Chapter 25

2069 Words
HAYA'S POV One week na rin ang nakakalipas simula nang malaman ko ang tunay na kulay ni Kuya Duke. He didn't bothering me anymore at medyo napanatag ako sa pananahimik niya pero hindi ko pa rin nakalimutan ang mga sinabi niya sa akin noong araw na iyon. Hindi ko pa sinabi kay Kuya Kendrick ang ginawang paghalik sa akin ni Kuya Duke dahil ayoko nang palalain pa ang sitwasyon. Knowing Kuya Kendrick ay alam kong hindi nito palalampasin ang ginawa at mga sinabi sa akin ni Kuya Duke. I need to stay away from that guy. I'd already saw his true colors and he's different from Kuya Duke I've met before. Hindi ko alam kung may ideya ba si Kuya Riley na gano'n palang klase ang kaibigan niya pero sa tingin ko ay alam niya rin ito at hindi niya lang sinabi sa akin. Suddenly, I'm curious. Bakit bigla nalang nakipagbati sa akin si Kuya Riley at kaagad niyang natanggap na nililigawan na ako ni Kuya Kendrick? Iwinaksi ko iyon sa isipan ko at inisip na lang na narealized na ng kuya ko na kapatid niya pa rin ako kahit anong mangyari at kailangan na naming magkasundo kahit hindi ko alam kung bakit ba siya galit sa akin. Hindi ako nasundo ni Kuya Kendrick kanina dahil masyado itong maraming ginagawa sa opisina niya. He repeatedly saying sorry to me through call dahil hindi niya ako nasundo sa school at babawi raw siya sa akin bukas. Sinabi ko namang okay lang iyon at 'wag na siyang mag-alala. Kinikilig ako dahil sa sobra niyang pag-aalala. Walang duda na gusto ko na nga siya. Pagkatapos kong makausap si Kuya Kendrick sa phone ay bumaba ako sa kwarto ko para sana pumunta sa kusina at kainin ang biniling yema cake ni Ate Tricia kagabi. Pagkababa ko ay nadaanan ko ang living room namin at laking gulat ko nang makita si Kuya Duke kasama sina Mom at Dad habang nag-uusap at nagtatawanan. Nang mapansin ako ni Kuya Duke ay pinaikutan niya ako ng mata. Wow! So, this is the other side of him, huh? My Mom noticed me kaya lumapit siya sa akin at pinaupo sa sofa sa pagitan nila ni Dad. They don't have any idea sa ginawa ni Kuya Duke a week ago and it looks like na hindi rin nila alam na nililigawan na ako ni Kuya Kendrick. Hindi pa iyon sinasabi sa kanila ni Kuya Duke na ipinagpapasalamat ko. "Haya, you know that Duke invested more money for our latest pastry recipies? He even bought latest equipments from Japan para mas mapadali ang trabaho ng mga trabahador natin sa factory." My Mom happily said. My family and Kuya Duke's family business are related to ours. They are making sweets and other pastry foods. They have factories with employees mas marami nga lang ang kila Kuya Duke. Kumbaga parang Red Ribbon at Goldilocks ang style ng business nila kaya nagkakasundo sila. "I envy you so much, Duke. Thank you for your help in our business." sabi ni Dad kay Kuya Duke habang nakangiti. "No problem, Tito Alex. I will help you hanggang sa abot ng makakaya ko." Kuya Duke said while smiling at nang saglit siyang mapatingin sa akin ay hindi nakatakas sa akin ang simple niyang pagngisi. Napayukom ako ng kamao. Hindi siya mukhang guilty sa ginawa niya sa akin sa school isang linggo na ang nakalipas. Kung hindi pa kami nakita nila King, Jerson, at Kyohei malamang ay napagsamantalahan na ako ni Kuya Duke. His looks deceives me, he's handsome and looks more softer than Kuya Kendrick but he is the beast and the dangerous one. I didn't know if Camille knew her brother's real side. Masyadong mabait si Camille para magkaroon ng isang kapatid na katulad ni Kuya Duke. "You were just like your mother and father who's very kind-hearted, hijo." sabi ni Mom. I want to p**e because of what she said. She doesn't have any idea that this man infront of us is a pretender and attempt to violate me. "No worries, Tita Ana. Gusto ko rin naman pong makatulong sa inyo at dahil kay Haya na rin. I like your daughter, and if you don't mind sa napag-usapan natin kanina, baka pwede naman pong pagbigyan niyo na ako?" tanong ni Kuya Duke sa mga magulang ko na ikinabigla ko. I knew it! He's helping my family for his other purposes. "Of course, you can court our daughter but remember what I said to you, Duke." sabi ni Dad as if na hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila. My hands are shaking dahil sa galit na nararamdaman ko. "I know po, Tito, and I will wait for Haya," Kuya Duke smiled at me. I glared at him at hindi na ako nakapagtimpi. "At sinong nagsabing pwede mo akong ligawan?" galit kong sabi na ikinabigla nina Mom at Dad. "Haya, what are you saying?" My Mom asked with her confuse look. Tumingin ako kay Mom. "I will not allow Kuya Duke to court me. Nag-usap kayo doon without my consent?" hindi ko makapaniwalang sabi. "Haya," madiing sabi ni Dad pero hindi ko iyon pinansin. "Because we know that you like Duke, so we're thinking that you will agree with this. You admitted to me before that you have a crush on him." sabi ni Mom. She's right, nasabi ko nga noon kay Mom na may crush ako kay Kuya Duke because he's kind and super sweet to me noong hindi pa dumarating sa buhay ko si Kuya Kendrick at hindi ko pa nalalaman ang totoo niyang pagkatao but now were different, nawala na ang paghangang nararamdaman ko kay Kuya Duke kahit noong hindi ko pa alam ang tunay na kulay niya. Kuya Kendrick is the only one I like. "Noon 'yon, Mom pero ngayon hindi na kaya hinding-hindi ako magpapaligaw kay Kuya Duke!" I frustratedly said. Natahimik sina Mom at Dad while Kuya Duke is secretly glaring at me. He acts that I did something bad to him when in fact he's the one who's bad from the beginning. The awkwardness and silence fills in the air in living room kaya kaagad akong tumayo at naglakad papaalis. I went to our mini garden area at ilang beses na bumuntonghininga. Kukunin ko na sana ang phone ko sa bulsa ng suot kong shorts para tawagan si Kuya Kendrick nang may humawak sa braso ko at iyon ay si Kuya Duke na sobrang sama ng tingin sa akin. "Wala kang utang na loob sa akin, Haya! Pagkatapos kong tulungan ang pamilya mo ay ganito pa ang igaganti mo sa kabutihan ko?" gigil niyang sabi. Pilit kong binabawi ang braso ko sa pagkakahawak niya pero ayaw niya akong bitawan. "Ikaw ang may gustong tulungan ang pamilya ko and not me. As I said earlier, hindi ako magpapaligaw sa'yo, never!" I said. Tumawa siya ng mahina. "In love ka na talaga sa bestfriend kong traydor, no? Pasalamat ka at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi sa mga magulang mo na nililigawan ka na ng gagong 'yon and you need to thank me for that." mayabang niyang sabi. Kuya Duke is the most jerk and toxic guy I've met in my entire life. "Kung magsusumbong ka, ihahanda ko na rin ang sarili ko. Ipaglalaban ko si Kuya Kendrick sa pamilya ko. I like him so much and I will do everything para tanggapin siya ng pamilya ko." seryoso kong sabi. That's true. Matagal kong inisip iyon. Buo na ang desisyon kong ipaglaban si Kuya Kendrick sa lahat kahit pa sa pamilya ko. I know that Kuya Kendrick will respect, love, and protect me unlike this selfish jerk in front of me. I see the pain that registered in Kuya Duke's eyes after what I said. Alam kong gusto naman talaga niya ako but he's acting too paranoid and greedy. If he likes me ay dapat nirerespeto at ginagalang niya ang desisyon ko. Hindi niya rin sana ako pagtatangkaan ng masama kung ginagalang niya ako. "You really know how to hurt me, huh? Hinahamon mo talaga ako." he smirked and let go of my hand after. Napahawak ako sa braso kong namumula na dahil sa paghawak ng mahigpit ni Kuya Duke. Sandali siyang natahimik bago muling bumaling sa akin. "Sinagad mo ang pasensya ko, Haya. Hindi mo ako pinapakinggan kaya ngayon ay 'wag mo akong sisisihin sa mga kaya kong gawin." mariin niyang sabi dahilan para matakot at kabahan ako. "A-Anong gagawin mo, Kuya Duke?" kinakabahan kong tanong. Hindi niya ako sinagot at kaagad siyang naglakad papaalis habang nakatiim-bagang. Hindi ko maipaliwanag ang kaba at