Nanlilisik din ang mga mata ni tandang Calyx habang nakatingin sa akin. Kahit kabado ay pinilit kong lumayo sa lalaki. Ngunit mas lalo niyang hinawakan ang aking braso at mas humigpit pa upang hindi ako makawala. “Bitawan mo ako, Mr. De Leon!” “Bitawan? Pagkatapos ng ginawa mo sa aking kotse. Sa tingin mo ba ay matutuwa ako sa ginawa mo, huh? Makakaalis ka lang kung kung lilinisan mo ang aking sasakyan dahil sa lipsticks ba inilagay mo!” Sabay hila sa akin para dalhin sa kotse niya. Wala akong nagawa nang basta na lang niya akong ipinasok sa loob ng sasakyan niya. Narinig ko rin pagka-lock ng pinto ng kotse kaya hindi talaga ako nakakalabas. Mariin ko na lang ikinuyom ang aking mga kamao. Wala akong laban sa lalaking ito. Eh, kung umasta pa naman ito ay daig ang Panginoon. Habang nas