"Mahal din kita daniel... Mahal na mahal" Hinapit siya ni daniel at walang sabi sabi na hinalikan muli ang labi niya. Hindi niya akalain na ganito kabilis ang lahat. Kung gaano kadali kang saktan ng isang salita. Ganoon din kadali mapawi ang lahat ng sakit dahil sa isang salita din... Sa salita na mahal kita... Pinapangarap niya lang na marinig iyon kay daniel tapos ito na.. Nagkakatotoo na .. Naririnig na niya Pakiramdam niya naglaho lahat ng sakit na nararamdaman niya kanina. Parang hindi bumaon sa dibdib niya ang mga matatalim na binitawan nito sa kanya dahil ngayon wala siyang maramdaman kundi saya. Saya na si daniel lang ang nakakapagbigay sa kanya... Pagmamahal lang na si daniel ang tanging nakakapagparamdam sa kanya. Para siyang lumulutang... Para siyang nanaginip.. At