiti pa ito. “I just have an important meeting in Davao. Hindi puwedeng hindi ako pupunta roon because it’s a big deal, hija. I’ll lose a lot of money if I don’t go there to see and to talk to Mr. Tan.” Ilang segundong pinakatitigan ko si Papa sa mga mata bago ako nagpakawala ng malalim na paghinga. Here we go again! When will this business meeting of his end? Since then until now, he still prioritizes his business over me. Ever since Mama passed away, Papa has been busier with his work, so I’m always left here in the mansion with our maids. I can’t even remember when was the last time he stayed overnight here at the mansion. Aalis siya papunta sa mga out-of-town or out-of-country meetings niya at ilang araw o ilang linggo siyang hindi uuwi rito. And when he gets home, he only stays at the house for an hour and then he will leave again. I really missed my father, pero kahit ano naman ang gawin kong pakiusap na ako naman ang pagtuonan ng pansin at oras nito ay hindi naman ako pinakikinggan. Ang sabi ng iba, I’m very lucky because I have everything in life. I get everything I want effortlessly. Especially material things. Little do they know that I wish to live a simple life, free from the riches and luxury I am presently experiencing. Mabuti pa nga ang ibang tao na sakto lang ang rangya sa buhay, they are always with their family. They always talk to their parents, they always bond, they always eat together. But me? Nah! Even though I’m always with the maids here in the mansion, I feel like I’m always alone. Kung puwede nga lang makipagpalit ako ng buhay sa ibang tao, matagal ko ng ginawa. “I told James to transfer the money to your bank account, sweety. Go shopping. Invite your friends. Mamasyal kayo. Or kung gusto mo, magpunta ulit kayo sa Boracay, tutal naman at wala kang asok sa school, right? It’s Saturday.” Muli akong napabuntong-hininga. Ito ang laging panuhol sa akin ni Papa. Pera. “Are you coming home tonight?” tanong ko. “Um...” “Pa, let’s eat dinner outside po later. We don’t eat dinner together anymore. Please!” Ngumiti si papa sa akin at hinalikan ang pisngi ko. “Alright. I’ll be home.” Dahil sa sinabi ni papa, bigla akong nakaramdam ng tuwa sa puso ko. Oh, really? Finally! “I’ll be—” “Oh, sorry sweety. I need to take this call.” Nang biglang tumunog ang cellphone nito na nasa bulsa ng coat na suot nito. Nagmamadaling kinuha iyon ni papa at sinagot. “Kumpadre! Yeah. Of course.” The joy I felt for a few seconds disappeared again when papa left me in the living room. He walked out of the main door. Laglag ang mga balikat na naglakad na lamang din ako palapit sa hagdan at pumanhik ako roon upang tunguhin ang kuwarto ko. Another boring day. Wala na naman akong maisip na puwedeng gawin ngayong araw. It’s Saturday and I don’t have school. Later, when I came up with an idea, I immediately took my cellphone that was on my bedside table. I sat on the side of my bed and called Lexie, one of my friends at school. Aayain ko na lang ito na magpunta sa mall, although wala naman akong bibilhin. Gusto ko lang mag-ikot-ikot para mawala ang stress ko. “Hey, Lex! What are you doing today?” tanong ko nang sagutin nito ang tawag ko. “Um, I’m at the mall now. Tasya and Belle are with me. Why?” Oh! So nagpunta sila sa mall nang hindi man lang ako inaaya? Sila-sila lang ang nagplano para sa date nila ngayong araw? “Hey, Amicia. Are you still there?” Tumikhim ako. “Yeah,” sabi ko. “What’s up? May kailangan ka ba? We’re having fun kasi right now.” Seriouly? Ugh! Mga kaibigan ko ba talaga ang mga ito? “Nothing. Sorry kung naisturbo ko kayo. Bye!” Kaagad kong pinatay ang tawag ko nang hindi na hinihintay ang tugon ni Lexie. Ibinato ko ang cellphone ko sa may paanan ng kama ko saka ako padapang humiga. Hindi ko na rin namalayan at nakatulog na ako. Nagising lang ako dahil sa katok na narinig ko mula sa labas ng kuwarto ko. Kumilos ako patihaya at saglit na kinusot ang mga mata ko. “Come in!” namamaos pa ang boses ko. Bumukas naman ang pinto at narinig ko ang boses ni Taby, ang anak ni Nanay Celia na halos kasing edad ko lang at nagtatrabaho rito sa mansion. “Amicia, pinapatanong ni Nanay kung kakain ka na raw ba?” Mula sa pagkakahiga sa kama, bumangon ako tiningnan ko ang maliit na orasan sa ibabaw ng bedside table ko. It’s already seven o’clock in the evening. Ang haba pala ng naging tulog ko! “Dumating na ba si Papa, Taby?” tanong ko. “Tumawag ang papa mo, ang sabi niya hindi raw siya makakauwi ngayon.” “As I expected,” nausal ko na lamang. Laglag ang mga balikat na tumayo na ako at inayos ang buhok at damit ko saka naglakad palapit sa pinto. “Minsan na nga lang siya mangako na sasabayan niya akong kumain ng dinner, tapos hindi niya pa tinutupad.” Bumuntong-hininga ako. Tinitigan lamang ako ni Taby, pagkuwa’y sinabayan na ako sa paglalakad nang makalabas na ako sa kuwarto ko. “Gusto mo bang sabayan na kita sa pagkain?” tanong nito. Nilingon ko naman ito habang nasa tabi ko. Taby and I grew up together because Nanay Celia has been working here at the mansion for a long time. Although mas matanda ito sa akin ng apat na taon. I’m only seventeen, and in three months, magde-debut na ako, while she’s twenty-two. And Taby is the only one I can say has been my genuine friend. She is always there when I need someone to talk to or be with. Ngumiti ako at yumakap sa braso nito. “Ano ba ang ulam?” tanong ko. “’Yong paborito mong adobong manok na pininyahan. Iyon ang niluto ni Nanay.” Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ko nang marinig ko ang ulam na ’yon. “Oh! Come on! Hurry up! Bigla akong nagutom.” Hanggang sa makababa kami sa mataas na hagdan at makarating kami sa kusina. Kagaya sa sinabi ni Taby kanina, sinaluhan nga ako nitong kumain. Kahit papaano ay nawala na rin ang tampo ko kay Papa. “AMICIA! AMICIA!” Mula sa pagkakadapa sa sofa sa loob ng library habang nagbabasa ako ng libro, napa-angat ang ulo ko upang silipin si Taby na kapapasok lamang. “Nandiyan ka pala!” “Why?” “Nandiyan na ang papa mo. Gusto ka raw niya makausap.” Itiniklop ko ang libro na hawak ko saka ako umupo. “Kakarating niya lang?” “Oo. At may kasamang babae.” Biglang nagsalubong ang mga kilay ko at napatitig kay Taby. Babae? Bakit may kasamang babae si Papa? Because I suddenly became curious about what I found out, kaagad akong tumayo sa puwesto ko at naglakad palabas sa library. “Where is he?” “Nasa sala.” Nagtuloy-tuloy ang lakad ko papunta roon. At hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa sala, I saw papa with a wide smile on his lips while talking to the woman hugging his arm. Magkatabi silang nakaupo sa mahabang sofa. “Pa!” Biglang natigil ang pag-uusap nila nang babae at napatingin silang dalawa sa akin. Magkasalubong ang mga kilay ko habang ipinapagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. “Sweety!” Tumayo si papa sa puwesto nito saka naglakad palapit sa akin. Niyakap ako nito at hinalikan sa magkabilang pisngi. “Who is she?” tanong ko na hindi pa rin nagbabago ang seryosong hitsura ko. “Oh! Come here, darling.” Ani nito. At nang tumayo ang babae, naglakad ito palapit kay papa na kaagad namang nitong niyakap sa baywang. “Sweetheart, this is Natalie. She’s my girlfiend.” “Girlfriend?” “Hi! You must be Amicia, right? Ang unica hija ng darling ko.” Ani nito at inilahad ang kamay sa akin. “I’m Natalie.” Pero sa halip na tanggapin ang pakikipagkamay nito sa akin, tinitigan ko lang ang kamay nito at sinuyod ko ang hitsura nito. She’s wearing fitted red leather dress na halos masilip na ang singit nito. At ang malalaking dibdib nito ay halos lumuwa na sa sobrang hapit ng damit nito. Nakalugay lang ang buhok nito na parang itinapat sa electric fan na nakatudo ang hangin. Makapal ang makeup at sobrang pula ang lipstick. God! I don’t want to judge her, but I think she’s a stripper. The way she dressed right now! I guess. “Pa, seriously?” hindi makapaniwalang tanong ko. “She’s your girlfriend?” “Yes, sweetheart.” “Bakit? Hindi ba mukhang girlfriend ang dating ko?” Tanong nito at tinaasan ako ng isang kilay. Napabuntong-hininga ako. “Can we talk, Papa? Please!” Pagkasabi ko niyon, kaagad akong tumalikod. Hindi ko na hinintay na sagutin ni papa ang tanong ko. Naglakad ako pabalik sa library.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD