Episode 6

1319 Words
"Apo Hija Saan moba nakilala si Daniela?"...tanong sa kanya ng kanyang lola. nasa kwarto sila ngayon at naghahanda na sila sa pag tulog 9pm na ng gabi maaga sila magpapahinga dahil may Pasok pa sya bukas at ayaw rin nyang nagpupuyat ang lola nya. mahaba habang byahe na naman sya. 8am ng umaga pasok nya hanggang 8pm nman ng Gabi. kung saan Taxi Driver sya sa pag mamay ari ng pamilya ni Sam. ang SANTOS TAXI DRIVING COMPANY. "Bakit nyo poh na itanong lola?"...balik tanong nya sa kanya lola. habang naka upo sya sa kanyang kama at ang lola naman nya ang nakahiga patagilid at tinitignan sya. iisa lang kasi ang kwarto ng tinituloyan nila ng lola nya kasi at dalawa na sila ng lola nya sa isang kwarto na yun. may dalawa naman na kama tig isa sa kanila ng kanyang lola. di man kalakihan na kama ay sapat naman sa isang tao lang.magkatapat lang ang kama nila ng kanyang lola sa may paanan ng kama nya ay may maliit aparador para sa mga gamit nila ng kanyang lola. at sa may paanan naman ng kama ng kanyang lola ay pinto palabas deretso sa salah. at sa gitna naman ng kama nila sa may ulunan ay ay mahabang salamin at maliit na tabe sa harap kung saan nakalagay naman ang gamit sa katawan like Lotion. "iba kasi ang pakiramdam ko sa batang yun apo. kung lalaki kalang ehh baka isipin ko kanina na may gusto sayo ang batang yun at_____"...hinid na natuloy ng lola nya ang sasabihin nito sa kanya dahil bigla nalang sya naubo sa sinabi ng kanyang lola. "ohh apo ayos ka lang ba?"...tanong ng lola nya sa kanya at napa bangon pa ito at napa upo sa kama. pupuntahan na sya dapat ng kanyang lola pero mabilis nya itong nilapitan para hindi na ito tumayo. pagka lapit nya ay tumabi sya sa kanyang lola. "Okay ka lang ba?"... tanong uli ng lola nya sknya. "opo La okay lang poh ako bigla lang kumati ang lalamunan ko sa sinabi nyo tungkol kay Dany"... wika nya sa kanyang lola. "Totoo naman kasi apo napapanisn ko kanina panay pacute pa sayo naka ilang hawak nga sa kamay mo kahit di naman na dapat hawakan eh naka ilang yakap din kung hindi mopa nga sya tinapik sa balikat nya nong unag yakap nya sayo mukhang wala pang balak bumitaw sayo"... naubo na naman sya sa mahabang sinabi ng lola nya di nya inaakala na pati pala ang lola nya ay napansin yun. hindi naman sa assuming sya pero kahit sya mismo naiisip din ang naiisip ng lola nya.. "Lola wag nyo na nga masyadong isipin yun baka friendly at sweet lang talaga syang tao"...wika nya sa kanyang lola. "Eh saan mo nga ba sya nakilala at kailan apo?"... "nong nakaraan linggo lang lola. nakilala ko sya G's Bar kung saan nag tatrabaho si Jay at Jass poh"...sagot nya sa tanong ng kanyang lola. "Bago lang pala pero ganon na sya kalapit sayo. baka nga palakaibigan lang ang batang yun mukha naman kasi syang mabait"...wika ng kanyang lola kaya naka hinga sya ng maluwag sa sinabi nito na baka friendly lang talaga si Daniela. hinimas ng lola nya ang kanyang buhok at nilagay sa may likod ng tinga nya ang kunting hibla ng buhok na naka harang sa pisngi nya. pag ganito kasing nasa loob lang sya ng bahay lalo't patulog na ay nakalugay sya ng buhok o dikaya naman ay nakatali ng mataas ang kanyang buhok. "Apo ang ganda ganda mo talaga alam moba na sobrang kamukha mo ang iyong ina" bigla naman sya nalungkot sa sinabi ng kanyang lola. nalulungkot sya dahil diman lang nya nakita ang kanyang ina at nakasama kahit man lang sa sandali. kaya minsan di nya masisi ang kanyang ama kung bakit sya nito iniwan sa kanyang lola. "Lola sa tingin nyo poh asan poh kaya si papa? saan poh kaya sya nagpunta maayos lang kaya sya?"....sunod sunod na tanong nya sa kanyang lola nakita nyang nalungkot bigla ang lola nya sa kanyang tanong kaya namak nikayap nya nito. "Sorry lola kung nasaktan ko kayo sa tanong ko. sorry din poh kung ng dahil sa akin ay nahiwalay sa inyo ang nag iisang anak nyo poh"... malungkot na wika ni Ell sa sa kanyang lola, habang pinigilin lang nya wag umiyak dahil ayaw nyang nakikita sya ng lola nya na umiiyak. "Shhhhh wala kang kasalanan Ella apo umalis sya dahil yun ang gusto nya. nagawa nyang umalis at alam kong magagawa din nya bumalik alam naman nya kung saan tayo pupuntahan. pasasan ba at balang araw ay maiisip din nya na mali ang ginawa nyang iwan ka at sisihin sa pagkawala ng mama mo. naniniwala ako ako balang araw susulpot sya dito para humingi ng tawad sa mga pag kukulang nya sayo. pero apo wag mong isipin na masamang tao ang papa mo dahil ako na mismo ang nagsasabi sayo na mabuti syang tao. natakpan lang ang kabutihan ng puso nya sa nangyari sa mama mo. alam moba na walang ibang minahal ang papa mo kundi ang mama molang buong buhay nya imikot sa mama mo. kaya siguro nilamon sya nga lungkot nya sa pagkawala ng mama mo. at nabahiran ng galit ang lungkot na nararamdaman nya. naniniwala ako na pag oras mo ng mamatay ay wala ka ng magagawa dahil kahit tulog kapa kung oras moba talaga para kunin ni lord ay wala kana rin magagawa. nagkataon lang lang na ang pagka matay ng mama mo ay ang araw ng pag silang sayo. siguro ay kung di rin naman sya buntis sayo kung nong panahon na yun ay kukunin din talaga sya ni lord dahil hanngang don nalang talaga ang binigay ni lord na buhay para sa kanya"... mabang wika ng lola nya sa kanya. kaya kahit papaano ay gumaan ang loob nya. sobrang nagpapasalamat sya na ganito kabait ang kanyang lola. diman nya naramdam sa papa nya ang pagmamahal ay pinaramdam naman ng nanay ng papa nya kung gaano sya nito kamahal sapat na para di magtanim ng sama ng loob sa kanyang ama.dahil ang mga pagkukulang ng ama ay pinunuan naman ng sobrang pagmamahal ng ina nito. "Salamat lola nanjn ka palagi para sa akin"... wika ni ell at sabay kalas sa pagka yakap sa kanyang lola. di nya namalayan na habang nagsasalita pala ang lola nya ay bumuhos ang kanyang luha. "Tama na yan apo wag ka ng umiyak huh, alam mo naman na ayukong nakikita kang umiiyak at nasasaktan"... wika ng kanyang lola sa knya. "Pero apo ikaw ba ay kailan mag aasawa para naman maabotan kopa ang apo ko sa tuhod"... Kookk kookk kookk sunod sunod napa ubo sa ell sa tanong ng kanyang lola ang lungkot sa kanya kanina ay bigla nalang nawala sa tanong ng ka nyang lola. "Lola ano ba naman yan? asawa agad lola?"... yun nalang ang nasabi nya dahil ang totoo di nya alam pano sasagotin ang tanong ng kanyang lola. "oong pala apo bakit nga naman asawa agad ang naisip ko dapat pala ay boyfriend mona bago asawa" kookk kookk kookk ubo uli ni ell "apo ano ba yan at parang lumalala ang ubo mo?"...wika ng kanyang lola sabay hagod sa my likuran nya. (magkaka TB talaga ako lola pag ganyan ang mga tanong nyo masyadong Brutal)....aniya sa kanyang isip "Makati lang po lola ang lalamunan ko dahil siguro sa pag iyak ko ito"..pag dadahilan nya para dina magtanong ang lola nya ng kung ano ano. "Sige na lola matulog na tayo pupunta lang ako sa kusina para uminom natuyuan ata ako ng lalamunan dahil sa tanong nyo, esti dahil sa pag iyak ko lola"... pinahiga na nya ang kanyang lola at kinumotan. "Goodnight Lola sweet dream"...sabay halik nya sa noo ng kanyang lola. "good night din apo matulog kana rin pagka inom mo huh"...paalala sa kanya ng lola nya. "Opo la"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD