THIRD PERSON POV: TUMULOY si Dwight sa bahay nila Anastasia. Ilang araw na rin kasi silang hindi nagkikita dahil sa kakabuntot ni Adeline dito. Hindi tuloy siya makapuslit na sunod nang sunod ang dalaga sa kanya para madalaw ang kasintahan. Pagdating nito sa bahay ay tumuloy na siya sa silid ni Anastasia. Wala kasi ang mag-asawa na namamahala ng kanilang sariling negosyo kaya tanging si Anastasia, mga katulong at guard ang naiwan ng bahay. Nakikilala naman na siya ng mga guard at maid kaya ikinagagalak nila itong pinatuloy. Nasasabik itong umakyat ng silid ni Anastasia sa ikalawang palapag ng bahay dala ang chocolate cake at isang bouquet ng red roses na pasalubong nito sa kasintahan. Maingat nitong pinihit ang pinto na napangiting mabungaran ang dalagang kay sarap ng tulog sa gitna ng