Episode 5

1948 Words
Isang linggo na ang lumpisa mula ng nong Rumaket silang magkakaibigan sa G's Bar. Isang linggo rin sila hindi pa nagkikita kita ng mga barkada nila dahil wala naman kasi daw sila Raket. kaya nalaan ang weekend nila sa kani kanilang pamilya. Nag kukumustahan naman sila may Group Chat sila sa messenger at pag walang Raket don nalang sila nagkakamustahan na mag babarkada. Nakatayo si Ell sa harap ng salamin habang sinusuklay nito ang makapal at sobrang itim nyang buhok na hanggang bewang nya. Minsan lang nya nilalabas ang buhok nya dahil tinatago nya ito sa suot na sumbrero nya. At tinatali ng mahigpit para siguradong hindi ito babagsak. Napaka Ganda ng buhok nya dahil kahit gaano nya ito itali ng mahigip at ipulopot ng mahigpit sa pagtatali ay hindi man lang ito nakukulot at unat na unat parin. Daig pa nga nya yung mga nag cocomercial ng Mga ibat ibang shampoo sa ganda nga buhok nya. Pag nasa trabaho sya ay naka sumbrero lang sya hilig nya yung style ng sumbrero na nasa likod ng ulo nya ang harap ng sumbrero. Pag nasa Raket naman kasi sya ay gumagamit sya ng Wig na panglalaki talaga kaya feel na feel nya talaga na lalaki sya pag naka wig sya. Pero tinatago lang nya ang kanyang wig dahil ayaw ng lola nya na nag gaganon sya. Minsan na nga sya nagpaalam sa lola nya na gusto nya magpa iksi ng buhok tulad ng gupit ng lalaki pero nagalit sa kanya ang lola nya. Kaya naman dina nya pinag pilitan ang gusto nya. Sabi pa nga ng Lola Bea nya ay wala naman daw problema sa lola nya kung kilos lalaki sya o bihis lalaki basta daw wag lang sya magpa gupit ng pang lalaki. Actually di naman sobrang bihis lalaki sya lagi nyang suot na style ay maong pants na kulay black at T'shirt na di naman sobrang laki at dirin naman fit sa katawan nya. Dahil pagnagkaton na fit sa katawan nya ang shirt nya baka makita ng iba kung gaano kaganda ang wist ng kanyang bewang. Yung sumbrero nya apat lang ang kulay black/white/gray/and maroon. Ganon din ang kulay ng robber shoes nya. Hanggang sa t_shirt at pants ganon din. Hindi sya mahilig sa sobrang makukulay ang like Pink Blue Violate green at iba pang makukulay. "Apo kanina kapa jn sa salamin! Ano bang iniisip mo? At parang dika matatapos tapos sa pag ayos sa buhok mo?"...tanong sa kanya ng lola nya. "Wala naman lola"...sagot nya sabay suot nya sa sumbrero nya patalikod at lumapit sya sa lola nya na nasa mahabang upuan na gawa sa kawayan. "Lola nakikita nyo paba yang tinatahi nyo?"...Tanong nya sa kanyang lola dahil may tinatahi ito na punda ng unan. "oo apo nakikita ko naman kahit papaano dahil may salamin naman ako na suot"... sagot ng lola nya na abala sa pagtatahi. "Wala ba kayong lakad ng mga kaibigan mo ngayon apo?"...tanong ng lola nya, "wala naman po La" "aba at himala di kayo nagkikita kita? dati rati kahit wala kayong raket nandon na kayo sa sa taas ng tenement na ito"... wika ng lola nya na ang tinutukoy nito ay rooftop ng tenement kung saan ang tambayan nilang magkakaibigan, "Busy po sila lola sa kani kanilang pamilya nagpag usapan naman namin na ilaan mona ang araw na ito sa bahay kasama ang pamilya"...wika nya sabay yakap ni Ell sa kanyang Lola. "Lola labas tayo punta tayo ng park"...pagyayaya nya sa kanyang lola, meron kasing malapit lapit na park dito sa tenement na tinutuloyan nila na pwde naman lakarin dahil nasa labas lang naman yun buoang tenement, Tumingin sa kanya ang lola nya at ngumiti ito sa kanya, "Sige Apo para may bonding naman tayo"...masayang wika ng lola nya, "kaya nga poh lalo sulitin natin ang araw na ito dahil sa susunod na linggo mukhang may raket kami uli"...wika na ell sa lola nya. Masayang namasyal sa park si Ell at ang kanyang lola tuwang tuwa sila mag lola dahil nagkaroon sila nga oras para makapag bonding. dinala rin nya ang lola nya sa restaurant malapit din sa park na yun minsan lang sila makalabas ng lola nya kaya nilubos na nya pinakain nya ng masasarap na pagkain ang lola nya dahil minsan lang naman ito makakain ng masasarap lalo pa kung karne dahil di nya hinayaan ito na kumain ng ganon dahil matanda narin kaya sa bahay nila gulay at prutas lang ang marami para sa kanyang lola. Mabuti na nga lang dahil kahit matanda na ang kanyang lola ay wala itong sakit kaya kampante sya kahit papaano pero ganon paman ay pinapainom nya ito ng vitamins araw araw.. Palabas na sana sila ng Restaurant ng may maka salubong sila ng lola nya... Namukhan nya agad ang babaeng naka kulay pula na dress pero this time dina naka one shoulder. Bagay sa kanya ang suot nitong dress na pula na hanggang tuhod. Umiwas sya ng tingin dito para di sya lapitan baka kasi makilala sya pero dipa man sila nakakalayo masyado sa restaurant at may humawak na sa kanyang braso. "Ell?"...Wika ng humawak sa kanyang braso. No choice na sya kaya inangat nya ang mukha nya na pilit nya tinatago sa pagkayuko. At ngumiti sya dito ng pilit. "Ikaw nga"...wika nito at sabay Yakap sa kanya nagulat nalang sya sa ginawa nito, Yakap yakap sya ng babae samantalang sya ay diman lang nya tinugon ang yakap nito, yung isang kamay kasi nya ay nasa kamay ng lola nya. Inangat nya ang isang kamay nya para tapikin sa balikat si Daniela dahil ang higpit ng pagkaka yakap nito sa kanya "Excuse me po ma'am Hindi ako makahinga"... sabi nya kay Daniela dahil mukhang ayaw pa sya bitawan sa pagkaka yakap. "Oh Sorry hindi kolang inaasahan na makikita kita dito sa Restaurant ng friend ko"....wika nito, "I hope you still Remember me?"...Tanong sa kanya ni Daniela. "Yes ma'am Daniela naalala ko poh kayo"... sagot nya dito. "Greet! So sino yung kasama mo ell?"...Tanong nito at tumingin sa kanyang lola ng may matamis na ngiti. Ang lola naman nya at palipat lipat ng tingin sa dalawa. "Ahh ito nga poh pala ang Lola Bea ko ma'am Daniela"... pakilala nya sa kanyang lola. "Ohh Hi lola Bea"...sabay lapit nito sa mukha ng kanyang lola para mag beso. Mayaman kasi si Daniela kaya baka di nya alam ang magmano nalang sa matanda kesa bomeso. Ganon kasi ang ibang mayayaman imbes na mano at beso nalang. "Magandang Hapon sayo hija"... bati ng lola nya kay Daniela. "Thank you Lola"...masayang wika ni Daniela kay lola bea, "Well mukhang Galing na kayo sa loob at nakakain na, Pagbaba kopa lang kasi sa kotse ko nakita kona kayo palabas. So saan ang punta nyo Ell?"...tanong ni Daniela sa kanya, "Ahh pauwi na poh kami ma'am Daniela"...wika ni Ell, "Ohh i see. Saan ba kayo nakatira"...tanong muli nito. "Jan lang sa may tenement Ma'm"...si Ell " Ohh the Santos Tenement?" "opo ma'am" (Hindi naman siguro kilala ni Daniela ang pamilya ni Sam. Baka alam nya lang talaga ang pangalan ng tenement nila. Yun kasi ang pangalan ng tenement kung saan sila nakatira ng lola nya at mga kaibigan nya 'SANTOS TENEMENT')... bulong ni ell sa kanyang sarili, "Can you please Dont Call me Ma'am! Just Call me Dany"...sabay smile nito ng matamis sa kanya. "Naku nakakahiya naman poh sa inyo ma'am"...wika ni Ell "No i want to be your friend so please dont Call me ma' am"...at hinawakan pa nito ang kamay nya. (Ano daw? Gusto nya makipag kaibigan sa akin tama ba yung rinig nya? Pero bakit? Siguro mabait lang talaga tong si Daniela at Friendly,)...bulog muli ni Ell sa kanyang sarili, "Sige poh ma'am este Dany"... wika nya at pinag bigyan nalang nya ang gusto ni Daniela dahil mukha naman itong mabait at palakaibigan. "Yeheyy"...masayang sabi naman nito na parang mabata na bingyan ng Candy sa tuwa. Sabay yakap na naman sa kanya ni Dany pero mabilis naman ito bumitaw sa kanya. "So pauwi na kayo ihahatid kona kayo ni Lola Bea"... wika ni Dany sabay tingin ng may ngiti sa kanya at sa lola nya. "Naku Dany wag na malapit lang naman"... wika ni ell. "ohh please ell i Insist"... wika ni Dany parang bata nakikiusap at humawak naman sa kamay nya. "Wag na Hija dahil malapit lang naman at para rin ma exercise ko itong mga tuhod ko"... wika ni lola bea kay Daniela. "So sad"...wila nito at ngumuso pa ito na parang lungkot na lungkot. "but nextime hindi kona kayo pag bibigyan ihahatid kona ko alright?" "Sige Dany walang prolema"... wika nalang ni Ell para hindi mag lungkot lungkotan pa ito. "Its good to hear that Ell thanks"...wika nito at yumakap na naman sa kanya. (Ang hilig nitong mang yakap ni Dany nakakarami na itong yakap skin ahh.)...bulong pa nya muli sa sarilinya, "So Dahil mag kaibigan na tayo ell Can i get your Number?"...Tanong nito sa kanya. (huh? bakit pati number ko gusto pa nya makuha?)...bulong pa nya sa kanyan sarili, " ahhh____"... hindi pa nakakasagot si Ell dahil hinablot na ni Daniela ang Cellphone nya sa may bulsa ng pants nya medjo naka dungaw kasi ang Cellphone nya kaya nakita yun agad ni Daniela. At walang pakundangan na Diniel nito ang mismong number nya. "I'm sorry Ell tagal mo kasi parang ayaw mopa ibigay"... malungkot na sabi nito. "So i have your number thank you"...wika nito sabay ngiti pa nito ng matamis kay Ell. "You know what Ell dalawang beses ako bumalik sa G's Bar pero wala ka. Kaya tinanong kita sa manager don ang sabi ay Partime kalang pala doon?"...tanong nito sa kanya. "ahh oo Dany rumaket lang kami don. Pero don nag tatrabaho yung dalawang kaibigan ko bilang Bartender kaya din kami naka Raket don malakas daw kasi sa manager yung mga kaibigan ko don".. Wika ni ell "ohh si Jass And Jay right"?...Tanong nito sa kanya. "oo Dany sila nga. "Oo sila nga"...sagot ni ell, "Ang Gwapo din nong dalawa na yun"... wika ni ni Dany. Napa ngiti nalang si Ell sa sinabi nito na gwapo daw ang mga kaibigan nya. Sabagay totoo naman kasi na mga gwapo ang apat nyang kaibigan. "pero you know what mas gwapo ka and Cute"... wika ni Dany kay ell sabay kurot sa pingi nya na parang nanggigil lang. Napataas ang ang dalawang kilay ni Ell at gulat sya sa sinabi ni Dany. (Hihihi tama ka naman jn Dany kung totoong lalaki lang sana ako baka mas gwapo pa ako sa apat na mukang na yun.)...Bulong nya sa kanyang isip sabay kamot sa kanyang kilay. "Thank you Dany! Sya mauna na kami ni lola ha"...pagpapaalam ni Ell kay Dany dahil mukhang wala pa itong balak na umalis at magpaalam kaya inunahan nalang nya dahil kanina pa sila nakatayo buti sana kung wala ang lola nya baka mangalay pa nag lola nya. "Sige Ell i call you kung may alam akong Raket for you and dont worry dahil for sure marami Just wait my call Baby Ell okey"... (Whaa ano daw baby? Baby Ell?)...takang Bulong ni Ell sa sarili nya, "Salamat Dany ingat ka huh"wika ni Ell. "Okay kayo din Lola Bea ingat"... sabi ni Daniela at hinalikan pa sya nito sa mag gilid ng labi nya muntik pa nga sa may labi nya ang halik nito. Buti nalang at sa gilid lang ng kanyang labi dahil kung nagtaon sa lips nya baka nakuha ni Daniela ang First kiss nya. Nilalaan paman din nya yung sa Crush nya na si Nica. Bigla tuloy nya namiss ang Kababata nya. "Sige Bye Dany"...Pagpapaalam ni ell kay Daniela at naglakad na sila ng lola nya palayo kay Daniela.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD