Chapter 14 Pagdating nila sa pintuan ng conference room ay pangisi-ngisi lang si Nathaniel sa kanila at pumasok na ito sa loob ng conference room. Nakaabang naman si Leon sa tatlo habang kausap nito ang isa niyang kakilala at naging clasmate sa college. Nang makita niya na ang tatlo ay nagpaalam muna siya sa kausap. ''Sige, Bro. Good luck,'' aniya sabay tapik sa balikat ng kaklase. Tumango-tango lang ito at pumasok na sa loob. ''Reagan, pinagsabihan mo na ba 'yang kasama mong walang utak na tumahimik sa oras ng bidding?'' bulong ni Leon kay Reagan. ''Hindi pa, Bro,'' sagot ni Reagan. Umigting ang panga ni Leon at sininyasan na lang si Reagan at Joy na pumasok na sa loob. Pumasok naman ang dalawa at naiwan naman sila ni Crismafel sa labas ng conference room. ''Listen to me carefully,