Tumingin ako sa lalaking halos halikan na ako sa aking labi. Ilang beses din akong napalunok. Iwan ko ba, ngunit naglakbay ang aking mga mata papunta sa labi nitong mapupula at para bang nang-aakit. Tila ba nang-aanyaya na halikan ko ang labi nitong mapula-mula. Mabilis tuloy akong umiwas ng tingin dito at baka nga sunggaban ko ito ng halik oras na hindi ako makapagpigil. Nagpumiglas na lamang ako upang bitawan nito. Ngunit naramdaman kong hinawakan din nito ang aking beywang ng mahigpit. Kahit may suot akong damit ay ramdam ko ang init ng kamay nito. “Carmela…” bulong ng lalaki. Lalong nangilabot ang buong katawan ko dahil sa bulong ni lolo Calyx. Kitang-kita ko rin na nag-igting ang panga nito at ilang beses ding napalunok dahil sa paggalaw ng Adam's apple ni Calyx. Subalit parang diri