(AGONEL'S POV) PABAGSAK AKONG naupo sa sofa. Tumingin din ako sa babaeng tumabi sa akin na nobya ko ng matagal na panahon. “Dapat hindi makalabas ng kulungan ang babaeng ‘yon. Nakakainis siya. Kung tutuusin ay kulungan pa sa kanya ginawa kong pananakit---!” Sabay padyak ng paa ng ka live in parter ko. “Huwag mo na tayong magsaya, may problema tayo. Kilala ko ang binanggit na pangalan ng kaibigan ni Hidelyn. Same nga sila ng apelyido. At ngayon ko lang napuna. s**t---!” Sabay kamot ko sa aking ulo. “Ano’ng problema roon? Yaan mo’t tatawagan ko si Mayor upang humingi ng tulong sa kaligtasan natin. Huwag ka ngang matakot sa pagbabanta ng babaeng ‘yon, tinatakot lamang niya, saka hindi tayo pababayaan ng tito kong Mayor!” galit na sabi ng nobya ko. “Huwag tayong magpakampanti,” anas ko