Chapter 2

2429 Words
Russel "Nene! Nene! Gising! Tanghali na! Gising!" Hihikab hikab kong minulat ang mga mata ko. Ano ba naman 'to si Mama, ang sarap ng panaginip ko. Inaamoy ko pa ang dibdib ni Sir Edrick at binuhat pa niya ako tapos gigisingin lang niya ako na walang katuturan. Wala naman akong trabaho bakit ba kailangan kong gumising ng maaga? "Nene, ano ba? Gumising ka diyan! May naghihintay sa 'yong trabaho." iminulat ko ng unti-unti ang aking mga mata. Hays! Panaginip lang pala talaga akala ko totoo na. "Mama naman eh! Ang sarap ng panaginip ko. Binuhat daw ako ng prince charming ko at dinala niya 'ko dito sa kwarto ko." kakamot kamot sa ulo na sabi ko. Buhaghag pa ang buhok ko at baka may laway pa ako. Nameywang sa harapan ko si Mama. Ganito talaga ang mga nanay palagi na lang may sermon sa umaga. Hindi pa ko nakakapag almusal busog na ako sa sermon niya. "Anong panaginip sinasabi mo diyan Nene? Nakakahiya ang ginawa mo kagabi. Sinukahan mo lang naman ang gwapo mong bisita. At hindi panaginip yung sinasabi mo dahil totoo yun." nakapameywang na sabi sa akin ni Mama. Nanlaki ang aking mga mata at kaagad na tumayo para tingnan ang sarili sa salamin. "Mama, maganda ba ako?" tanong ko kay mama tsaka inayos ang sarili. Sinamaan naman kaagad ako ng tingin ni Mama. Si mama talaga sobrang KJ. "Ano bang kaartehan iyan Nene? Kagigising mo lang, kaya malamang ang pangit mo." sa lahat ng nanay sa mundo siya itong pinaka-sinungaling. Ang ganda ko kaya. "Mama naman eh!" kamot ang sariling ulo na sabi ko kay Mama. Tsaka lumapit sa kaniya at bumulong. "Mama, nandiyan pa ba si Sir Edrick?" humarap ako kay Mama at inayos ang buhok ko. Baka sakaling nandito pa si Sir Edrick, kahit papaano maganda ako. "Ikaw na bata ka." isang kutong na lang sa ulo ang napala ko kay Mama. "Mama ang KJ mo talaga sobra." sumama lalo ang mukha ni Mama. Sinabayan pa ng kunit sa noo nito. "Anong KJ?" "Secret, Ma." nag-peace sign kaagad ako at tumakbo na palabas ng kwarto. adatnan ko ang kapatid ko kumakain na. Umupo ako sa tabi nito. Napahikab pa ako. Nakasunod na rin pala si Mama nasa harapan ko na rin kaagad. Nag-umpisa na akong kumain nang magsalita ulit si Mama. "Nene, papayag ka ba sa gusto ng lalaking maging maid ng lalaking pumunta dito kagabi? Mukha naman siyang mapagkatiwalaan at ...ang pogi na bata." Natigilan ako sa pagsubo dahil sa tanong ni mama. Anong papayag? Saan? "Papayag sa ano, Ma? Oorder ba siya ng tuba? Kukuhanan ko siya." nagsimula na ulit akong kumain. "Hindi yun. Yung lalaking pumunta rito kagabi, yung gwapo at matangkad tinatanong ka niya kung pwede ka niyang maging maid. Kaso lasing na lasing ka kagabi, siya pa nagdala sa 'yo sa kwarto mo. Alam mo ba kung anong sinabi niya? Balyenang lasinggera ka raw, kasi ang bigat bigat mo." Napanganga ako at natigilan sa pagsubo dahil sa sinabi ng mama ko. "B-balyenang lasinggera? Sinabi niya yun? Ako lang yata ang balyenang lasinggera." napanguso ako. Alam kong si Sir Edrick ang sinasabi ni Mama. "So ano? Papayag ka na ba?" "Payag na payag, Ma. Kahit wala ng sahod basta't si Sir Edrick." kaagad kong tinakpan ang aking bibig dahil sa walang preno kong bibig. Mabibisto pa akong gustong gusto ko si Sir Edrick. Ayan na nga ang sama na naman ng tingin sa akin ni Mama. "Ate, magpakipot ka naman kahit kaunti. Alam mo bang katulad naming mga lalaki ayaw namin sa mga babaeng easy to get. Gusto namin pinaghihirapan." sabat naman nitong lalaki kong kapatid. Muntik ko pa itong makutungan. Sinamaan ko kaagad ito ng tingin. "Hindi ako easy to get ha? Easy to hard ako." napanganga sila mama at si Junjun sa sinabi ko. "Anong easy to hard ate?" tanong naman ni Junjun. "Ikaw gusto mo ba ng bagong sapatos o hindi? Ang dmai mo pang tanong." panakot ko sa kaniya. Alam kong ito ang kahinaan niya. Kapag hindi niya binawi ang sinabi niya hindi ko siya bibilhan ng sapatos. "Nagbibiro lang ate. Alam mo namang ikaw ang pinakamaganda sa balat ng lupa." Kaagad ko siyang tinuktukan. Mambobola na lang may pasobra pa. Pagkatapos namin kumain naligo na ako para mag-ayos na ng mga gamit kong dadalhin sa Maynila. Hindi ko alam pero na-eexcite ako. Knowing na magsasama kami sa iisang bubong ni Sir Edrick. "My love, heto na mga gamit mo." sabay halik sa labi ng asawa kong si Edrick. "Thanks my love, mamaya ka sa akin. Hindi lang round two, three four o five ang gagawin ko sa 'yo. Mas lalo mo lang akong pinapasabik kaya may ten rounds tayo mamaya pagdating ko." Nakatulala na pala ako dahil sa kakulitan ng isip ko. Napunta na ang imaginations ko sa mag-asawa na kaming dalawa. Napangiti ako ng wala sa oras dahil ang sarap lang kung mayroon kaming ganoong scene ng crush kong si Sir Edrick. Napakagat labi na rin ako habang niyayakap ang sarili kong mga braso. Feeling ko kayakap ko si Sir Edrick sa mga oras na ito. Sa isip ko ang pogi-pogi niya lalo na kapag nakangiti. Labas ang pantay-pantay niyang mga ngipin at habang ngumingiti, ngumingiti rin ang kaniyang mga mata. Napapikit akong muli, sa bawat pagpikit ko kasi nakikita ko ang napaka-gwapo niyang mukha. "Nene!" Nabulabog ang lalim ng pag-iisip ko ng sigawan na lang ako bigla ni Mama. "Mama naman eh! Ang sarap ng imaginations ko. Guguluhin niyo lang, Armalite ba kayo?" kakamot kamot sa ulo na sabi ko sa kaniya. "Ano na namang hugot 'yan Nene. Alam ko na sasabihin mo, kasi maingay ako?" sabi ni Mama. Bigla akong natawa. "Armalite ba maingay, Ma? Hindi ba pwedeng malayo ka pa lang nabibingi na ako?" Natigilan si Mama at nag-isip. Tsaka niya lang na-gets ang sinabi ko. "Ikaw talaga na bata ka. Anong pinagkaiba nun sa sagot ko? Pinagloloko mo ako, nililigaw mo lang ang isip ko." Kutong tuloy ang napala ko. Ilang minuto bago nawala ang init ng ulo ni Mama, tinulungan niya akong mag-ayos ng mga gamit ko. Mamaya niyan iiyak na naman 'yan pag-alis ko. Ganiyan naman si Mama, napakabungangera at palaging galit kong magsalita pero mahal na mahal ako niyan. "Nene, bakit may dala ka pang tuba?" taka na tanong sa akin ni Mama. "Ibibigay ko lang po 'yan, Ma, sa dati kong boss." sagot ko at inilagay ang dalawang galon ng tuba sa isang bag. "Diyos ko na bata ka. Dadalhin mo pa sa Maynila iyang ugali mo. Naku naman anak, hanggang dito lang 'yang kalokohan at kakulitan mo 'wag mo ng dalhin sa Maynila at baka mapahamak ka pa. Mga tambay dito pinagloloko mo pero dun sa Maynila baka kapag niloko mo mga tambay do'n hindi ka na nila sasantuhin. Nene, ha, sinasabi ko sa 'yo. Bawas-bawasan mo 'yang kakulitan mo." sermon na naman sa akin nitong mama kong maganda. "Opo, Ma." humalik na kaagad ako sa kaniyang pisngi. "Aalis na po ako." dala ang dalawang bag ko na palabas ng kwarto. Nadatnan ko si bunso naghihintay rin sa sala. Kaagad itong lumapit sa akin at yumakap. "Ate, pwede mo ba akong bigyan ng chix? Pag-uwi mo dito." Kaagad kong kinutungan si Junjun dahil kabata bata pa chix na nasa isip niya. Fifteen years old lang si Junjun at ako naman ay eighteen years old. Palabas na ako ng bahay ng makita ang fvck girls. "Nene, 'wag mo kaming kalimutan kapag kayo na ni Mr. Pogi!" pahabol na sigaw ni Lyn. "Oo, imbitado kayo kapag ikinasal na kami!" ganti kong sigaw. Parang kinikilig naman ang mga ito. Abot tenga ang mga ngiti. Huling wave ko sa kanila bago tuluyang sumakay ng trysicle para sasakay naman ng bus papuntang Manila. ILANG ORAS din ang byahe ko bago tuluyang makarating sa mansion. Excited akong makapasok sa mansion, kilala na rin naman ako ng security guard kaya pinapasok kaagad nila ako. "Oh! Nene, long time no see." bati sa akin nitong Patricia na ito. Kasamahan ko noon dito sa mansion at magiging kasamahan ko ulit dahil nandito na naman ako handang pagsilbihan ang prince charming ko. "Nandito ba sila Ma'am Lani at Sir Elijah?" tanong ko sa kaniya. "Nandiyan silang lahat except lang si Sir Edrick wala na siya dito may sarili na kasi siyang condo." tila pabulong na sabi sa akin ni Patricia. "Condo? Pinapunta niya 'ko dito para raw maging maid niya wala pala siya dito." nakanguso kong sabi. Tinapik naman niya ang braso ko. "Anong maid? Ikaw maging maid ni Sir Edrick? Sigurado ka ba? Palit na lang tayo ikaw dito at ako sa kaniya." Sinamaan ko siya ng tingin. "Sa tingin mo ba papayag ako? Ako nga yung gusto niya 'di ba? Ba't ko ibibigay ang trabaho ko sa iba?" tinarayan ko kaagad ito at tinalikuran. Ang ganda-ganda ng araw ko pero sinira lang ng babaeng ito. Noon ko pa napapansin gusto niya rin si Sir Edrick pero hindi ko isusuko si Sir Edrick. Once na sa akin, sa akin na siya habang buhay. Habang naglalakad bubulong bulong naman ako. "May balak pa na agawan ako. Tss! Sorry ka na lang kasi mas maganda ako." sabay flip ng mahaba at straight kong buhok. Ilang buwan akong nawala, tatlo o apat ang dami na kaagad nagbago dito sa mansion. Papasok na ako nang makasalubong ko si Manang. "Manang!" tawag ko dito. Sobra pa ang mga ngiti ko. Kinawayan ko ito, mukhang hindi niya na kasi ako nakilala, hindi ako pinansin. "Nene, ikaw ba 'yan? Bakit ang itim mo?" kaagad akong napatingin sa aking balat. Ang itim ko na ba? "Sobrang itim ko na ba, Manang?" mas tinitigan pa ako ni Manang bago sinagot ang tanong ko. "Hindi naman. Nag-iba lang ang kulay mo pero maganda ka pa rin. 'Wag kang mag-alala." bumabawi naman si Manang. "Dahil diyan Manang, may pasalubong po ako sa inyo." Kinuha ko kaagad ang isang galon ng tuba na nasa loob ng dala kong bag. Tamang-tama rin naman at may dalang baso si Manang. Kinuha ko ang baso mula sa tray at sinalinan ng tuba. Binalingan ko si Manang at hindi maipinta ang kaniyang mukha. Parang nangangasim. Kapag natikman lang nila ang tuba ko siguradong uulit-ulitin na nilang uminom. "Ano ba iyan, Ineng? Tuba? May dala ka pang tuba." hindi pa nga umiinom nangangasim na. "Tikman niyo po Manang, Manang makakalimutan niyo ang inyong pangalan pati na rin ang inyong edad." Hindi rin nakatanggi si Manang. Mukhang sabik rin naman sa tuba. Basta't mga tigang nasasabik sa tuba katulad ko tigang. Malapit ng kumipot ang daraanan. Walang pumapasok. Pagtikim ni Manang ay siya naman parang kinikilig pagkatapos. "Ang tamis nito Nene. Saan mo ba ito kinuha? Sa probinsya niyo? Mukhang fresh na fresh pa ito." mangha na sabi nito. Ang hindi niya alam ninakaw ko lang itong tuba. "Fresh like me, Manang." sabi ko. Maya maya ay may nagsalita sa harapan namin. "Manang, sino 'yan?" si Ma'am Lailani may karga itong maliit na sanggol. Mukhang nanganak na si Ma'am. "Nene? Nandito ka? Ang sabi ng senyorito niyo, umuwi ka ng probinsya?" "Yes po, Ma'am Lani kaso bumalik ako dahil kay Sir Edrick." Nagkatinginan naman si Manang at Ma'am Lailani. "Ano 'yang dala mo. Halika pumasok ka na." niyaya na ako papasok ni Ma'am. Habang papasok kami ay panay naman ang paglapit ko sa kaiya dahil sa pagkagigil ko sa baby na dala niya. "Ang cute ng anak niyo, Ma'am." komento ko. "Salamat, Nene." Napatingin si Ma'am sa dala kong galon. "A-ano 'yang dala mo?" Itinaas ko ang galon. "Ito Ma'am, tuba po ito." "T-tuba?" parang namangha pa siya sa sinabi ko. Katulad ng raksyon ni Manang. Pagdating namin sa loob may mga bisita pala si Ma'am Lani. Mga apat na babae. Ang tatlo ay may kaniya-kaniyang hawak na baby. "Sila nga pala ang mga ninang ng quadroplets. Si Aiza, Joy, Jearaine and Emma." pakilala niya sa apat na babae na nasa sala. "Quadroplets? Quadroplets ang naging anak niyo Ma'am?" mangha na mangha ko. Hindi ko akalain kakasya ang apat sa labasan ng bata? "Oo, Nene." nakangiti naman na sabi ni Ma'am." "Sabi ko nga po eh! Akala ko triplets lang yun pala quadroplets. Masyado kasing sabik si Senyorito kaya nakaapat kaagad." kaagad kong tinakpan ang bibig ko dahil sa walang preno kong sabi. Natawa na lamang si Ma'am sa sinabi ko. "Anong sabi mo Nene?" Nanlaki kaagad ang mga mata ko nang marinig ang boses ni senyorito Elijah. Paglingon ko, ang sama ng tingin sa akin nito. Kasama niya ang kaniyang mga barkada. Si Sir Vander at Sir Kysler. Patay na! Hindi pa ako nakakapagsimula tanggal na kaagad ako nito sa trabaho. "S-senyorito, may narinig po ba talaga kayo? Wala po akong sinabi." nakangiwi kong sabi. Lumapit pa si Senyorito sa akin habang tatawa-tawa naman si Ma'am Lani dahil siguro sa reaksyon ko. Ganito ako katakot kay senyorito. Iba kasi ito kapag nagagalit. Mukhang tigre na manglalapa. Buti sana kung sa kama ako lapain hindi naman ako si Ma'am Lani para lapain niya sa kama. Nang makalapit sa akin si Senyorito kaagad kong ibinigay sa kaniya ang galon ng tuba. "Senyorito sa inyo na po iyan. Babye!" Nagmadali akong tumalikod after ko makita ang reaksyon ni senyorito ng ibigay ko sa kaniya ang galon ng tuba. Hindi ko na rin naman siya narinig pa na tawagin ang pangalan ko. Sana napawi ng tuba ang galit niya sa akin. Nasa kusina na ako nang mag-ring ang phone ko. Sino naman kaya ito? "Aba! Nene sagutin mo na 'yang tumatawag sa 'yo ang ingay ng ringtone mo." reklamo ni Manang. "Sasagutin ko na po Manang" "Hello, who'se there?" tanong ko kaagad ng masagot ang tawag. "Anong who'se there Nene? Tumawag ako sa inyo at ang sabi ng mama mo umalis ka na raw papunta rito sa Manila. So? Where are you right now? Don't tell me naligaw ka?" Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Sir Edrick. Teka, talaga bang tumawag siya sa akin? "S-sir Edrick is that you?" panigurado ko pa. "Yes, Nene, nothing else. The guy you vomited on last night because you were too drunk." Napangiti ako ng wala sa oras. Siya nga, hindi ako nagkakamali dahil kabisadong kabisado ko ang boses niya. "So where are you?" muli ay taong niya. "Nandito ako sa mansion Sir Edrick." sagot ko. "Pupuntahan kita diyan. Pack your things 'cause you'll be working for me, not to my brother" sabi niya. Kinikilig ako pero hindi ko pinapahalata sa boses ko. Parang gusto ko ng sumigaw dahil sa nararamdaman kong parang sasabog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD