Chapter 30 Kinahapunan ay dumating ang Tito Oscar ni Crismafel galing talyer. Habang si Tita Tessy niya ay nagluluto ng meryenda. Siya naman ay nakatutok sa kaniyang cellphone. Gusto niyang i-delete ang account niya sa f*******: dahil ayaw niya na makita ang gagong lalaki na nanloko sa kaniya. “Crisamfel, ano ang plano mo? Magmumukmok ka na lang ba dito sa bahay? Sayang naman ang pina-letchon ko sa’yo noong natanggap ka sa Carson Electronics,’’ sabi ni Tito Oscar niya sa kaniya. Napag-usapan na kasi nila nina Gina at Aling Tessy na kumbinsihin si Crismafel na pumasok sa opisina para bumalik ang sigla nito. Wala na kasi siyang inatupag kundi ang pumasok sa loob ng kaniyang silid at magmukmok o ‘di kaya ay kausapin ang mga bulaklak. Natatakot din naman ang mga ito na baka mabaliw siya.