KABANATA 5

1437 Words
Sun’s POV "Hmmmmm," pagh-hum ko habang naghahanda ng pagkain ngayong dinner. I wanted to surprise him kahit masakit sa 'kin ang nangyari. Second night pa lang naman namin bilang mag-asawa kaya hindi ako mawawalan ng pag-asa. Who knows 'di ba? Iyong iba nga gustong-gusto mapunta sa position n'ya pero s'ya pa rin ang pinili ko. Ang dami namang nagkakagusto sa akin so hindi ako mahihirapan na magustuhan n'ya rin ako.   You wish, Sunny Aether.   Ugh, no negative thoughts. Sa una lang 'to mahirap... Soon magiging okay din kami.   Nag-order lang ako sa isang restaurant who offers home-made like foods. Mas okay ito kaysa sa mga fast food chain na hindi naman healthy ang pagkain ng karamihan sa mga iyon. Isa pa, hindi hamak na mas okay ang um-order kaysa maulit ang nagawa ko kaninang umaga.   I do admit na hindi ako marunong magluto dahil na din sa dami ng helper namin noon sa bahay pero there’s always time for improvement, hindi ba? Within this week I’ll make sure na makapag-enroll sa university or private institution na nag-ooffer magturo kung paano magluto.   Pagkatapos ihanda ag lahat sa lamesa ay sinipat ko ang relo para makita kung anong oras na. 8:00 pm na din naman at pauwi na siguro 'yon from work.   Naglinis muna ako ng mga pinaggamitan ko habang nag-aantay. Wala pa kaming katulong, tanging guard lang na nasa labas. Iyon ang nai-request ko sa mga parents ko at sabi ko ay gusto kong matuto maging house wife, pagsilbihan ang husband ko at matuto ng mga gawaing bahay. Pumayag naman sila kahit ang main reason ko ay para mas mapalapit ang loob sakin ni Art kaya hands-on ako sa kan'ya.   Muli kong sinipat ang relo at nakitang 9:30  pm na ngunit wala pa rin s'ya. Kumakalam na rin ang sikmura ko dahil hindi ko ginagalaw ang pagkain hangga’t hindi siya dumadating dahil gusto kong ito ang maging first night together na magkasabay kaming kakain.   Nakatulog na ko sa pag-aantay ng marinig ko ang pagpasok ng sasakyan n'ya sa garahe. Napabangon ako bigla at mabilis na tumayo upang salubungin s'ya.   Namataan ko sa sala ang relo at nakita ang oras. 11 pm na pala. Wala ako sa mood ngayon para mag-isip ng iba dahil wala naman dapat isipin, siguro OT siya sa trabaho lalo pa at dalawang kumpanya ang hina-handle niya.   ‘Suwerte mo sa asawa mo, Sun. Masyadong workaholic. Siguradong hindi papabayaan ang negosyo niyo,’ sambit ko sa isip at bahagyang kinilig doon.   Naghihintay ako ngayon sa pintuan at kita ko ang pagbaba nito ng sasakyan.   "Hi Art! Kumain ka na? Naghanda akong dinner!" Tuwang bati ko dito.   Tiningnan n'ya lang ako bago maglakad pataas ng kwarto.   "Kumain na ako, matulog ka na," sabi nito at sinarado ang pintuan.   Paano na iyong inihanda ko? Malungkot na tiningnan ko ang mga pagkain na ngayon ay malamig na. Itinabi ko na lang sa ref dahil wala na rin akong ganang kumain.   Pumanhik na ako sa taas at inabutan s'yang may dala-dalang ilang damit at palabas ng kwarto. Tiningnan n'ya lang ako at dumiretso na papasok sa guest room.   Pumasok na lang ako sa kwarto at iniyak ang lahat ng sama ng loob ko hanggang sa di ko namalayang nakatulog na ako. -- 3:16 am   Nagising ako dahil sa pagkalam ng sikmura. Kahapon pa ako walang maayos na kain kaya naman gutom na gutom ako. Pinagpagan ko ang  sarili at bumaba na ng hagdan.   Palapit na ko sa kusina nang marinig kong may kumakalansing na kubyertos o ano man.   Naka-patay ang ilaw kaya hindi ko makita kung sino iyon. Nakakatakot dahil bali-balita na may kumakalat na akyat bahay dito sa may lugar namin.   Kinuha ko ang walis tambo na nasa gilid ko at dahan-dahang pumunta sa likod ng akyat-bahay na ito.   Kailangan mong lakasan Sun, dito nakasalalay ang buhay nyo ni Art. Baka pag nakaganti pa s'ya ay kung anong mangyari sa inyo...   Isa, dalawa, tat---   At hinataw ko ito ng pagkalakas-lakas.   "WTF?! WHY DID YOU FCKING HIT ME HUH?!" Sigaw nito sa akin. Natakot ako kaya hinanda ko ang sarili ko para hatawin s'ya ng isa pa.   "I SAID STOP! WHAT DO YOU THINK YOU ARE DOING SUNNY AETHER HUH?!"   Napatigil ako doon. Kilala n'ya ako? Bakit ang pamilyar ng boses n'ya? Bakit--   Natigil ang pag-iisip ko nang buksan n'ya ang ilaw ang tumambad sa akin ang galit na galit na mukha ni Art.   Nakahawak ang isang kamay nito sa ulo na natamaan ko habang ang isa ay nakahawak sa tambo na pinampalo ko. Iyong kare-kare at adobo ay nagkalat na sa lamesa.   Oh no...   “What do you think you’re doing, huh? Mukha bang okay ang paghampas na ginawa mo sa akin?!” Iritableng bulalas ni Art na nag-echo sa buong kusina. Halos hindi ko matitigan ang kaniyang mukha dahil alam kong pulang-pula na siya sa galit.   Inis niyang iniusog ang upuan palayo sa kaniya at akmang lalabas na ng kusina nang tawagin ko siya.   “A-Art...” Mahina kong bigkas. Napatigil ito sa paglalakad ngunit nanatiling nakatalikod sa aking puwesto. Huminga ako ng malalim at binigkas ang mga salitang pinagsisihan ko rin kaagad.   “M-Masarap ba ang inihanda ko?”   Napapalatak lang ito sa inis at ang sunod kong narinig ay ang sasakyan nitong nag-ingay habang papalayo sa kanilang bahay.   “Ang bobo mo kahit kailan, Sunny!” Inis kong sambit at pinagsasabunutan ang sarili. Pagod akong napasalampak sa silya at tiningnan ang nagkalat na pagkain sa hapag. Halos kakaunti pa lang ang bawas nito pagkatapos ay naputol agad dahil sa katangahan niya. -- Dahan-dahan kong iminulat ang mata at nagulat nang makitang nasa sala na ako at may taklob ng kumot ang katawan. Mabilis akong nagtungo sa kusina at napasandal sa pader ng may ngiti sa labi nang makitang malinis at walang kalat na doon, hindi kagaya ng nakatulugan niya kani-kanina lang.   Dahan-dahan kong iniangat ang tingin sa orasan sa ibabaw ng ref at mabilis na napanguso nang makitang alas-nuwebe na ng umaga. Alas-siyete ang pasok ng kaniyang asawa at hindi niya man lang ito naasikaso bago umalis.   Muli kong naalala ang puwestong pinanggalingan ko at mabilis na tinungo ang sofa. Agad kong itinalukbong sa sarili ang makapal na kumot habang inaamoy ito at iniisip si Art na naglagay nito sa akin pagkatapos akong buhatin mula sa kusina at saka nilinis ito.   Dali-dali kong kinuha ang telepono at tinawagan ang best friend kong si Ariella upang ibalita ang nangyari. Nakakailang ring pa lang bago niya ito sagutin ay tiyak kong nasira na ang kaniyang eardrums sa malakas kong pagtili.   “OMG bff I have chika!” Tuwa kong sambit at binalot ang sarili sa kumot habang tila kiti-kiting hindi mapaayos ng higa sa sofa.   “Ano ba ‘yon, Sunny ha? Alam mo bang midnight pa lang dito tapos naninigaw ka,” palatak nito mula sa kabilang linya na halatang kakagising lang. Tinawanan ko lang ito at muling kinilig ng maalala ang mga iniisip ko kanina.   “You won’t expect this but, OMG ang sweet ni Art sa akin!” Naghi-histerikal na sigaw ko at paulit-ulit na tumili. Kung may makakakita o makakarinig man sa akin ay tiyak na iisipin nilang nababaliw ako. Sabagay, totoo naman. Ikaw ba naman ang buhatin at kumutan ng asawa mo, hindi ba?   “So ayon nga...”   Nai-chika ko dito ang nangyari mula umpisa hanggang sa dulo. Halos hindi ako huminga at napapakislot sa kilig lalo na sa tuwing naaalala ko na naman ang una naming kiss maging ang pagiging concer at paghanap nito sa akin noong may mangyaring aksidente sa kusina.   “I know this is not much but hey we’re getting somewhere!” Tuwang bigkas ko at ipinulupot ang kumot sa sarili habang paulit-ulit binabalikan ang mga alaala lalo na ang eksena namin sa higaan.   Nagpaalala pa si Ariella sa akin at sinabing siya na lang ang tatawag mamaya dahil kailangan niyang matulog para sa business proposal na ipepresent niya mamaya.   “Bye sweetie, take care of yourself. I’ll talk to you later. I love you!” Paalam ko dito saka pinatay ang tawag.   Ibababa ko na sana ang phone sa lamesa kung hindi lang ito hinablot ng kung sino at inis na ibinato sa kung saan. Nanlaki ang aking mata habang pinapanood ang pagkabasag nito nang tumama sa pader.   Inis akong nag-angat ng tingin para lamang salubungin ng mga matang puno ng galit habang nakatigin ng masama sa akin.   Tila ako naupos na kandila lalo na sa sunod na sinabi niya.   “Sa susunod siguraduhin mong wala ako sa tuwing nakikipag-usap ka sa kabit mo. I don’t tolerate cheater in my house, Sunny. Not on my watch.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD