Chapter 27 ''Kumusta ka na, Iha?'' bati ng Mama ni Leon kay Stefi habang nasa hardin sila at nag-aalmusal. ''Ayos lang, Tita. Salamat sa pag-invite niyo po sa akin,'' nakangiting sabi ni Stefi sa ina ni Leon. ''Kayo po Tita, kumusta na?'' ''Heto at na-stress ako kanina sa secretary ni Leon,'' aniya kay Stefi at bumaling kay Albert na nasa tagiliran niya at nagpapaypay sa kaniya. ''Albert, tawagin mo na nga si Leon at sabihin mo sa kaniya na kakain na at nakakahiya kay Stefi,'' utos ni Mildred sa assistant nito. ''Okay po, Ma'am,'' sagot ni Albert at pinuntahan na nito si Leon. ''Nasalubong ko nga po ang secretary niya, Tita. And guest what kung ano ang ginawa niya sa akin?'' sumbong ni Stefi kay Mildred. ''What it is, Iha?'' tanong ng Mama ni Leon kay Stefi. ''Ininsulto ako at si