Chapter 26

1929 Words
KENNETH'S POV Nakatingin lang kami ni Allison sa nakatalikod na si Kendrick habang nakahiga ito sa hospital bed at nakakuyom ang mga kamao. Dalawang araw na simula nang maaksidente siya at dalawang araw na rin siyang tahimik at ayaw magsalita. Na-hit and run siya ng isang hindi pa namin nakikilang sasakyan nang bandang 7:00 pm mismo sa labas ng building ng kompanya namin. Kung hindi pa siya nakita ng isang Janitress sa kompanya namin na duguan at halos nag-aagaw buhay sa daan ay hindi kaagad siya madadala sa ospital. Sa kamalas-malasan ay nasira pa ang CCTV video sa mismong lugar na iyon kaya hirap kaming matukoy ngayon kung sino ba ang nakasagasa kay Kendrick. I'm still thankful that my brother was still alive at hindi gaanong napuruhan ang ulo nito dahil sa aksidente pero hindi namin alam kung bakit tahimik siya at ayaw kaming kausapin. While we're asking kung nakita ba niya ang taong nakasagasa sa kanya ay ayaw niyang magsalita at nannatili pa rin'g tahimik. My parents and I are doing everything para makilala kung sinuman ang nakasagasa kay Kendrick. Hindi namin palalampasin ang ginawa nito na muntik nang ikamatay ng kapatid ko. "Is Tito Kendrick will be okay?" nag-aalalang tanong ni Kelli habang nakatingin sa Tito Kendrick niyang nakatalikod sa amin na nakahiga sa hospital bed. He's awake but he's still not talking to us. "Your Tito Kendrick will be fine, Kelli. He just need to rest and gain his strength." sagot ni Allison. Tumango si Kelli at ngumiti sa amin. "Kakausapin ko lang mag-isa si Kendrick, wife. Labas muna kayo sandali ni Kelli." sabi ko sa asawa ko. Walang pag-aalinlangang tumango si Allison hanggang sa lumabas na silang dalawa ni Kelli sa confine room. Umupo ako sa edge ng hospital bed ni Kendrick at pinagmasdan siya. May benda siya sa ulo at parehong naka-cast ang mga binti at braso niya. Malakas ang pagkakabunggo sa kanya at nawalan siya ng maraming dugo sa katawan. My brother changed so much when he came back in the Philippines. Halos hindi ko na makilala ang Kendrick na kapatid ko noon sa Kendrick na nakilala ko ngayon. Our grandparents and his Haya help him so much to changed. Kendrick admitted to me that he's courting Riley's sister, Haya. I'm not against them dahil alam ko namang nagbabago na siya at hindi niya magagawang lokohin at saktan ang babaeng mahal niya kahit mas bata ito sa kanya ng sampung taon. He's really in love with her and I can see that. Nagtanong pa siya sa akin noon kung paano manligaw ng isang babae. I didn't think that we're now getting at this point at magkasundo na kami bilang magkapatid. Parang noon lang ay palagi niya akong pinapahiya at palagi siyang nagagalit sa akin pero ngayon ay iba na. He also agreed na dito na tumira sa Pilipinas para matulungan ako sa pagpapatakbo ng business ng pamilya namin but I know one of the reason why he wants to stay longer here in the Philippines is because of Haya. This is the best version of Kendrick that I've seen so far. "Kendrick, bro?" tawag ko. "Just leave." finally he speaks habang hindi pa rin tumitingin sa akin. I sighed. "I know you're experiencing too much struggle and pain in your body right now. Pwede kitang tulungan sa kung anuman ang iniisip at kinakaharap mo. You can't just ignore us like this," I said. Humarap siya sa akin at nakita ko ang masama niyang tingin. "Wala ka namang magagawa, e! He will do everything to destroy and kill me and get the girl that I love!" sigaw niya. Nagulat ako sa sinabi ni Kendrick at napaisip ako sa sinabi niya. "S-Si Duke ba ang may kagagawan kung bakit ka nasagasaan?" tanong ko. "Sino pa ba? Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano niya ako sagasaan. Ginawa niya 'yon dahil nililigawan ko si Haya. Kahit patayin pa niya ako ay magagawa niya 'yon matahimik lang ako sa landas niya!" galit na sigaw ni Kendrick. Halos hindi ako makapagsalita. Hindi ko aakalain na magagawa iyon ni Duke sa sariling bestfriend niya. Kilalang-kilala ko si Duke dahil noong high school palang sila ni Kendrick ay palagi itong nagpupunta sa bahay namin para makipag-sleepover kay Kendrick. Close na close silang magkaibigan noon at halos hindi na mapaghiwalay. Hindi ko aakalain na dahil sa iisang babae ay kayang patayin ni Duke si Kendrick. "Kailangan niyang makulong dahil sa ginawa niya sa'yo. Bakit ngayon mo lang 'to sinabi sa akin, Kendrick?" sigaw ko rin sa matinding galit na nararamdaman ko sa Duke na iyon. Tumawa ng sarkastiko si Kendrick. "Sa tingin mo ba makukulong talaga si Duke? Remember that his family have so many connections in police here in our place? There's no use kung magsumbong at magdemanda man kayo dahil siguradong makakalusot siya sa batas." humina ang tono ng boses niya at napapikit ito habang hinahawakan ang ulo niyang may benda. "So, anong gusto mong gawin? Hayaan lang ang Duke na 'yon sa ginawa niya sa'yo? Tapos gagawin niya ulit 'yon dahil nililigawan mo si Hyacinth De Silva!" naiinis kong sabi. Hindi pupwedeng palalampasin namin ang ginawa ng Duke na iyon sa kapatid ko. Muntik nang ikamatay ni Kendrick iyon at hindi pwedeng maging malaya pa rin ang tarantadong iyon. "I know what am I doing, Kenneth. Ako ang kikilos at hindi kayo nina Mom at Dad. Kung nagawa niya akong pagtangkaang patayin, gagawin ko rin 'yon sa kanya basta't hindi niya makukuha sa akin si Haya. Haya is mine!" Kendrick shouted. Hindi makapaniwala akong tumingin sa kanya. Kendrick is being back again to his arrogant and selfish side. I can't blame him for being like this. Muntik na siyang mapatay ni Duke at hindi rin nito hahayaang maagaw ng iba sa kanya ang babaeng mahal niya. "Okay, if that's what you want but remember that we're always here for you if you need help." sabi ko at napabuntonghininga. Hindi ako sinagot ni Kendrick at tumalikod ulit ito ng higa. "Leave. I want to be alone." malamig niyang sabi. "I understand. Tawagan mo nalang kami kapag kailangan mo kami. I get some of our maids to serve your food and to take care of you." sabi ko. Hindi siya sumagot kaya lumabas na ako sa loob ng confine room niya. Nilapitan ko ang mag-ina ko at niyaya na silang umuwi ng bahay. Ikwinento ko nalang lahat kay Allison ang mga sinabi kanina ni Kendrick habang nagmamaneho ako pauwi ng bahay namin. "Naiintindihan ko si Kendrick, maybe he was shocked and felt betrayed because his own bestfriend attempted to kill him. All we have to do is to give him space and understand his behavior." Allison said habang hinahaplos ang buhok ni Kelli na karga niya sa kandungan niya at nakatulog sa balikat niya. "You're right pero hindi ko pa rin talaga kayang palampasin ang ginawa ng Duke na 'yon sa kapatid ko. Baka may mas masama pang mangyari kay Kendrick if we only pass this." sabi ko. "I know, but you need to trust Kendrick. Matalino naman rin 'yon katulad mo at hindi niya siguro palalampasin ang ginawa ng Duke na 'yon sa kanya." Tumango at hindi na nagsalita. I need to trust my brother, I need to trust him na hindi niya palalampasin ang ginawa sa kanya ni Duke. CAMILLE'S POV "Tangina! Bakit nabuhay pa siya?" rinig kong sigaw ni Kuya Duke mula sa loob ng kwarto niya. I want to enter in his room pero nakalock ito at hindi ko mabuksan. Ilang segundo lang ay nakarinig ako ng sigaw at kung anong mga nahulog at nabasag na bagay sa loob ng kwarto niya. Napaiyak ako at napatakip sa bibig ko para maiwasan ang paghikbi ko. Kuya Duke was being like this when he is mad. Naging mabait naman siya sa akin when he got closer with Haya. Hindi na niya ako sinusungitan at pinapahiya hindi katulad noon, pero simula nang malaman kong nililigawan na si Haya ng bestfriend ng kuya ko na si Kuya Kendrick ay bumabalik na naman ang dati niyang ugali. I know my brother really likes Haya and he did everything to get closer with her. I know all of Kuya Duke's secrets and plan at hindi ko iyon masabi-sabi kay Haya dahil ayokong magalit sa akin ang sarili kong kapatid. Haya is important friend to me but Kuya Duke is more important to me. He is my brother and all I want is his happiness. Mahal niya si Haya kaya gusto ko na magkatuluyan sila ng kaibigan ko. I trust my brother. Alam kong magbabago siya para kay Haya. I saw the improvements from him but now it's different. Inagaw ng sarili niyang bestfriend si Haya sa kanya. Nang wala na akong narinig na ingay sa loob ng kwarto ni Kuya Duke ay bigla akong kinabahan. I get the spare key of his room in maids quarter at saka ulit bumalik sa kwarto niya at binuksan ito gamit ang susing hawak ko. Nang makapasok ako sa loob ay halos mapasigaw ako nang makita si Kuya Duke na nakahiga sa gilid ng kama niya na walang malay at may hiwa ang pulso nitong nagdudugo na. Nakita ko rin ang hawak niyang blade na ginamit sa paghiwa ng pulso niya. He's bleeding nonstop na mas lalo pang nagpadagdag sa takot at kaba ko. "K-Kuya..." umiiyak kong sabi at umalis muna sa loob ng kwarto niya para humingi ng tulong sa mga maid namin sa bahay. Pagkabalik ko kasama ang mga maid ay nagulat rin sila nang makitang nagsuicide at walang malay si Kuya Duke. Kaagad namin siyang inalalayang makatayo at isinugod sa ospital. While we're heading to the hospital ay tinawagan ko sina Mom at Dad at ibinalita sa kanila ang nangyari. Nagulat sila nang malaman ang ginawa ni Kuya Duke at sinabing susunod na sila sa amin sa ospital. Nang makarating kami sa ospital ay kaagad inassists ng mga nurses si Kuya Duke. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Kapag may nangyari talagang masama sa kuya ko ay hindi ko maiwasang sisihin si Kuya Kendrick. Alam naman siguro niyang may gusto si Kuya Duke kay Haya pero niligawan niya pa rin ito. Ano siyang klaseng kaibigan? Kalahating minuto rin ang paghihintay ko nang biglang lumabas ang isang nurse sa hospital room na pinagdalhan kay Kuya Duke. "Nurse, kumusta na po ang kuya ko?" umiiyak kong sabi. "He's now stable. Kailangan lang niyang magpahinga at magstay ng ilang araw dito sa ospital para mamonitor namin ang lagay niya. Medyo malalim ang hiwa ng palapulsuhan niya at kailangan naming gamutin at i-check 'yon." sabi niya na ikinahinga ko nang maluwag. "Thank you po." Tumango ang nurse sa akin at kaagad nang umalis. Pumasok ako sa hospital room ni Kuya Duke at nakita ko siyang nakahiga sa hospital bed habang may nakakabit na suwero at dextrose sa bahagi ng mga kamay niya at walang malay. Lumabas na rin ang dalawa pang nurse na kakatapos lang ayusin ang isang suwero sa braso ni Kuya Duke. Napaiyak ulit ako at hinawakan ang isang kamay ni Kuya. "Don't worry, Kuya. Gagawin ko ang lahat para maging maligaya ka. Sorry if I'm being a useless sister to you..." Masakit para sa akin na makita ang kapatid kong nahihirapan at nagtangkang magpakamatay dahil lang sa hindi siya kayang mahalin ng babaeng mahal niya. Kuya Duke has a lot of imperfections pero naging mabuting kapatid siya sa akin kahit papaano. I know that Haya is his happiness that's why I will do everything para si Haya ang makatuluyan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD