KABANATA 6

1205 Words
Sun’s POV Nanlaki ang aking mata at napaawang ang bibig dahil sa nadinig. Tila ito isang sirang plaka na nagpapaulit-ulit sa aking isipan.   “Sa susunod siguraduhin mong wala ako sa tuwing nakikipag-usap ka sa kabit mo. I don’t tolerate cheater in my house, Sunny. Not on my watch.”   “Ano?” Hindi mapigilang bulalas ko.   Kinurot ko ang sarili para magising kung panaginip man ito ngunit...   “Just tell me how hard you wanted to be pinched.” Matigas ang kaniyang boses habang umiigting ang panga. Mahigpit ang pagkakakuyom niya sa kamao saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa.   “Akala mo ba Sunny Aether na hindi ko nadidinig ang kausap mo palagi? You always call that bastard sweet names tapos ako...” May ibinulong pa ito sa sarili at napailing saka muling itinuon ang tingin sa akin.   “You should have told Tito to cancel the wedding lalo at meron ka din naman palang ibang gusto.”   Hindi na ako nakapagsalita nang tumalikod ito at nagsimulang lumakad palayo. Napahawak ako sa bibig at dinamdam kung may laway na bang tumutulo dito dahil kanina pa ako nakanganga.   Nanatili akong nakatitig sa kawalan hanggang sa...   “Aaaaaaaaah!” Malakas kong tili at nagpagulong-gulong sa sofa.   Napahawak ako sa puwet nang mahulog doon ngunit hindi ko iyon ininda at tumayo. Pakiramdam ko ay puno ng energy ang aking katawan at kakayanin kong takbuhin mula Cavite hanggang Jolo pero siyempre joke lang iyon dahil hindi pa naman ako tanga para gawin iyon pero...   “Nagseselos ka ba?”   Palabas na ito ng pinto ngunit napatigil dahil sa sinabi ko. Dahan-dahan itong lumingon sa aking direksyon at hindi ko inaasahan ang sinabi nito.   “Why would I?”   Tila nawala lahat ng kilig ko sa katawan dahil sa sinabi niya. Gusto kong magsalita ngunit ayaw bumukas ng aking bibig. Nablangko ang aking isip at gusto ko na lang lamunin ng lupa dahil sa lakas ng pagi-imagine ko kanina.   Huminga ako ng malalim at tinatagan ang loob saka matapang na humarap sa kaniya.   “Then bakit ganoon ka mag-react kanina? Hindi ba pagseselos ang magalit kapag –“   “Stop right there,” putol niya sa sinasabi ko habang minamasahe ang sentido. Ilang ulit pa itong huminga ng malalim bago muling ituon ang atensyon sa akin.   “I’m not jealous, Sun. I’m angry. It’s not the same thing at nagagalit ako dahil you already have someone before me yet you chose to get tied to me. Alam mo ba kung gaano ka ka-selfish at kasama?”   “Pero hindi iyon ang –“ Aalma pa sana ako ngunit iniangat niya ang kamay at inilagay sa harap para pigilan ako.  Marahan itong umiling saka ako binigyan ng malungkot na ngiti.   “Hinayaan mo akong maikasal sa iyo even though alam natin pareho ang totoo...” Huminga ito ng malalim at binitawan ang mga salitang sumugat sa aking pagkatao.   “Hindi lang ako o kung sino man siya ang pinagkaitan mo ng karapatan para sumaya kung hindi ang taong gusto ko talagang makasama. That’s how selfish you are, Sunny. And also...” Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad muli papalayo.   Bago pa siya tuluyang makalabas ng pintuan ay humarap siya at binigyan ako ng malamig na tingin na nagpataas sa aking balahibo.   “Being jealous only applies when you love the person. I don’t even like you – what more para magselos dahil hindi naman kita mahal?” -- “I don’t understand, Ariella. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang kadali para sa kaniya ang magbato ng masasamang mga... words.” Pigil ko ang pagsigok dahil sa walang tigil na pagluha.   Kanina pa ako pinagtitinginan at sinasamaan ng tingin ng mga nakapila sa phone booth ngayon. Mukha naman silang may mga cellphone pero nagsusumiksik pa din silang makigamit dito kahit kita naman na gamit ko ito.   “Miss mawalang galang na, pakibilisan mo naman. Kung hindi lang nag-down ang messenger at f******k hindi ako pipila dito tsk,” iritadong sambit niya na sinegundahan naman ng ilang nakapila.   “Sandali! Kitang may kausap e!” Singhal ko dito at muling inilapit ang phone sa tenga saka napahagulgol.   “Alam ko naman kasing pinilit ko lang siya pero tama bang sabihin niya iyon sa akin?”   Dinig ko ang pagbuntong hininga ni Ariella mula sa kabilang linya. Hindi man kami magka-face time ay tiyak kong kunot na ang noo nito sa pinagsasabi ko.   “E reality speaking naman kasi talaga, totoo namang napikot mo lang siya. E kung hindi ka ba naman tanga at pinagpilitan ang sarili sa kaniya edi hindi ‘yan mangyayari sa’yo.” Mas lalo akong napaatungal ng iyak dahil sa sinabi nito.   Napaghahampas ko na maging ang poste ngunit tinigil ko din kalaunan dahil medyo masakit hatawin iyon.   “Pero dahil ‘BEST FRIEND’ kita...” Nai-emphasize niya pa ang salitang best friend na nagpatigil sa akin pagrereklamo at napairap dito. Ginagamit niyalang kasi iyon para maging sarkastiko at hindi ako nagkamali dahil sa sunod na sinabi niya.   “Dahil best friends tayo, hindi ko sasabihin iyon. Hindi ko sasabihin kung gaano ka ka-tanga dahil kung anong galing mo sa school ay siyang bobo mo pagdating sa kaniya. Hindi ko sasabihin ‘yon don’t worry.”   “Hoy Miss ano ba? Kapag hindi ako nabalikan ng girlfriend ko dahil di ako gumawa ng paraan para makausap siya ikaw ang babalikan ko.” May himig pagbabanta sa boses nito kaya’t nilingon ko kung sino iyon at nakita ang lalaking nagrereklamo din kanina.   Pawisan ito at may tattoo ito sa bandang braso na nagpataas ng aking kilay. Naka-all black ito at nakasuot din ng cap at shades kahit pa tirik ang araw sa labas.   Inirapan ko ito at iniharang ang aking kamay para pigilan siyang lumapit dito.   “Social distancing! Maghintay ka, matatapos na ko okay?” Mataray kong sagot dito at akmang babalik pakikipag-usap nang hablutin nito ang phone at ilayo sa akin.   “Ano ba?! Bastos ka ah!” Sigaw ko sa mukha niya at sinubukan siyang itulak ngunit hindi man lang ito natinag.   Agad kong nilagyan ng alcohol ang kamay nang mahawakan ang damit nitong basa ng pawis at hindi ko namalayang inilagay na pala nito ang telepono sa tenga niya.   Napaawang ang aking bibig sa ginawa niya hanggang sa tuluyan niyang ibaba ang tawag at ibalik sa lagayan.   Dahan-dahan akong napaatras habang siya naman ay paabante sa aking puwesto. May mga nakakakita sa amin ngunit walang nagtangkang pigilan siya kaya naman sinubukan ko itong suntukin ngunit nahawakan niya ang aking kamao at mahigpit na hinawakan ito.   “Ano b—“   “Sana ay hindi umabot sa puntong ikaw na ang manganib bago ma ma-realize na puro red flag na ‘yang asawa mo.”   “A-Ano...” Awang ang aking bibig dahil sa pagkalito sa mga sinasabi niya. Niluwagan nito ang hawak sa akin at hindi ko alam kung ako lang pero parang nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Malungkot siyang ngumiti sa akin bago tuluyang bitawan ang aking kamay.   “Hindi kita kilala pero...Huwag ka na sanang madagdag sa mga babaeng natauhan ngunit huli na ang lahat dahil masyado ng malalim na ang sugat sa buhay niya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD