ONE: "Lahat ng bagay na ini-invest ay may kabayaran."
"HOW could you do this, Philip?!"
Natigilan ako sa paglalakad nang marinig kong nag-aaway sina mommy't-daddy sa loob ng kwarto nila.
Magpapaalam sana ako dahil aalis ako ngayong gabi para sa bridal shower ng kaibigan kong si Celine pero hindi pa 'ko nakakapasok ay naririnig ko na sila!
Their room is just beside mine but it's sound proof. Actually, all rooms in this house are sound proof. Natiyempuhan lang na nakaawang ang hamba ng pinto nila at mukhang hindi nila namalayang hindi nila ito naisarado tapos tamang-tama pang napadaan ako. Paano naman kasi ako hindi mapaparaan dito, because whether I like it or not, tuwing pupunta ako sa kwarto ko or bababa sa first floor, madadaanan ko talaga itong kwarto nila. Pagkaakyat kasi rito sa second floor, ito ang pinakaunang kwarto- ang kanila.
"How would you explain this to our daughter, huh! How?!" patuloy ni mommy sa pagsesermon kay daddy.
Natigilan pang lalo ako. How could daddy explain this to his daughter? Definitely, mom is asking him if how could he explain something to me. Ako lang naman ang daughter sa pamilyang ito dahil nag-iisang anak akong babae. I have a brother, yes, but it's so obvious that they are talking some matter about me.
Ano kayang problema? Is it so serious? Oh, it seems like it really is!
"Ako nang bahalang magpaliwanag sa kanya, Lucia. Matatanggap at maiintindihan din naman siguro niya." mahinahong ani daddy.
Anong ipaliliwanag niya sa akin? Anong kailangan kong maintindihan at tanggapin? What's really happening here?
"Knowing Sasha, knowing our daughter? She's independent and she always stands with her own decision in life kaya sa tingin mo ba papayag iyon ng ganun-gano'n nalang na guguluhin natin ang buhay niya?!"
Kung mahinahon lang si daddy, si mommy naman sa paraan ng pagsasalita ay parang magkaka-hypertension na.
By the way, what she told him was just indeed true. I'm independent, I stand by my own decision, and I never let anyone control my life like a damn hell! Never. Pero anong ibig nilang sabihin na guguluhin ako't ang buhay ko?
What the hell really is going on here?!
"Kasalanan ko itong lahat, I'll take all the charge and take all the blame." matamlay na pahayag ni daddy.
Parang kinurot bigla ang damdamin ko sa narinig ko, sa katamlayan ng ama ko. Why does he have to take all the charge and the blame? Charge and blame for what? What did he do?
May nagawa kaya siyang hindi maganda?
Well, knowing Philip Dunmore... knowing my dad, it is so unusual for him to do things that are not good because knowing him very well, he does good in everything. From being a family-man, a husband, a business man, and most of all, from being a father. He is good at anything!
"Ano ba kasing pumasok sa utak mo't nagsususugal ka?!"
Sugal? Nagsusugal siya? Parang ayokong maniwala... No, I know him a lot. He's not like that. Just like what I've said a while ago, he does not do anything that he knows is not good. Hindi ganoon ang daddy ko.
"Sa kasusugal mo'y nalulong ka tuloy! 'Ni hindi ko man lang alam na gabi-gabi ka palang nasa Casino, and you do that for almost two years now!"
Nanlaki ang mga mata ko... Si daddy gabi-gabing nasa Casino dahil lulong sa pagsusugal sa loob ng halos dalawa na palang taon? No... No, that can't be! My daddy wouldn't do such thing as ridiculous as that! He wouldn't. No way!
"I'm so sorry, Lucia..."
Sorry? After mommy accused him, that's all he could say? Sorry? Why would he be apologetic? Why?! Is he guilty of what she just stated? Is he?
"Kung hindi pa tumawag at hindi ko pa nasagot 'yong tawag ng big time gambler na pinagkakautangan mo, hindi ko pa malalaman!"
I decided to take a step trying to walk away to escape. Ayoko nang marinig pa ang mga pinagsasasabi ni mommy kay daddy, ayoko nang marinig pa ang mga sermon niya sa huli, ayoko nang makiusiso pa, ayoko nang makinig ng palihim.
I know it's bad to eavesdrop and damn, I am eavesdropping over my parents' issues! I have to respect them, their privacy. Maybe if there are really some serious matters, I'll just wait for them to tell me and my brother. Hindi dapat ako nakikinig sa usapan ng iba!
"Ngayon, anong plano mo, ha Philip?! Ang ibenta ang kaisa-isang anak nating babae sa tagapagmana ng kompanyang balak na magsalba sa kompanya natin at magbayad ng lahat ng mga utang mo?!"
Imbes na tatakas na sana ako ay natigilan ulit ako.
Just earlier, I wanted to escape because aside from it's bad to eavesdrop, I also don't want my mood to be destroyed before I go to the party of my best friend, pero ngayong narinig ko ang huling mga sinabi ni mommy, kahit alam kong mali ang mag-eavesdrop ay mas na-trigger akong gawin ito.
For damn's sake? They are talking about a 'bentahan' thingy just to pay all the debts!
"Hindi ko naman ibinebenta ang anak natin, Lucia."
"Hindi ibinebenta? Eh, anong tawag mo dito sa ginagawa mo?! For Pete's sake, Philip! You want our daughter to marry some heir of a huge business just to pay everything that you've lost!"
Marry? Marry some heir of a huge business? Are they referring me do to such thing? Obviously, wala naman nang ibang daughter sa pamilyang ito kaya they are really referring to me! And they want me to do what? Daddy wants me what?!
Hindi ko na talaga nagugustuhan ang mga naririnig ko't mas lalong hindi ko pa talaga yata magugustuhan ang patutunguhan nito. Especially now that they are already involving me in this matter!
"Lucia, para din naman ito sa ikabubuti ni Sasha."
"Para sa ikabubuti mo, Philip! Ang sabihin mo, para sa ikabubuti mo nang masalba 'yang mga kapritso mo!"
I heard daddy sighed heavily.
Ngayon ay mas naiintindihan ko na kung ano ang pinaghuhugutan ni mommy ng labis na galit at pagkadisgusto.
"Please, Lucia, come on." daddy hissed frustratedly. "I do not do this just for my own sake. Yes, aaminin kong nagkamali ako't ginagawa ko rin ito para itama ang mga pagkakamali ko. I also do this for you, for us, for our family... Don't you want me to be saved? Do you want me to be jailed? And don't you want our company to be saved?"
"Of couse, I want you to be saved, Philip." nanghihina na rin ang boses ni mommy. "I don't want you to go to jail and I also want our company to be saved... Pero wala na ba talagang ibang paraan? Philip, kasi, ang isang pagkakamali ay hindi maaaring itama ng isa pang pagkakamali."
"I know... I know, Lucia."
I heard dad locked mom on his arms.
"But trust me on this one, this time alam kong hindi na pagkakamali itong gagawin kong ipakasal ang anak natin sa anak ng kumpare ko."
This time, 'yong awa na nararamdaman ko kanina ay napalitan naman ng labis na pagkadisgusto dahil sa sinabi ni daddy. Ipapakasal niya ako sa anak ng kumpare niya? Sa tagapagmana ng kompanyang balak na sagipin ang kompanya namin at bayaran lahat ng mga utang niya? Bakit? Ano bang tingin niya sa akin? Parang gamit na kay daling ibenta para sa mga pambayad sa utang niya?!
"Wala na ba talagang ibang paraan? Hindi ba pwedeng magmagandang loob ang kumpare mo na tulungan tayo nang walang anumang hinihinging kapalit? Especially not our daughter's heart."
"Lucia, their family revolves around a business world. Lahat ng bagay na ii-invest nila'y may kabayaran."
Oh, yeah. Wala nang negosyante sa panahon ngayon ang tutulong sa kapwa negosyante nang walang hinihinging kapalit!
"Besides, they have their own reason why they want our daughter to be part of their fam. Trust me, their reason is beautiful. Hindi mapapahamak ang anak natin dito."
Seems like mommy was now convinced by daddy's words, hindi na kasi siya nagsalita pa't hinayaan nalang si daddy na yakapin at suyuin siya.
I can't take this anymore. I need to go now bago pa ako magwala at may hindi magandang gagawin dahil sa mga narinig at nalaman ko.
What did I just discover and hear? First, daddy gambles and he kept it for almost two years from us, secondly he's now full of debts to some gamblers and it can cause our company a possible bankruptcy. And lastly, I heard he wants me to marry some heir or son of a huge business out there that I don't even know!
Pagkababa ko palang ng grand staircase, tamang-tama naman ang pagpasok ni kuya Rashawn sa entrada ng bahay.
"Hi, sis. May lakad ka?" he asked me cooly.
Kung ako, masyadong wild 'yong dating ng aura ng mukha ko, kabaliktaran naman nu'n ang sa kanya dahil 'yong mukha niya ay maamo at mabait.
He's on his business suit, halatang kagagaling lang sa trabaho.
"Kuya, alam mo ba ang tungkol sa pagsusugal ni daddy na inumpisahan pala niya last two years pa?" kaagad kong paasik sa kanya.
He's the first son in this family therefore I conclude that he knows everything that's happening here!
Natigilan siya't parang hindi makapaniwala sa tanong ko. "How did you know-"
"So, alam mo nga?!" nag-init pang lalo ang ulo ko. "Why did you hide it from me? Why do all of you need to hide it from me?!"
"Sasha-"
"Ngayon, lulong siya sa pagkakautang kaya kahit kompanya natin ay maaaring manganib dahil sa pinaggagagawa niya. Tama ako 'diba?"
He sighed heavily.
Oh come on! Siya ang magmamana ng kompanya namin sa henerasyong ito kaya alam kong alam niya ang lahat ng mga nangyayari at ng mga maaari pang mangyari!
"You also know na balak akong ipakasal ni daddy sa anak ng kumpare niyang big time businessman just to pay all of his debts and save our company! Alam mo rin iyon 'diba?!" I delivered that not through a question but more of an accusation.
Kumunot ang noo niya't nagulat sa sinabi ko. "What? What did you say, Sasha? Balak kang ipakasal ni daddy sa tagapagmana ng kompanyang balak na magsalba ng kompanya natin?"
He looks so puzzled and so innocent now. s**t. So, he doesn't know?
"Sasha, I don't know about it. Is it true?"
"I don't know but that's what I've heard, kuya." I rolled my eyes as I passed him.
He turned his back on me nang papalabas na 'ko sa entrada. "Wait. Where are you going now?"
"Celine's party. Don't worry, hindi pa 'ko magre-rebelde, kuya. Not until dad will confirm me that everything I heard tonight was true." 'yon lang at nagmartsa na 'ko palabas ng bahay.
Hindi na siya nagsalita pa't nagtangkang pigilan ako dahil bukod sa alam niyang hindi rin ako papipigil at magpapakealam sa desisyon kong umalis ay may tiwala din naman siya sa pupuntahan ko. This family knows Celine and Serenity, my best friends in life, kaya walang problema sa kanila na lalabas ako ng gabi na yung dalawang 'yon ang mga kasama ko.
Padarag akong pumasok sa pulang Kia ko at basta nalang na itinapon ang purse ko sa loob. I drove to as fast as I could para makarating kaagad sa bar na balak pagdarausan ng bridal shower ni Celine.
Sa mga narinig at nalaman ko ngayong gabi, alak ang magiging sandalan ko!