Kakamot-kamot ako sa aking ulo habang nakatingin sa likod ni Calyx na ngayon ay papalapit sa harap ng pinto ng opisina nito. Bigla itong huminto sa paglalakad at muling humarap sa akin ng seryoso. “Tiyakin mo lang na mababasa mo ang nilalaman ng papel na ‘yan, Carmela!” mariing sabi ng lalaki. Mabilis tuloy akong tumingin sa papel na aking hawak. Ngunit nanlalaki ang mga mata ko dahil wala namang nakasulat dito. Dali-dali tuloy akong tumayo para lang habulin ng matandang hukluban. “Mr. Calyx! Teka lang po! Mali yata po ang papel na ibinigay mo sa akin, wala kasi itong nakasulat!” Sabay harang ko sa daraanan nito at pinakita ko ang papel na aking hawak. Talagang inangat ko talaga sa mukha nito ang papel. Para makita ng lalaki. Ngunit hinawakan lang ng lalaki ang aking kamay upang ialis