Kabanata 4

1594 Words
"Nasa Virgin City tayo, anak. Halos katabi lang nito ang lungsod na pinagtirahan natin. Hindi ko alam kung bakit ganiyan. Pero hindi naman yata importante ang pangalan ng lugar, tama ba, Freya?" Hindi niya nagawang ibuka ang kaniyang bibig ng mga oras na iyon. Virgin City? Wait, did she hear it right? Bakit ganoon ang pangalan ng lugar na ito? Virgin City talaga? Nage-exist pala ang ganitong klase ng lugar. It's really weird. Hindi niya alam kung matatawa ba siya na ewan. "Tama ka po, papa," tatango-tango niyang sagot. "Sige na, aalis na kami." Nang tumango siya, lumabas na rin ito sa kuwarto niya. Ang weird lang ng pangalan. Kaya naman kaagad niyang kinuha ang kaniyang laptop sa bag na nasa kama. Umupo siya sa kama at binuklat ang laptop. Kailangan niyang mag-reasearch tungkol sa Virgin City dahil hindi yata siya mapapalagay. T-in-ype na niya ang 'Virgin City' sa search box at pinindot ang enter. A few seconds later, may ilang artikulong lumabas pero mas pinindot niya ang pinakang-una. 'Virgin City is located in Laguna. This is a new city in Laguna that was built in 2007. Based on the 2015 census, Virgin City has a population of 100,673 people. Virgin City in Laguna is known as a city with low crimes. It is also known as the residence of the Ferrers who now govern the city. The mayor of Virgin City is Nico Ferrer, the son of late former Virgin City mayor Noel Ferrer. It is also called the safest city of Laguna.' Iyan ang nabasa ni Freya. Wow! Marami na pala ang populasyon sa lungsod na ito. At low crimes? Mukhang hindi na niya nanaiisin pang umalis dito dahil sa pinag-alisan nila, malimit ang away o mga p*****n. At dito pala nakatira ang mga Ferrer na siyang namamahala ng Virgin City. At safest city pa. Hindi na nga niya nanaiisin pang umalis dito. She will stay here until her last breath. Hindi nila kailangang makinig sa matanda kanina, baka OA lang iyon. Paano sila nabalaang mag-ingat, e sabi nga sa article na nabasa niya ay pinakang-safe na lungsod ito sa Laguna. She was just kidding at hindi nila kailangang maniwala sa kasinungalingan ng matanda. Tiniklop niya ang kaniyang laptop at may ngiti sa labing humiga sa kama. Masaya lang siya dahil nasa tamang lugar na sila. "SEÑORITO NICHOLAS! SEÑORITO Nicholas!" Naalimpungatan si Nicholas nang marinig iyon. Isama pa ang pagkalampag nito ng pinto. Naiinis niyang iminulat ang mga mata at binalingan ang pinto. "Señorito, Nicholas, pinapatawag ka ni Senyor sa kaniyang opisina." Si Layla iyon. Imbes na sumagot, inaantok siyang umalis sa kama. Boxer lang ang mayroon siya ngayon kaya naman kinuha niya kaniyang t-shirt sa kama at sinuot iyon, sinunod niya rin ang kaniyang pantalon. Kapagkuwan ay nagtungo siya sa banyo at hinugasan ang kamay na may namuong mga dugo. Bigla niyang naalala iyong nangyari kagabi. He saved the woman from that three bastards. Nang maihatid nila ni Elijah, nagpahatid na siya pauwi rito dahil nakaramdam siya ng pagod. At natulog siya na hindi man lang naglilinis ng sarili kaya naman namuo na ang dugo sa kaniyang kamaong ipinangsuntok niya sa salamin kahapon. May dugo rin ang kumot at bed sheet niya. Ipapalinis na lang niya iyon sa kasambahay. Medyo mahapdi ang pakiramdam niya pero hindi iyon alintana sa kaniya. Matapos maghugas ng kamay, tinuyo niya iyon gamit ang tuwalya. Nakita niya sa kamao niya ang ilang sugat. Nang makuntento, lumabas na siya sa banyo at nilakad na ang direksyon ng pinto. "Señorito Nich—" "I'm here, Layla. You don't need to shout." He then opened the door. He saw Layla standing in front of her. At hindi niya mapigilang makita ang mukha nito. Mukhang natatakot ito na hindi niya mawari. "Are you scared?" tanong niya. "Señorito Nicholas, g-galit na galit si Senyor Nico sa iyo. P-Pumunta ka raw sa opisina niya ngayon din." "Okay, pupunta na ako. You don't need to be scared, hindi naman ikaw ang mapapagalitan." "Pero baka muling gawin niya ang ginawa niya sa iyo dat—" He immediately cut her off. "Sanay na naman ako, Layla. You may go. Nga pala, ipakuha mo sa mga kasambahay ang kumot at bed sheet ko, sabihin no rin na palitan ng bago. My sheets have stains." "Mag-ingat ka, Señorito Nicholas." Tinanguan lang niya ito kaya naman umalis na ito. Samantalang siya'y nagpakawala ng hangin sa bibig. Hindi na siya magtataka kung bakit siya pinapapunta ng daddy niya sa opisina nito. Marahil ay gawa noong nangyari kagabi. Marahil ay baka may nabuhay sa tatlo. Hindi lang siya basta papagalitan, may parusa rin siyang minsan na niyang naranasan. Bahagya siyang nakaramdam ng takot pero hindi niyon tinalo ang pagpunta niya sa daddy niya. Kaya naman lumabas na siya sa kaniyang kuwarto at dinako ang direksyon ng opisina ng daddy niya. Nasa ikalawang palapag din ang opisina nito at hindi na niya kailangang maglakad nang malayo. Nang makarating, abot langit ang kabang binuksan niya ang pinto. At mula sa loob, may nakita siyang limang tao. Ang daddy niya habang prenteng nakaupo sa swivel chair nito at ang apat na lalaki. Pero hindi niya makita ang hitsura ng isa dahil nakayuko ito habang may taklob ang buong katawan. Pero sigurado siyang lalaki ito. Lumunok siya at pumasok na sa loob. "Dad—" "Close the door!" madiing saad ng daddy niya. He did what he said. He closed the door and faced at him. Tumalim na ang tingin ng daddy niya sa kaniya. Imbes na katakutan iyon, nilapitan niya pa ito. Tumigil siya sa harap nito at pekeng ngumiti. "Pinatawag mo ako. Why, dad?" Tumayo ito— lalong tumalim ang tingin sa kaniya. "Huwag na huwag mo akong tawaging dad ngayon. Dahil ngayon, hindi muna kita anak." "Okay," tatango-tango niyang tugon. "Anong ginawa mo kagabi?" tanong nito at pinagkrus ang mga braso. Kalaunan ay tiningnan nito ang tatlong lalaking may hawak na mga baril. "Palibutan at tutukan niyo siya!" utos pa nito sa mga ito. Kaagad naman sumunod ang tatlo. Pinalibutan siya ng tatlo habang nakaangat ang mga kamay na may hawak na baril. Tag-isa sa kaniyang tagiliran at isa sa kaniyang likuran. Hindi man lang siya nakaramdam ng takot ng mga oras na iyon. Bakit naman siya matatakot? It's just nothing for him. "I saved a woman..." nakangiti niyang sabi saka nagpakawala ng hangin sa bibig. "I saved her from that three bastards." "Ganoon?" Nangingiting tumango ito. "Then why did you do that?" Muling tumalim ang tingin nito at hawak na ang baril na nasa baywang nito. "Why did you do that?" bulyaw nito. "Because the woman is in dange—" "Shut up, Nicholas! Huwag mo akong asarin!" "Because the woman doesn't deserve that. You already know that, dad." "Are you deaf, Nicholas?! I said, stop calling me that! Then who the hell allowed you to save the woman, huh? Did I allow you? No, I didn't do that! Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na huwag na huwag kang gagawa ng kung ano! Let them be! Pero nangialam ka na naman! Ang kulit-kulit mo, Nicholas! That's the rule in Virgin City! You killed one person!" Ngumiti siya— nang-aasar na tumingin dito. "Isa lang? I thought I killed three people. Sayang naman, pinaglalamayan na sana ang katulad nilang masasama." "That's right, you only killed one person. Masyado kang tanga, Nicholas! Ginawa mo na nga iyon, nag-iwan ka pa ng magsasabi sa akin. Iyong totoo, ginagamit mo ba ang ut—" "My brain is working, yours is not! Dahil sa putanginang rule na iyan, marami ang napapatay. Tapos sinabi pang safest city ang lugar na ito? Come on, dad! Akala mo yata ay hindi ko alam na nagbabayad lang kayo makagawa lang ng fake articles about this hell city! Matagal ko nang alam iyon!" "You better shut up your mouth, Nicholas!" Kinuha nito ang baril na nasa baywang at hinarap ang lalaking may taklob ang katawan. "Ikaw, buksan mo ang taklob sa katawan mo at ipakita mo sa gagong ito ang ginawa niya sa iyo!" sigaw nito saka sandaling tiningnan siya at ibinalik din kalaunan ang tingin sa lalaking may taklob ang katawan. Nakamasid lang si Nicholas doon. Hanggang sa unti-unti nang tinanggal nito ang taklob sa katawan. Nang matanggal, napalumod siya ng laway. Sunog na sunog ang mukha nito, isama pa ang mga braso nito. Ito yata iyong nasa kotseng pinasabog niya. He's lucky because he survived. Baka iyong isang namatay ay iyong lalaking sinaksak niya sa leeg. Iyong isa naman, nabaril niya lang sa tiyan kaya posible pa itong mabuhay. "See, Nicholas! See what you've do—" "He deserved that. Mabuti nga't nabuhay pa siya," natatawa niyang sabi saka nang-aasar na tiningnan ang dad niya. Kung makikita niya lang ang loob ng katawan nito, baka bumubula na ang dugo nito. Namumula na rin ito. Lumapit ito sa kaniya at itinutok sa noo niya ang baril. "Gusto kitang patayin pero hindi ko magawa!" nakatiim nitong sabi. "Hindi mo magawa? Are you sure? Bakit hindi mo pindutin ang gatilyo ng baril mo, huh? Are you scared? Why, dad? Baka multuhin kita?" "f**k you, Nicholas! Gago ka!" Nagwala ito na hindi man lang siya dinadali. Tinaob nito ang lamesa at pinagbabaril ang mga vase sa loob. Hanggang sa dumako ang baril nito sa lalaking sunog ang katawan. Nanlaki pa ang mga mata niyon pero wala na itong nagawa, his dad shot him. Natumba ito. Kapagkuwan ay binalingan nito ang mga tauhang nakapalibot pa rin sa kaniya. "Dalhin niyo siya sa Torture Room, ikadena niyo!" madiing utos nito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD