Chapter 34 Hinatid ni Leon si Crismafel sa kanila at nakaabang na kaagad ang Tiyo Oscar ng dalaga. ‘’Saan ka ba galing, Crismafel? Alam mo bang hindi kami nakatulog ng maayos dahil nag-alala kami sa‘yo!’’ sermon agad ang ibinungad ni Mang Oscar kay Crismafel sa labas ng pinto ng kanilang bahay. “Magandang umaga po,’’ bati ni Leon sa Tito Oscar ni Crisamfel at sa tiyahin nito na si Aling Tessy. ‘’Magandang umaga naman, Iho. Magkasama ba kayo nitong pamangkin ko?’’ tanong ni Tito Oscar kay Leon. “Sa bahay po siya natulog,’’ sagot ni Leon na wala man lang kurap. Nanlaki pa ang mga mata ni Aling Tessy nang marinig niya ang sinabi ni Leon. “Totoo ba, Crismafel na doon ka natulog sa bahay ng isang lalake? Aba kahit pogi itong kasama mo pero hindi kami nagkulang sa pagpapaalala sa‘yo?’’
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books