takot na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba at takot na nararamdaman at nanalangin na sana ay maging ligtas lang si Kuya Kendrick. THIRD PERSON'S POV Sobrang sakit para kay Duke na marinig ang lahat ng mga sinabi sa kanya ni Haya kanina. Ipaglalaban nito si Kendrick kahit pa sa pamilya nito. Parang pinapatay ang puso niya sa sakit, inggit at galit sa itinuring niyang kaibigan na kukunin rin pala sa kanya ang babaeng pinakamamahal niya. Baliwala ang ginawa niyang pagsuhol sa mga magulang ni Haya dahil si Haya mismo ay desididong ipaglaban si Kendrick para lang tanggapin ito ng pamilya nito. "Damn you! Mang-aagaw ka, Kendrick! Inagaw mo sa 'kin si Haya!" galit na sigaw ni Duke habang nagmamaneho papunta sa kompanya nila Kendrick. Nabaliwala ang lahat ng pinagplanuhan at ginawa niyang paraan para mapalapit kay Haya. Hindi niya alam na nagkacrush sa kanya ang dalaga at kung hindi lang talaga umeksena si Kendrick sa buhay nila malamang ay siya pa rin ang gusto ni Haya hanggang ngayon. Sana talaga ay hindi nalang niya ipinakilala si Kendrick kay Haya noong birthday niya. Nagtiwala siya masyado sa bestfriend niyang hindi nito tataluhin ang babaeng pinakamamahal niya. Itinuring niya na rin'g parang kapatid si Kendrick. Kahit may kaunting inggit at selos siyang nararamdaman noong high school palang sila dito ay hindi iyon naging hadlang sa pagkakaibigan nila. Nagtiwala siya ng lubos kay Kendrick dahil hindi naman nito pinatulan ang naging girlfriends niyang may gusto rin pala sa lalaki. Inaamin niyang naging mabuting kaibigan si Kendrick sa kanya at noong magcollege na sila ay parehong magkaiba ng university ang pinasukan nila ngunit hindi iyon naging hadlang para hindi sila minsan mag-usap sa phone bilang matalik na magkaibigan. Dahil wala siyang kapatid na lalake ay itinuring na niyang parang kapatid si Kendrick. Pareho rin nilang kilala ang isa't-isa dahil magkasangga sila sa lahat ng bagay. Magkaiba man sila ng personalidad ay nagkakasundo pa rin sila sa lahat. At ngayon ay nasira at nawasak lang ang pagkakaibigan nila nang dahil sa iisang babae. Ang babaeng matagal na niyang hinahangaan at tinatanaw lang noon mula sa malayo. Ang babaeng kaibigan ng kanyang nakababatang kapatid. Ang babaeng kinababaliwan niya noong magcollege na siya. Hindi niya aakalaing mahuhulog ang loob niya kay Hyacinth De Silva. Nang makarating si Duke sa kompanya nina Kendrick ay ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa building ng kompanya nito. Hihintayin niya itong makalabas at sisiguraduhin niyang tuluyan na itong mawawala sa landas nila ni Haya. Kalahating minuto ang hinintay niya bago makitang lumabas mula sa labas ng building ng kompanya si Kendrick habang nakasuot ito ng business suit at may hawak na itim na suitcase. Wala na siyang pinalampas na pagkakataon at sinimulan nang paandarin ang kotse niya habang naglalakad si Kendrick papunta sa pathway patawid ng parking lot ng building. "Papatayin kita, Kendrick. Papatayin kita!" galit na galit na saad ni Duke habang pinagmamasdan si Kendrick na tumatawid sa daan. Wala na siyang pinalampas na pagkakataon at kaagad niyang sinagasaan ang lalakeng itinuring na niyang kaibigan nang makalapit na ang kotse niya dito. Bumunggo si Kendrick sa bintana ng kanyang kotse at ilang saglit ay humandusay ito sa daan at naliligo na sa sariling dugo. Tumama ang buong katawan nito sa hump at bintana ng kotse niya at siguradong napuruhan ito dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo niya. Bago pa may ibang makakita sa ginawa niyang pagsagasa sa dati niyang kaibigan ay kaagad niyang nilampasan ang nag-aagaw buhay na si Kendrick na nakahandusay sa daan na duguan at wala nang malay. Napangiti si Duke sa kanyang ginawang krimen at wala ni isang konsensya ang mababakas sa kanyang mukha. Tila tuwang-tuwa pa ito. "I hope you will die, Kendrick. You deserve that for stealing my girl..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD