Chapter 3

2198 Words
Rusell PAGLABAS ko ng kusina para sana ayusin ang mga gamit ko na iniwan ko sa sala ng mansion. Ganun na lang ang pagtataka ko dahil nagsasayawan na ang mga tao sa sala. Maging si Senyorito, Eli, Vander at Kysler at maging ang mga ninang ng quadroplets ay nagsasayawan na rin. Lahat sila ay napalingin sa akin. "Oh, Nene, pa-order nga ng isang galon na tuba. Kulang eh!" sigaw ng isang ninang ng quadroplets. Ang pagkakatanda ko, Joy ang pangalan niya. "Gawin mo ng limang galon Nene dahil lahat kami oorder. Ang sarap, matamis at hindi nakakasawa." dagdag naman ni Ma'am Emma, lasinggera din 'to eh! Palibhasa tigang rin. "Ano ba 'yan, Emma? Parehong kaliwa ang mga paa mo!" asar ni Ma'am Lailani. Ako naman ay tuluyang lumapit sa kanila. T-teka. . . lasing na ba silang lahat? Paanong nalasing sa isang galon sa dami nila? Tinamaan kaagad sila sa tuba? Ang tuba kapag tigang ka mabilis kang matamaan sa pagkalasing. Ibig sabihin ba niyan tigang silang lahat? Si Ma'am Lani tigang rin? Paanong matitigang kung nandiyan si Senyorito Elijah? "Meron ka pang isang galon na tuba diyan Nene 'di ba?" ayan na si senyorito. Kapag siya ang nagtatanong sigurado akong hindi ko ito matatanggihan dahil sa tingin pa lang ay nilalapa niya na ako ng buhay. "Ah-eh. . ." anong isasagot ko? Meron pang isang galon dito pero dinala ko ito para habang nagtatrabaho sa condo ni Sir Edrick meron akong maiinom. "Nene?" untag ni senyorito nang hindi ako nakapagsalita. Kumurap-kurap ako. Wala akong mahanap na sagot. Ano ba dapat isasagot ko? Nang makapag-isip kaagad ko itong hinarap. Gusto ko lang naman siyang ma-distract para hindi niya tuluyang makuha sa akin ang isang galon ng tuba. Hindi ko naman akalain na nagugustuhan nila ang tuba ko.Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Senyorito, anong nauuna? Itlog o manok?" tanong ko sa kaniya. Kumunot naman kaagad ang noo nito. "What kind of question is that, Nene? Anong koneksyon ng tuba sa manok?" kunot na kunot ang noo ni senyorito na sabi sa akin. Magsasalita na sana ako nang marinig ko ang boses ng kaisa -isang taong hinihintay ko. Si Sir Edrick. "Nene!" ang sarap sa pandinig kapag siya ang tumatawag niyan sa akin. Kaagad akong napalingon sa kaniya. Kararating niya lang, medyo magulo ang pagkakaayis ng kaniyang buhok pero napakaguwapo niya pa rin. Pagkapasok niya pa lang ay kinindatan niya ang apat na ninang. Bakit hindi sa 'kin? Dire-diretso naman ang pagpasok niya at lumapit sa akin. Mabuti na lang dumating siya dahil kung hindi baka nilapa na ako ng buhay ni senyorito. Kahit hindi ako ang kinindatan niya atleast na saved niya 'ko sa nakakatakot na tingin ng kuya niya, si senyorito Elijah. "Are these all your belongings, Nene?" napangiti akong bigla sa tanong niya sa akin. Kinuha niya mula sa kamay ko ang dala kong bag. Napanganga na nga yata ako dahil sa pagtitig ko sa kaniyang mukha. Tumabingi na ang aking ulo. "Nene, you're drooling." Napakurap-kurap ang mga mata ko at kaagad kong pinunasan ang gilid ng aking labi. "A-ah---Sir Edrick, ano nga ulit ang sabi niyo? Nabingi na yata ako." tanong ko tsaka tumingin sa paligid namin. Iba-iba ang mga expression ng kanilang mga mukha. Si senyorito Elijah nakakunot ang noo, si Ma'am Lani naman ay nakangiti maging ang apat na ninang nakaawang ang mga bibig. Maging sila Sir Kysler at Vander ay nakangiti rin. "Wala ka yata sa sarili mo." puna ni Sir Edrick sa akin. Wala nga ba talaga? Napaawang na naman ang labi ko bago nagsalita. "Paano kasi Sir, nag-slow mo ka sa paningin ko." Kaagad akong napatingin na naman sa plaigid ko. Na-realize ko bigla ang sinabi ko. "What I mean sir Edrick is buhaghag ang buhok niyo. Hindi po ba kayo nag-gel? Hayaan niyo kapag ako na ang asawa niyo, I-I mean is kapag ako ang naging maid niyo pati buhok niyo aayusin ko." sabi ko. Biglang napangiti naman si Sir Edrick sa sinabi ko. "Kagagaling ko lang kasi sa laban at dumiretso na ako rito." nakangiting sabi niya sabay ayos ng buhok niya. Pero ang guwapo niya pa din kahit magbuhaghag pa ang buhok niya. Kahit hindi pa nakaayos ang pagpapatayo niya ng kaniyang buhok. "Pero curious lang ako Sir Edrick? Anong laban ba yung tinapos niyo? Gumamit ba kayo ng guns o batuta?" Na-curious lang ako ng sobra. Paano kung baril pala ang gamit niya o 'di kaya batuta ng mga tanod? E 'di maraming namatay? "Pulis po ba kayo Sir Edrick or isa kayong retired army?" sa mga tanong ko, nakita ko ang pigil na pagtawa ni Sir Edrick. May nakakatawa ba sa mga tanong ko. "Fvck it, Nene. Ano bang mga pinagsasabi mo? Kumain ka na ba? Dahil kung hindi pa iuuwi na kita para kumain at makapagsimula ka na sa condo ko." nakikita ko pa ang mga pigil na pagtawa ni sir Edrick. Napatingin naman ako sa paligid, maging ang apat na ninang ay tawa rin ng tawa. Ano kayang nakakatawa sa sinabi ko? Hinawakan niya ang kamay ko, nanlaki bigla ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. "Let's go!" pagyaya niya. Hinarangan naman kami ni senyorito. Sinamaan nito ng tingin ang sariling kapatid."Edrick, alam mo na ang mangyayari sa 'yo kapag may ginawa ka kay Nene na hindi ko magustuhan. Matagal kong naging tauhan si Nene rito sa mansion kaya ingatan mo 'yan. Hindi na naiiba si Nene rito kaya kung may mangyaring masama kay Nene sa condo mo, ikaw ang mananagot sa akin." kaagad na tinapik ni Edrick sa braso si senyorito Elijah. "Nene is safe with me, bro. You don't have to worry about dahil ako ang makakasama niya. Wala rin naman akong gagawing masama sa kaniya. Gusto ko lang siya ang makakasama ko sa condo." wika ni Edrick sabay sulyap sa akin. Gusto niya akong makasama? Bakit hindi pa niya ako gawing asawa? Payag naman ako, sa isip -isip ko. "Naninigurado lang ako, Edrick. . . because I know you, masyado kang matinik sa mga babae." narinig ko pa na sabi ni senyorito. Tila bulong lang ito pero narinig ko pa rin. "Nagmana lang sa 'yo, bro. Kasalanan ko bang habulin ako ng mga babae. Isang kindat ko lang sa kanila ayaw na nilang umalis sa tabi ko at hinahanap-hanap na nila ako?" narinig ko naman na sagot ni sir Edrick. Tuluyan niya na akong hinila palabas ng mansion. Habang naglalakad kami panay naman ang pagyuko ko para magpaalam sa kanilang lahat. Natapos rin ako hanggang makalabas kami sa mansion. Natanaw ko ang kotse na kulay white. Mukhang sa kaniya yata ito. Mas exciting kung sa kalabaw kami sasakay. Para siya ang driver ako naman ang kakapit sa kaniyang bewang. Napangiti ako ng wala sa oras. Na-iimagine ko ang pagsakay namin dalawa sa kalabaw. "Nene, humawak ka ng mahigpit sa bewang ko." saad ni Sir Edrick. "Yes, Sir Edrick. Kakapit ako ng mahigpit sa bewang mo." at inamoy ko ang leeg niya. "Nene, what the hell are you doing?" naimulat ko ang aking mga mata dahil sa lakas ng boses ni Sir Edrick. Tumikhim kaagad ako, imaginations ko lang pala ang lahat at inamoy ko nga pala ng totoo ang leeg niya. Napakamot ako ng wala sa oras sa aking batok. "Ah-eh...akala ko kasi cake yung nasa harapan ko ang sarap kasing tikman. Leeg mo pala." napangiwi ako sa palusot ko. Hinablot ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at nauna nang maglakad sa kaniya. Natigilan ako nang marating ang car na kulay white. Hinintay ko siya. "Sir, Edrick saan ako sasakay? Sa likod o sa tabi niyo?" tanong ko sa kaniya. Mas maganda kung sa tabi niya sana. "Ano sa tingin mo Nene?" "Sa tingin ko, Sir mas maganda umupo sa harap katabi niyo po." ngumiti ako ng pagkatamis-tamis. "No, Nene, doon ka sa likod." turo niya sa likuran tsaka pinagbuksan naman niya ako. Napaka-gentleman ni Sir Edrick pero mas gusto ko sana sa tabi niya pero hindi man lang dininig ang panalangin ko. Hayaan na nga ang mahalaga kasama ko siya sa iisang sasakyan at kaming dalawa lang. Solong-solo ko siya. Pumasok na ako sa loob kotse at inayos ang sarili. Habang nagmamaneho si Sor Edrick hindi ko mapigilan na hindi siya titigan sa buong byahe. Hanggang sa makarating kami sa kaniyang condo. Nasa fourteen floor pa kaya matagal kaming nagsama sa loob ng elevator. Hindi ko maiwasang hindi humikab dahil sa pagod at medyo inaantok na rin ako. Hindi ako nakatulog sa byahe dahil panay ang amoy ko sa pabango ni Sir Edrick nakakaadik. Nabulabog ako sa lakas ng ringtone ng cellphone ko. Sumenyas sa akin si Sir Edrick na sagutin ko na raw. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa. Nakita kong si Mama ang tumatawag kaagad ko naman sinagot ito. Ano kaya ang kailangan nito? "Hello, Mama?" sagot ko. "Mabuti at sinagot mo na bata ka. Alam mo ba kung bakit ako napatawag?" aba'y malay ko? "Paano ko malalaman, Ma? Wala ka pa namang sinasabi." sagot ko. "Lintik kang bata ka! Nandito si Mang Romeo ang may-ari ng mga tuba na ninakaw mo. Nagwawala rito kung bakit mo raw kinuha ang mga tuba niya?" napangiwi ako sa sinabi ni Mama. Patay! Si Mang Romeo? Paano niya nalamang ako ang kumuha ng tuba niya? "Ano? Nandiyan ka pa ba huh? Russel? Nene?" "Yes, Ma, I'm here." kalmado na sagot ko. Nandito ako sa Manila kaya wala akong dapat na ikatakot. "Naku! Nene kapag hindi mo naibalik o nabayaran ang tuba na ninakaw mo sa kaniya sa loob ng dalawang araw ipapakulong ka niya. Hahanapin ka raw niya diyan sa syudad. Alam mo naman may anak siyang abogado diyan sa Manila." Nanlaki ang mga mata ko. Sinulyapan ko si Sir Edrick. Nakikinig pala sa usapan namin ni Mama. "Anong ninakaw mo, Nene?" tanong sa akin ni Sir Edrick. Narinig niya nga. Napaawang ang labi ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay sir Edrick? Sasabihin ko bang nagnakaw lang naman ako ng tuba? Pinatay ko ang tawag ni Mama at inilagay sa bulsa ang aking cellphone. Nagsasalita pa si Mama pero pinatayan ko na ito ng tawag. Bumukas ang elevator kaya lumabas kami ni Sir Edrick. Nasa tapat na pala kami ng unit niya. Binuksan niya ito at ako naman ay nakasunod habang dala-dala ko ang bag ko. Manghang -mangha ako dahil malaki rin pala ang loob at mukhang madaling linisin. Hindi katulad sa mansion ang daming antique na dapat linisin. Napasulyap ako sa bulsa ng pantalon ko nang tumunog ulit ang cellphone ko. May text mula kay Mama. "Nene, humanda ka ng five thousand pesos para sa limang galon ng tuba na ninakaw mo. Kapag hindi mo naibigay kay Mang Romeo ang five thousand ipapakulong ka niya. Alam mo naman 'yan si Mang Romeo masyado ng matanda kaya ganiyan na iyan at hindi 'yan marunong magbiro." napakahabang text ni Mama. Saan naman ako kukuha ng five thousand pesos? One hundred na nga lang pera ko dito. Napakamot ako sa ulo ko ng wala sa oras. Sinulyapan ko si Sir Edrick nakatingin pala sa akin. "Nene, kanina ka pa balisa? May problema ba?" Kamot ang ulo habang napangiwi ako. "S-sir Edrick...p-pwede ba akong bumale sa inyo?" kahit nakakahiya ay nasabi ko pa rin. Kahit hindi pa nagsisimula nauna ang sahod. Actually wala naman akong hiya. "How much?" Nabuhayan ako ng dugo dahil sa sagot niya. "Five thousand pesos lang naman Sir Edrick hindi gaanong malaki hindi rin maliit kayang kaya kong pagtrabahuan ng dalawang buwan Sir Edrick. Kahit ako pa ang magbihis sa inyo ng brief niyo araw man o gabi." nakangiting sabi ko. "Ayos na sa akin ang magtrabaho ka Nene pero ang bihisan ako ng brief ko araw at gabi mukhang iba na yata yun." kumunot ang noo ni Sir Edrick. Ako naman ay kinagat ko ang sarili kong kuko. Ano bang kalokohan ang pinagsasabi ko? "Ano ba yung ninakaw mo, I heard it. Nagnanakaw ka pala Nene. Dito sa condo ko hindi pwede iyon." sabi niya sa akin at naglakad. "Wala kayong dapat na ipag-alala sir Edrick. Hindi ko nanakawin ang mga gamit niyo. Hindi ko sila type. Yung puso niyo pwede pa." tinakpan ko kaagad ang aking bibig. Hindi na naman kumalma ang dila ko. Napalingon sa akin si Sir Edrick dahil sa nasabi ko. Bigla akong nailang dahil tiningnan niya ako mula ulo ko hanggang sa aking mga paa. Naglakad siya palapit sa akin. "Ano yung tuba na sinasabi mo?" nagpaikot-ikot sa akin si Sir Edrick. Kinuha ko kaagad ang bag ko na may laman na galon ng tuba at inilabas iyon. Ibinigay ko sa kaniya. Muntik pa nga mahulog dahil hindi niya inaasahan na ibibigay ko iyon sa kaniya. "A-ano 'to?" takang taka na tanong ni Sir Edrick. "Iyan ang tuba Sir Edrick. Matamis 'yan, mas masarap pa sa imported na alak 'yan. Tikman niyo baka makalimutan niyong maid niyo lang ako." ngumiti ako ng pagkatamis-tamis habang nag-twinkle naman ang aking mga mata. "Ang sabi mo, ninakaw mo 'to? Bakit gusto mong patikman sa akin?" Ibinalik niya sa akin ang tuba. Pero ibinalik ko ulit sa kaniya. "Tikman niyo lang Sir kahit isang baso lang." pamimilit ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD