HAYA'S POV
Tahimik akong nanonood sa basketball court ng game ng team nila King laban sa team ng kabilang school. Lamang ng 5 points ang team nila King at expected na naming lahat na mananalo sila. Walang humpay si Evelyn sa pagchicheer sa boyfriend niya pero napapansin ko na hindi tumitingin si King sa direksyon niya kundi... sa akin.
Nakiusap na ako sa kanyang huwag niyang hiwalayan si Evelyn at pilit kong kinakalimutan ang pagtatapat niya ng nararamdaman niya sa akin pati na ang paghalik niya. Hindi ko na dapat isipin pa iyon at kailangan ko lang magfocus kay Kendrick. Nag-away na naman sila ni Kuya Duke at mukhang hindi na nila kayang ibalik ang dati nilang pagkakaibigan. Minsan ay hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko kung bakit nag-aaway sila. I know they were close friends pero nang dahil sa akin ay nagkakalamat ang pagkakaibigan nila.
Kahit ang pagiging magkaibigan namin ni Camille ay naaapektuhan na dahil hanggang ngayon ay galit pa rin siya. Hindi na niya ako kinakausap at palagi niya akong iniirapan sa tuwing nakikita niya ako. Si Yuie nalang ang palaging kasama ko sa school. Napapansin ko naman ang pagiging tahimik niya at hindi na ako nagagawan ng breakfast na okay lang naman sa akin para hindi na siya gumastos sa kakainin ko. Inisip ko na baka may pinagdadaanan ulit si Yuie kaya nagiging malamig ang pakikitungo niya sa akin. Kung anuman iyon sana ay malampasan niya kaagad iyon.
Naghiyawan ang mga estudyante nang nashoot ni King ang huling bola dahilan para lumamang ng 3 points ang puntos ng team nila sa 4th quarter ng laro. 105-97 ang final score at ang team nila King ang nanalo.
Kaagad bumaba si Evelyn papunta sa court at doon niya sinalubong si King na nakatingin sa kanya nang makita siya. Pinunasan ni Evelyn ang pawis sa noo ni King gamit ang puting bimpong hawak niya.
Nakita ko ang pagyuko ni Jerson habang inilalayo siya ni Kyohei sa pwesto nila. Umangat ulit ang tingin ni King sa akin at doon na ako tumayo at umalis na sa court. Hindi ko kasama si Yuie ngayon dahil abala ito sa pag-eedit ng upcoming articles para sa newspaper ng St. Therese next month habang sina TJ at Camille naman ay hindi ko pa nakikita.
Nagpunta ako sa Cafeteria at umupo sa isa sa mga bakanteng upuan. Inilabas ko ang phone sa bag ko at chineck ang f*******: account ko. Nagchat sa akin si Kendrick at sinabi niyang susunduin niya ako mamaya pagkatapos ng mga gawain niya sa opisina.
Meron rin pala siyang f*******: account bukod sa i********: at sinabi niya na mas active siya sa IG kaya doon niya ako unang in-add. Pagkasabi ko sa kanya na mas active ako sa f*******: ay bigla siyang nag re-activate ng f*******: account niya at kaagad niya akong inadd sa account ko. Nainis pa siya nang makitang marami daw nagla-like at comments sa pictures at posts ko kaya kinukumbinsi niya akong gumawa ulit ng bagong f*******: account pero hindi ako pumayag.
Pagkareply ko sa chat ni Kendrick ay tumayo ako sa kinauupuan ko at umorder ng Milkshake sa tindera ng Cafeteria. Pagkabalik ko sa upuan dala ang binili kong Milkshake ay tahimik ko itong ininom. Halos walang katao-tao sa Cafeteria dahil lahat sila ay nasa court at busy sa panonood at pagcecelebrate sa pagkapanalo ng team nila King.
May dalawang pumasok na lalake sa Cafeteria at nabigla ako nang makita ko kung sino ang mga iyon.
Kaagad kong kinuha ang bag ko at akmang aalis na nang makita ako ni Paolo at nilapitan ako habang nakasunod sa kanya ang lalakeng hinding-hindi ko na kayang pangarapin na makita pa.
"Nandito ka pala," sabi ni Paolo na hindi ngumiti.
Ramdam ko ang pagtitig ni Anthony pero pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kanya. Hindi ako nagsalita at nanatili pa ring tahimik. Umupo silang dalawa sa upuan sa harapan ko habang sinusuri nila ang bawat kilos at galaw ko.
Hindi ko alam na magkakilala pala sila pero hindi na ako dapat magtaka pa dahil schoolmates sila at magaling sa soccer si Anthony katulad ni Paolo at baka teammates sila sa soccer. Gusto ko nalang lumubog sa lupa dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Parehong may galit sa akin ang dalawang lalakeng nasa harapan ko at pareho ko silang nasaktan nang hindi ko sinasadya.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Haya. Tahimik at mahinhin ka pa rin," sabi ni Anthony habang nakatitig sa akin.
Malaki ang ipinagbago ng itsura ni Anthony. Mas lalong gumwapo at tumangkad pero hindi pa rin nun mababago ang tingin ko sa kanya na isang traydor at hindi mapagkakatiwalaang kaibigan.
Sana ay dumating si Kendrick o Yuie at hilahin na nila ako papalayo dito.
"A-Ano bang ginagawa n'yo dito?" naglakas na loob akong magtanong.
"Bawal ba kami dito? Nanood lang kami ng match ng team ng school n'yo laban sa team ng St. Herald. Masama ba 'yon?" masungit na sagot ni Paolo.
"Hindi masama 'yon. Sige, aalis na ako," sabi ko at tatayo na sana nang pinigilan ako ni Anthony.
"Teka lang, ang tagal nating hindi nagkita, Haya. Pwede bang magkamustahan muna tayo?" nakangiti niyang sabi.
Hindi ko talaga maintindihan si Anthony. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa akin ay may lakas ng loob pa siya para sabihin na magkamustahan kaming dalawa?
"Nakakalimutan mo na ba ang ginawa mo sa akin noon, Anthony?" tanong ko ng sarkastiko.
"I know that's why I want to apologize. We're young at that time kaya pinapatawad na kita sa mga nagawa mo ring kasalanan sa akin. I want to reconciliate with you with no hard feelings." Itinaas niya ang dalawang kamay niya bilang pagsuko.
Ano daw? Kailan pa ako may nagawang mali sa kanya? Dahil ba 'to sa pagtanggi ko sa confession niya noong elementary pa lang kami? For sake! Mga bata pa kami noon at hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong maibigay sa kanya.
"Hinding-hindi na kita mapapatawad sa ginawa mo noon, Anthony. Pinagkatiwalaan kita pero anong ginawa mo? Gusto mong sirain ako!" Puno ng hinanakit kong sabi at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
Nagulat si Paolo sa bigla kong pag-iyak habang si Anthony naman ay kalmado pa rin.
"We both made mistakes, Haya. I am sorry and you need to be sorry too for what you've done to me. Hindi lang naman ako ang may kasalanan sa mga nangyari noon kundi pati ikaw." he said.
Umiling ako at kinuha na ang bag ko saka umalis ng Cafeteria. Ramdam ko ang pagsunod nila sa akin kaya mas binilisan ko ang paglalakad ko.
Nang matanaw ko na ang field ay hahakbang na sana ako papunta rito nang nahawakan ni Anthony ang braso ko at laking gulat ko nang may itinakip siyang itim na panyo sa ilong ko at may nalanghap akong kemikal sa panyong iyon dahilan para manlabo ang paningin ko at mahilo ako. Matutumba na sana ako nang maagap akong nasalo ni Anthony.
"Buhatin mo siya, Pao. Baka may makakita pa sa atin dito." rinig kong sabi ni Anthony nang ipinasa ako kay Paolo na binuhat ang nanghihina ko nang katawan.
"Nasa labas na ba 'yung kotse mo?" tanong ni Anthony habang nagpalinga-linga sa paligid.
"Yeah, let's go." sagot ni Paolo hanggang sa tuluyan nang nagdilim ang buong paningin ko at nawalan ako ng malay.
KYOHEI'S POV
Pagkatapos kong magshower sa shower area dahil sa kakatapos lang na match namin sa basketball at nanalo na naman ang team namin ay naaninag ko sa malayo ang dalawang lalake na mukhang mga senior students na at naka uniform nang pang Southern University.
Lumapit ako sa pwesto nila para makita ang babaeng buhat-buhat nung isang lalake. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang babae, si Haya 'yon! At doon ko lang namukhaan ang lalakeng may buhat sa kanya; si Paolo Arevalo iyon na kapatid ng chicks nina King at Jerson na si Evelyn.
Kaagad ko silang nilapitan at halos lumuwa ang mata ng dalawang lalake nang makita ako. Malapit na kami sa exit door ng school at nasa kabila ang main exit. Mukhang hindi na ako makakasama sa celebration ng basketball team namin nito mamaya.
"Si Haya 'yan, ah? Saan niyo siya dadalhin, ni hitomo orokamono?" nakangisi kong tanong na hindi ko na napigilang magjapanese at inumpisahang patunugin ang mga daliri ko.
"Mind your own business!" sagot ni Paolo at maglalakad na sana ulit sila nang kaagad kong sinuntok sa mukha ang lalakeng kasama niya at itinulak sa sahig.
"Tangina! Bakit mo ako sinuntok?" galit na reklamo ng lalake na nakaupo sa sahig habang sapo ang panga niya na tinarget ko.
"Kung ki-kidnappin niyo si Haya, dadaan muna kayo sa akin. Chicks 'yan ng kaibigan ko kaya back off na mga dude bago ko pa kayo gamitan ng martial arts skills ko." pagbabanta ko. Marunong akong magkarate at Judo kaya tumba kaagad sa akin ang mga baka na 'to.
Inis na ginulo ni Paolo ang buhok niya at biglang ibinaba si Haya sa pagkakabuhat niya at ibinigay sa akin. Hinawakan ko ang baywang ni Haya at sinandal ko ang ulo niya sa balikat ko para hindi siya matumba.
"Let's go, Anthony. We will do this sometimes na walang pakialamero. Papalpak lang tayo kapag itinuloy natin ang plano!" sabi ni Paolo habang nakatitig siya ng masama sa akin at hinila na 'yung lalakeng nakaupo sa sahig na masama na rin ang tingin sa akin.
"Hindi pa tayo tapos singkit! Magbabayad ka sa ginawa mo!" galit na sabi nung lalake hanggang sa makaalis na sila ni Paolo.
Nang tiningnan ko si Haya na hawak ko ay wala pa rin itong malay kaya nagdesisyong akong dalhin siya sa kotse ko at iuwi sa bahay namin. Hindi ko siya pwedeng ipakita kina King na ganito ang kalagayan niya dahil tuluyan na iyong nakipaghiwalay kay Evelyn at nasa brokenhearted stage na ang dalawang mag-ex habang kinocomfort na ng magaling na si Jerson si Evelyn.
Makalipas ang ilang minuto ay narating ko na ang bahay namin at kaagad dinala si Haya sa kwarto ko. Mabuti at wala ngayon ang hapon kong Tatay na si Mahiro at baka masermunan pa niya akong nagdadala ng babae sa bahay kahit hindi ko naman gawain iyon. No choice lang talaga ako dahil kawawa naman si Haya at balak pa siyang gawan ng masama ng mga siraulong iyon. Kapag nalaman lang talaga ni King na inuwi ko sa amin ang kinababaliwan niyang babae ay baka magwala iyon sa selos.
Inilapag ko si Haya at hiniga sa kama ko. Hindi ko naman maiwasang hindi siya tignan habang nakapikit at wala pa ring malay. She's beautiful and sexy kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit baliw na baliw sila King sa babaeng ito.
Umupo ako sa edge ng kama at tinanggal muna ang sapatos ni Haya para makahiga siya ng maayos. Biglang umangat ang skirt niya nang tumalikod siya ng higa dahilan para biglang mag-init ang mukha ko.
Kyohei, ano ba 'tong pinasok mo? Pwede mo naman siyang iuwi sa kanila pero bakit dinala mo pa siya sa bahay niyo?
"Anak? Nakauwi na ako. Ay jusko- sino 'yan?"
Nabigla ako sa pagpasok ni Dad sa loob ng kwarto ko. Gulat na gulat ito nang makita si Haya na nakahiga sa kama ko. Tinignan niya ako ng makahulugan at bago pa siya mag-isip ng kung anu-ano ay inunahan ko na siya.
"Chicks 'yan ng tropa ko, Dad. May dalawang siraulong lalake lang kanina na balak siyang kidnappin at pagsamantalahan kaya pinigilan ko sila at ang ending ay dinala ko siya dito sa bahay natin." paliwanag ko.
"Eh bakit hindi mo 'yan pinaalam sa tropa mo? Ikaw ha? Imposible namang hindi ka nagagandahan sa babaeng 'yan, ang ganda oh? Model ba 'yan?" tanong ni Dad at lumapit ito kay Haya at inuusisa ang buong mukha nito.
"Kakabreak lang ng tropa ko at nung gf niya. Senti mode siya at kailangan niyang mapag-isa kaya sinalo ko muna ang responsibilidad niya." sabi ko at napahikab na. Inaantok na ako dahil sa pagod kanina sa laro namin kaya hindi ko na napigilang tabihan si Haya at humiga sa kama.
"Gano'n ba? Baka hanapin pa 'yan ng mga magulang niya sa atin, ah? Pagkagising niya ay pauwiin mo na at 'wag na 'wag kayong gagawa ng milagro dito," nakangising sabi ni Dad.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng hapon kong Tatay at akmang magsasalita na sana nang binelatan niya ako at tumakbo na papalabas ng kwarto ko.
Kahit kailan talaga ay green minded at isip bata si Dad! Paano ko ba siya naging Tatay? Ipadala ko ulit siya sa Japan at gawing Nuclear bomb, e.
Tumingin ako kay Haya at bigla itong humarap sa akin. Napanganga ako habang nakatitig sa mukha niya. Bakit kahit natutulog siya ay ang ganda pa rin niya?
Nawala lang ang atensyon ko sa kanya nang biglang tumunog ang phone niya sa loob ng bag niya. Bumangon ako sa kama ko at tinignan kung sino ang tumatawag sa kanya.
Kendrick? Ito 'yung boyfriend niya, right?
Ang ginawa ko ay pinatay ko ang phone ni Haya at binalik ulit ito sa bag niya. Hindi pwedeng malaman ng Kendrick iyon na nasa akin ang jowa niya dahil baka mabugbog pa ako ng wala sa oras ng malaking bulas na iyon.
Sumandal ako sa headboard ng kama ko habang nakatingin kay Haya. Mahigit dalawang oras rin ang nakalipas nang magising siya. Gulat na gulat ito nang makita ako at kaagad siyang napabalikwas sa pagkakahiga sa kama.
"Kyohei? A-Anong ginagawa ko dito?" tanong niya na naguguluhan sa nangyari.
I chuckled. "Calm down, wala akong ginawang masama sa'yo. Nakita lang kitang muntik nang kidnappin nung kapatid ni Evelyn pati 'yung lalakeng kasama niya kaya iniligtas kita at dinala na muna dito sa bahay namin." sabi ko.
Para siyang nakahinga nang maluwag at tumango ito. "S-Salamat."
"Gutom ka na ba? Kumain ka na muna dito sa amin bago kita iuwi sa inyo." alok ko.
Umiling siya at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin hanggang sa umiyak na siya. "Salamat at nailigtas mo ako kina Paolo at Anthony, Kyohei. Hindi ko na alam ang mangyayari sa akin kung naituloy nila ang binabalak nila." umiiyak niyang sabi.
Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya pabalik at pilit siyang pinapatahan. Her situation is hard. There's a lot of men who wants her including King, and Haya doesn't deserve to be treated wrong with other guys like Paolo and his friend.
Kahit wala akong kapatid na babae at nag-iisang anak lang ako, alam ko pa rin kung paano galangin ang isang babae. My mother said that I need to respect and treat women right dahil kung hindi ay parang hindi ko na rin daw siya iginalang nun. My Mom is in heaven now at siguradong matutuwa siya sa itaas nang may nailigtas akong babae mula sa kapahamakan.
"It's okay. Safe ka na." sabi ko habang hinahagod ang likod ni Haya.
She just nodded at me at mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. I was affected on what she is doing at hindi ko alam ang nangyayari sa akin.
King, hindi ka naman siguro magagalit kung magkakacrush ako kay Haya, 'di ba?