Bigla akong napangiwi dahil sa aking sinabi. Kitang-kita ko naman ang inis ng lalaki. Kahit naman sinong lalaki na gwapo at sasabihin na lolo ay magagalit talaga. Medyo lumayo rin ako sa lalaki at baka bigla akong sakalin nito. “Mr. De Leon, huwag mo na lang pansinan ang aking sinabi. Minsan po kasi ay ganito talaga ako kung ano-ano ang lumalabas sa bibig ko---” palusot ko sa lalaki. Ngunit alam ko naman na hindi ito maniniwala sa akin dahil matalino itong tao. Mas matalino pa yata ito sa matsing. “Hindi ako nakikipagbiruan sa ‘yo. Now, pirmahan mo na ang papel na hawak mo para matapos na tayo!” galit na sabi ng lalaki sa akin. “Para saan po ba ang papel na ito?” Sabay tingin sa papel na aking hawak. Ngunit lalong nagsalubong ang kilay ko dahil wala namang nakasulat dito. Pinaglolok