Chapter 39

2372 Words
SHANE'S POV Kasama ko si Sean Lewis na anak ni Manang Loida at nakaalalay ito sa akin habang nakasakay ako sa kabayong si Chili. Dahil wala si Jason at busy ito sa pagpapatakbo ng kompanya nila sa Maynila ay sinabi niya sa aking baka tatlong araw muna siyang mawawala. Naiintindihan ko naman ito dahil siya lang ang inaasahan nina Tito Jacob at Tita Paulina na magmamanage ng business nila maging pati na rin sa hacienda. Nag-iisang anak si Jason kaya siya lahat ang magmamana at magpapatakbo ng lahat ng ari-arian at business nila. Nang mapagod akong mangabayo ay inalalayan akong makababa ni Sean Lewis sa kabayong si Chili at pumwesto kami sa lilim ng puno. Pinagmamasdan namin ang mga trabahador sa hacienda na abala sa pagtatanim ng iba't-ibang klaseng gulay at prutas sa malawak na landfield ng hacienda. "Natapos ka na po ba sa klase mo sa online class, Ma'am Shane?" tanong ni Sean Lewis habang busy sa pagpapagpag ng pantalon niyang may mga kaunting balahibo ni Chili. "Yeah, I'm done. How about you?" nakangiting tanong ko. Sean Lewis was at my age. Inamin niya sa akin na may crush siya kay Ella but Ella didn't know that yet. I'm planning to do matchmaking at sigurado akong matutuwa itong si Sean Lewis kapag ginawa ko iyon kahit ubod siya ng pagkatorpe. "Tapos na rin. Mabuti at maaga ang online class namin kaya natapos ako ng 12 ng hapon. Natulungan ko pa si Itay na magtanim ng mga carrots at patatas kanina." sabi niya. "You're so helpful and very kind to your family, Sean Lewis. I admire you for that." sabi ko at bigla ay namula ang mukha niya. "S-Salamat, Ma'am Shane. Gusto ko rin kasing makatulong kina Inay at Itay sa mga gawain sa hacienda habang nag-aaral pa ako. Sinabi ko na sa'yong miracle baby ako, hindi ba? Kaya bilang kapalit ay magsisikap ako para mabigyan sila ng magandang buhay." nakangiti niyang sabi. "Tama 'yan, at kapag nangyari 'yon ay hindi ka na rin matotorpe at pwede mo nang maligawan si Ella." Sa sinabi ko ay lumungkot ang ekspresyon ng mukha niya. "Mukhang malabo na yatang mangyari 'yon, Ma'am Shane. Nakita kasi ni Ate Roselina si Ella sa bayan na may ka-date na ibang lalake. Wala akong pag-asa sa kanya." Napayuko si Sean Lewis kaya wala akong ibang nagawa kundi ang aluin siya. Sino naman kaya 'tong kadate ni Ella sa bayan? Bakit wala siyang nababanggit sa akin na may nanliligaw na pala sa kanya? Pare-pareho naman kaming naka online class kaya sino 'yung lalakeng kadate niya? Alam kaya ito ni Kuya Karl? "I need to talk to Ella about that. Hindi ako papayag na hindi kayo magkatuluyan sa huli, no! Sean Lewis and Ella shipper kaya ako!" natutuwa kong sabi para pagaanin ang loob ni Sean Lewis. Napangiti siya sa sinabi ko at kitang-kita na namumula na naman ang buong mukha niya. "Napakaswerte sa'yo ni Sir Jason. Simula nang dumating ka sa buhay niya ay nagbago na siya at hindi na kami sinusungitan. Para na rin niya kaming itinuturing na pamilya dahil nakikita niya na malapit ka sa mga trabahador at katiwala sa hacienda." he said. I smiled. I'm glad that Jason treat them already as his family because of me. Mababait ang mga nagtatrabaho at katiwala sa hacienda. They are very hard-working and kind person so we don't have a reason to treat them bad. Para ko na silang pamilya. "I'm glad to knew about that. I trust Jason and I like his honesty to me." sabi ko na biglang ikinatahimik ni Sean Lewis. "T-Tara na, Ma'am Shane. Iuuwi na kita sa mansyon at masyado nang tirik ang araw. Baka magalit pa sa 'kin si Inay kapag hindi kita naibalik sa Mansyon." sabi niya at inalalayan akong makatayo sa pagkakaupo namin sa lilim ng puno. Sumunod ako sa sinabi ni Sean Lewis at sumakay na ulit sa kabayong si Chili na nakatali sa puno. Habang nakasakay ako kay Chili at nakaalalay naman sa akin si Sean Lewis ay nadaanan namin ang mga farmer na busy sa pagtatanim. I greet and wave at them at ganoon rin ang ginawa nila. "Ingat po kayo, Ma'am!" sigaw ni Manong Esse habang nagtatanim ng carrots na may kalayuan sa pwesto namin. "Salamat po, Manong Esse!" sigaw ko pabalik. Nagthumbs-up siya sa akin at kinawayan ako. "May crush sa'yo 'yung mayabang na anak niyang si Gilbert." nakasimangot na sabi ni Sean Lewis habang patuloy siyang naglalakad at nakaalalay sa amin ni Chili. "Gilbert? 'Yung matangkad na lalakeng may hikaw sa kaliwang tainga na minsan ay tumutulong sa pagtatanim kay Manong Esse?" tanong ko. Tumango siya. "Pinagkakalat niya sa mga tropa niya na magiging girlfriend ka raw niya at maaagaw ka kay Sir Jason. Ang yabang, 'di ba? Feeling naman niya kaya niyang lampasuhin si Sir Jason pagdating sa'yo." Sa sinabi ni Sean Lewis ay hindi ko na mapigilang matawa. Napakaimposible na mangyari iyon knowing si Jason na super possessive at seloso. Kung nandito lang siya malamang ay pinagselosan niya na rin itong si Sean Lewis habang kasama ko. Bukod kasi kay Kuya Karl ay pinagseselosan ni Jason si Sean Lewis kaya kapag nandito si Jason sa hacienda ay hindi magawang makalapit sa akin ni Sean Lewis. Naiintindihan niya iyon at hanggang ngayon ay close pa rin kaming magkaibigan. Nang makarating kami sa mansyon at makababa sa kabayong si Chili sa tulong ni Sean Lewis ay nakita kong naglalakad papalapit sa akin si Manang Tess habang hawak ang telepono naming wireless. "Ma'am Shane, nasa kabilang linya po si Sir Jason. Gusto ka niyang makausap," sabi niya at inabot ang hawak niyang telepono na kinuha ko. Tumango sa akin si Sean Lewis at naglakad na papaalis. "Hello, baby?" sagot ko sa kabilang linya. [Baby, how are you? I miss you...] Malambing na sabi ni Jason. "I miss you too, kailan ka ba uuwi sa San Mariano?" tanong ko. [As I said, bago ako umalis kanina, baka 3 days pa siguro. There's so many plans and projects that I need to finish here in Manila. I'm so stressed right now but hearing your voice makes me calm.] he said. I can't help but smile. Kahit kailan talaga ay napakasweet ng lalakeng 'to. "I understand. Mag-iingat ka diyan, ah? Pasalubong rin na Jollibee kapag umuwi ka." nakangiti kong sabi. Ewan ko ba, simula nung matikman ko ang Jollibee noon nang minsan akong pinasalubungan ni Jason ng pagkaing iyon pagkauwi niya galing sa Maynila ay nagustuhan ko na iyon. Wala kasing Jollibee dito sa probinsya at sa Metro Manila lang mayroon kaya sobrang saya ko kapag may pasalubong na Jollibee si Jason. I can feel that Jollibee was so special in my heart sa hindi ko malamang dahilan. [I know. Kahit hindi mo pa banggitin 'yan ay talagang may pasalubong ako sa'yong favorite mo. Basta behave ka lang dyan, ah? Umiwas ka rin sa mga lalake kahit pa si Karl 'yan o 'yung anak ni Manang Loida.] seryoso niyang sabi na ikinailing ko. "Oo na po, baby." I pouted and heard he chuckled on the other line. [Okay. I need to proceed to my next meeting. Ipapasyal kita sa labas ng San Mariano pag-uwi ko dyan.] Sa sinabi ni Jason ay hindi ko mapigilang magtatalon sa tuwa. Nakita ko pang natawa si Manang Tess sa akin dahil sa ginawa ko. "Really? I'm so excited na umuwi ka na, baby!" [Don't forget what I said, okay? Magbehave ka dyan habang wala pa ako.] "Okay! Sige na, ibababa ko na 'tong telepono. Just finish your meeting, baby." [Alright, I love you, baby. Bye," "Bye rin. Take care!" Nang maputol ang tawag namin ni Jason ay inabot ko kay Manang Tess ang telepono habang nakangiti. "Manang Tess, pagkauwi daw ni Jason sa San Mariano ay ipapasyal niya na ako sa labas ng hacienda." excited kong sabi. "Talaga, Ma'am? Maganda ho 'yan para naman makapaglibot rin kayo sa magagandang tanawin ng probinsya natin. Kailangan masilayan ng ibang tao 'yang magandang mukha ninyo. Sayang naman kung hindi mae-expose." pagbibiro niya na ikinatawa ko. "I'm so excited na po talaga!" "Mahal na mahal ka talaga ni Sir Jason, Ma'am Shane at gagawin niya ang lahat para sa'yo kaya kung may hindi man siya magandang nagawa ay sana mapatawad mo siya kaagad." Biglang sumeryoso ang mukha ni Manang Tess at magsasalita na sana ako nang kaagad na siyang naglakad papaalis. Bakit parang naging weird na ang mga tao ngayon? I shook my head at pumasok na sa mansyon. Kailangan ko nang maligo dahil pawisan na ako at may mga balahibo na rin na dumikit sa suot kong dress dahil sa pagsakay ko kay Chili. THIRD PERSON'S POV Hindi makapaniwala si Jace nang makita niya ang dating kaibigan na umagaw ng minahal niya noong babae na si Pamela. Walang ekspresyon ang mababakas sa mukha ni Kendrick nang umupo ito sa bakanteng upuan kung saan ay magmemeeting sila kasama ang iba pang mga board of directors tungkol sa ipapatayo nilang building na kalapit na lugar sa San Mariano na San Isidro. Mas siyudad at mas moderno ang lugar na iyon kumpara sa San Mariano na isang probinsya at hindi alam ni Jace na si Kendrick ang nagbabalak na magpatayo ng building roon sa tulong ng kompanya niya. "Kendrick?" biglang napaangat ang tingin ni Kendrick nang marinig na tinawag ni Jace ang pangalan niya. Sa klase ng mga tingin ni Kendrick kay Jace ay biglang nakaramdam ng takot ang binata. May alam kaya ito sa ginawa niya? Pero imposible iyon dahil sinigurado niyang walang ibang makakaalam at itinago niya ng may pag-iingat si Shane na ngayon ay nobya na niya. Hindi pwedeng malaman ni Kendrick na inagaw nito sa kanya ang babaeng pinakamamahal. Napamahal na siya kay Shane na ang totoong katauhan ay si Hyacinth De Silva. Hindi siya makakapayag na makuha pa ito ng ibang lalake sa kanya. Inaangkin niya si Shane at ito na ang babaeng balak niyang pakasalan at bigyan ng mga anak. "Let's start the meeting, Mr. Salvador." Doon lang umimik si Kendrick nang dumating ang iba pang mga kliyente dahil sa gagawin nilang discussion tungkol sa project sa San Isidro. Nag-umpisa na ang meeting nila at hindi mapigilan ni Jace na hindi kabahan dahil sa pagiging tahimik at walang emosyon ni Kendrick habang nakikinig ito sa sinasabi niya. Nakatutok lang ito sa kanya na para bang may ginawa siyang masama o pakiramdam niya lang iyon dahil sa pag-angkin niya sa nobya nito? Makalipas nang mahigit dalawang oras ay natapos na ang meeting nila. Nagsialisan na ang mga kliyente sa opisina niya pero si Kendrick ay nanatili pa ring nakaupo sa pwesto nito habang nakatitig ng malalim. "Do you have anything else to say, Mr. Natividad?" pormal na tanong ni Jace kay Kendrick. Umiling si Kendrick at tumayo na sa pwesto niya. "Let's go to San Isidro next week. I don't want to waste my time." sabi nito ng seryoso. "Okay." sabi ni Jace para umalis na ito at hindi na magtanong. Nang makaalis na si Kendrick ay doon lang nakahinga nang maluwag si Jace. Muli itong umupo sa swivel chair at hinilot ang sentido. Mabuti at sa San Isidro balak ipatayo ang bagong building na nais ni Kendrick para sa expansion ng business nito at hindi sa San Mariano. Hindi nito pwedeng makita si Shane at malaman na doon niya itinatago ang dalaga. Siguradong patuloy pa rin na hinahanap ni Kendrick si Shane sa nakalipas na dalawang taon pero hindi niya hahayaang tuluyan itong mahanap ni Kendrick at agawin mula sa kanya. Kailangan na niyang ilayo ang dalaga at dalhin nalang ito sa ibang bansa at doon sila manirahan. "Naging sa'yo si Shane noon pero akin na siya ngayon!" gigil na sabi ni Jace at hindi napigilang hampasin ng malakas ang lamesa. Pagkalabas ni Kendrick sa building ng kompanya nila Jace ay sumakay siya sa loob ng kotse niya at pinaandar ito. Hindi niya maintindihan pero may nararamdaman siyang kakaiba kay Jace nang makaharap niya ito pero hindi niya maipaliwanag kung ano iyon. Inis niyang ginulo ang kanyang buhok at tinuon ang atensyon sa daan para makauwi na siya sa condo unit niya at doon ay lulunurin ulit ang sarili sa alak para mapawi man lang ang lungkot at sakit na nararamdaman niya sa nakalipas na dalawang taon. Pagkarating ni Kendrick sa condo unit niya ay kaagad siyang kumuha ng beer sa loob ng ref at tinungga ito pagkaupo sa sofa. Punong-puno ng mga basyo ng alak, upos ng sigarilyo, basag na appliances, mga kalat sa fast food restaurant at kung anu-ano ang loob ng condo unit niya. Kakalinis lang kahapon nina Kenneth at Allison sa condo unit niya pero magulo at marumi na naman ito nang dahil sa kanya. Sa loob ng dalawang taon ay hindi tumigil sa paghahanap si Kendrick kay Haya. Nagbayad na siya ng malalaking halaga sa mga Private investigators niya pero bigo pa rin ang mga ito na mahanap ang nobya niya. Halos mabaliw na siya sa paghahanap kay Haya at mula nang mawala ito ay hindi na siya makatulog ng maayos at palagi niyang napapanaginipan ito. Hindi pa naging maganda ang huling pagkikita nila dahil nagalit ito sa kanya nang makita siyang hinahalikan ni Lana. Hindi siya naniniwalang patay na ito. Alam ng puso niya na buhay pa ito at hinihintay lang siya. Wala siyang ideya kung bakit bigla nalang nawala ito at napatunayan niyang hindi ito kinuha ni Duke sa kanya na una niyang pinagdudahan simula nang mawala si Haya. "Little girl, magpakita ka na sa 'kin, please? Hirap na hirap na 'ko dito..." nasasaktang saad ni Kendrick at hindi na niya napigilang umiyak. Kapag nasa labas siya at kaharap ang maraming tao ay ipinapakita niyang malakas siya at matigas ang puso niya pero kapag siya nalang ang mag-isa ay doon na siya nagiging mahina at umiiyak nang dahil sa pangungulila sa babaeng pinakamamahal niya. Si Haya lang ang kayang makagawa sa kanya nang ganito. Wala siyang ibang iniyakang tao kundi si Haya lang. "I will find you soon, little girl and after I find you, I promise that I will marry you." Huling sabi ni Kendrick sa sarili matapos lagukin ang alak sa huling bote ng beer niya hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog sa matinding kalasingan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD