DUKE'S POV
That b***h is already 30 minutes late. She's wasting my precious time at kung hindi ko lang siya kailangan sa mga plano ko ay hindi ako maghihintay ng ganito katagal. Finally, she is here! Nakita ko na siyang papasok dito sa restaurant na meeting place namin at nakasimangot na umupo sa bakanteng upuan na kaharap ko.
"Why do you want to meet me in this early morning?" she said while taking her coat at isinabit sa likod ng upuan niya. She's still pretty and gorgeous but she's nothing compared to Haya.
"Your loverboy is back," I said and took a sip from my lemon juice.
Nanlaki ang mga mata ni Pamela sa sinabi ko and this is the reaction I'm waiting for, she looks so happy when I mentioned about Kendrick's arrival.
"Really? Where is he now? Matagal ko na rin'g hindi nakikita si Kendrick and I kinda miss him so much!" her eyes with fake eyelashes are twinkling in excitement while talking about my bastard and traitor bestfriend.
"There he is, busy stealing my girl." I said at biglang napakuyom ang kamao ko.
Ang akala ba ni Kendrick ay hindi ko alam ang mga pinag-gagagawa niya ngayon? I have an eyes on him at nalaman ko nalang na nililigawan na pala niya si Haya. Hindi pa siya nadala sa pambubugbog ko noon sa kanya sa gym. Kahit anong pagbabanta ang gawin ko para layuan ang pag-aari ko ay hindi niya magawa so I don't have any choice but to use other people to ruin him for Haya.
I met Pamela at the bar. Hindi alam ni Kendrick na magkakilala kami. This b***h gave me a blowjob when I was drunk at nasundan iyon ng isang one night stand. I know she was Kendrick's slut before because she mentioned Kendrick to me at magkakilala pala sila noong college sila. She admitted she seduced and had s*x with Kendrick kahit na may boyfriend siya noon na kaibigan rin ni Kendrick. She has a feelings for Kendrick until now at iyon ang isang advantages na gagamitin ko para mawala siya sa landas namin ni Haya.
"Oh? Really? May babaeng kinababaliwan ka pala ngayon?" Pamela laugh at me but I glared her.
"Well, kaya kita pinapunta dito para tulungan mo ako sa mga plano ko." seryoso kong sabi.
Tinaasan niya ako ng kilay. "And when I help you to your plan, ano naman ang magiging premyo ko?" tanong niya.
Ako naman ang tumawa. "Are you asking that to me, Pamela? Malamang si Kendrick, or maybe do you want a cash? car? or everything you want basta't tulungan mo lang ako sa plano ko." I suggested.
Tila nag-isip siya sa sinabi ko bago tumango. "Okay, I just want a brand new model car dahil marami naman akong pera then I will get Kendrick. What do you want me to do for him?" she smirked.
I crossed my arms and smirk too. "You can seduce him, follow him, or stalk him. I will give you his address para mapuntahan mo siya. Siguraduhin mong maaakit at makukuha mo siya sa babaeng pag-aari ko." sabi ko.
"Hmm... deal! I badly want Kendrick for now. Nakita ko ang pictures niya sa i********: and he looks more hotter and sexier na with his tattoos and sexy abs. Bagay talaga kami na isang sexy at magandang katulad ko!" nangangarap niyang sabi na ikinangiti ko nalang.
"You can get him. I trust you." sabi ko na ikinatango niya habang nakangiti.
Napawi rin ang ngiti ko while looking to this disgusting and slutty woman. Pamela is good to play in bed pero iyon lang ang magandang silbi niya. Hindi siya ang tipo ng babaeng uulit-ulitin at babalikan pa. She's one of a hundreds b***h out there.
'Kendrick naman kasi, we've been a bestfriends and trusting each other pero bakit pati ang future girlfriend ko ay kukunin mo sa akin?'
Bakit si Haya pa ang aagawin ng isang walang kwentang katulad mo? You're nothing compare to me. You're a trash na dapat lang sirain at itapon.
Haya doesn't deserve you because Haya is mine and this is the beginning to ruin you.
HAYA'S POV
Nang makauwi ako sa bahay pagkatapos ng klase ko ay nadatnan ko si Kuya Riley na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng magazine. Maglalakad na sana ako papaalis nang tinawag niya ako.
"Haya,"
I turned around to face him. "Bakit po, Kuya?" tanong ko.
"Come and seat with me." malamig niyang sabi at sinara na ang binabasa niyang magazine.
Wala akong nagawa kundi ang lumapit at umupo sa tabi niya.
"I'm sorry for being a rude brother to you for the past years." he said apologetically na ikinabigla ko.
Is this true? Kuya Riley is saying sorry to me?
Napangiti ako at bakas ang labis na tuwa dahil sa sinabi niya. "Okay lang po 'yon, Kuya Riley. Ito lang naman ang gusto kong mangyari sa ating dalawa, ang magkabati tayo kahit hindi ko maintindihan kung bakit galit po kayo sa akin." pag-amin ko.
Ngumiti siya ng tipid. "I don't know but I hate seeing you always pero narealized ko na hindi dapat ako magalit sa'yo dahil kapatid kita at wala kang ginawang masama sa akin. I'd already apologized at hindi ko na kailangang sabihin pa ulit sa'yo ang mga sinabi ko." he rolled his eyes at dahil sa tuwang nararamdaman ko ay niyakap ko si Kuya Riley.
Matagal pa bago niya ako ginantihan ng yakap at siya rin ang unang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Ngumiti nalang ako.
"Ngayon na nagkabati na tayo, siguro naman may suggestions lang ako na dapat sundin mo din." nakangiting sabi niya.
Tumango ako. "Sige po. Ano po ba 'yon?"
"I want you to be closer with Duke. Nalaman ko rin pala na nililigawan ka ng bestfriend niyang si Kendrick. Alam ba ni Ate Tricia mo 'to?" tanong ni Kuya.
Teka, paano nalaman ni Kuya Riley na nililigawan na ako ni Kuya Kendrick? Sino ang nagsabi nun sa kanya?
"H-Hindi pa po, Kuya." nahihiya kong sabi.
"I see. Wala naman akong magagawa kung nagpapaligaw ka sa isang lalakeng mas matanda sa'yo ng sampung taon but I just want you to know na naging ex-f**k buddy ng manliligaw mo ang kapatid nating si Tricia." Kuya Riley smiled and patted my shoulder.
Sa sinabi niya ay napahinto ako at halos hindi makagalaw. Ang alam ko lang ay magkakilala sina Ate Tricia at Kuya Kendrick noong college palang sila pero hindi ko alam na may nangyayari pala sa kanila. Bigla ay sumikip ang dibdib ko sa mga nalaman ko at nakaramdam ng kaunting pagseselos sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Nang hindi ako makapagsalita ay nagpatuloy si Kuya Riley sa sasabihin niya. "Ayoko lang masaktan ka sa huli, sis. Kung sa tingin mo ay nagbago na 'yang manliligaw mo mula sa bad attitude at habits niya noon then I have no choice but to support your decision. I want to be honest with you, mas gusto ko si Duke para sa'yo dahil alam kong mabuti siyang lalake sa'yo at hinding-hindi ka niya sasaktan. Please be nice to him kahit nililigawan ka na ng bestfriend niya." he said.
Isang simpleng tango lang ang binigay ko kay Kuya Riley. Ngumiti siya ng malawak at tumayo na mula sa pagkakaupo niya sa sofa.
"Good night, sis. See you later!" paalam niya hanggang sa umalis na siya.
Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit sobrang sakit na malamang may nangyayari na pala noon kay Ate Tricia at Kuya Kendrick? Kung sa ibang babae matatanggap ko pa e, pero kung si Ate Tricia naman, nasasaktan ako.
Oo, alam kong matagal na iyon at may boyfriend na si Ate Tricia na si Kuya Dennis pero pesteng puso 'to! Bakit ba nasasaktan ako?
Kaagad akong dumiretso sa kwarto ko at tinignan ang cellphone ko. May mga text si Kuya Kendrick at tinatanong niya kung nasa bahay na ba ako. Siya ang naghatid sa akin dito sa bahay pero hanggang sa labas lang ng guard house ng subdivision namin umabot ang kotse niya dahil natatakot ako na baka makita pa siya ni Kuya Riley o hindi kaya ang parents ko at ni Ate Tricia sa bahay namin kung sakaling maaga silang makauwi galing sa mga trabaho nila.
Kuya Kendrick wants to talk to my family about his good intentions to me pero natatakot pa rin ako na baka hindi siya matanggap ng pamilya ko bilang manliligaw ko. Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano dahil tanggap na ni Kuya Riley na nililigawan ako ni Kuya Kendrick pero hindi ko pa alam kila ate Tricia, Mom Ana, and Dad Alex kung matatanggap rin ba nila na may lalakeng nanliligaw sa akin na para ko na rin'g nakatatandang kapatid.
I didn't reply to Kuya Kendrick dahil aaminin kong masama ang loob ko sa kanilang dalawa ni Ate Tricia kaya naisipan ko nalang na magbukas ng f*******: account ko bilang distraction. Pagkaopen ko ng account ko ay kaagad kong nakita ang post ni Paolo sa f*******: latest post na mukhang ako ang pinapatamaan.
Paolo Riguel Mijares Arevalo (1 hr ago):
Ang galing talaga niyang magpaasa. Pagkatapos mong gawin ang lahat ay itatapon ka lang niyang parang basura.
Dahil sa sikat si Paolo at maraming friends at followers sa f*******: account niya ay umabot ng 556 likes and 89 shares ang post niya sa loob lang ng isang oras. Binasa ko isa-isa ang comments at tama nga ako, alam rin nila na ako ang tinutukoy ni Paolo sa post niya.
-Si Hyacinth De Silva siguro sa St. Therese ang binabanggit ni Paolo sa post niya.
-Playgirl talaga 'yung babaeng 'yon. Brineak na nga niya si King Argonza tapos pati ba naman si Paolo?
-Maganda at sexy lang siya then may karapatan nang manakit ng lalake?
-Karmahin sana ang babaeng 'yon. Sa dami ng babaeng naghahabol kay Paolo pasalamat siya at pinatulan pa siya.
Ako pa talaga ang naging masama sa amin ni Paolo? Ano pa ba ang bago? Gusto ko nalang na maiyak sa inis at galit pero hindi ko na magawa. Siguro dahil manhid na rin ako na palaging pinag-uusapan at sinasabihan ng kung anu-ano kapag binabasted ko ang poon ng mga fans na 'to.
I unfriended Paolo dahil naiinis ako sa kanya. I didn't mean to avoid him pero kung ayaw ko talaga sa kanya kahit pagkakaibigan na lang ang offer niya sa akin ay sana tanggapin niya iyon at huwag magpakabitter sa social media. He hates me that much at wala na rin akong pakialam kung ilang beses pa siyang magpost para lang patamaan ako.
Nagpunta ako sa inbox ng account ko at nakita ko ang isang one message requests. Binasa ko ito at gano'n nalang ang labis na galit na naramdaman ko nang magmessage sa akin ang lalakeng ayoko nang pangaraping makita pa ulit.
Anthony Ilustre:
Hi. Kumusta ka? Namiss mo ba ako?
sent 6 hours ago
Haya? Reply naman dyan :(
sent 3 hours ago
I miss you, bestfriend ko.
sent 2 hours ago.
Bestfriend ko? Kailan ko pa siya naging bestfriend? When he ruined our friendship ay wala na akong bestfriend. Nananadya ba talaga siya? Alam kong siya ang lalakeng nagpakita sa akin sa parke noong kasama ko si Kuya Kendrick tapos out of nowhere ay bigla siyang magmemessage sa akin sa f*******: para lang kamustahin ako? Umaakto siya na parang hindi niya ako ginawan ng masama at hindi sinira ang buong tiwala ko sa kanya.
Naiinis ako sa kanya! Naiinis ako kay Kuya Kendrick at Ate Tricia! Naiinis ako kay Paolo! Naiinis ako sa lahat!
Itinakip ko ang mukha ko gamit ang unan ko at doon ibinuhos ang mga luha ko. Why my life was now complicated? I just wanted to be a normal teenager with happy life pero ngayon ang pinoproblema ko pa ay ang mga lalake.
Ang lalakeng malakas ang loob na ligawan ako pero may past pala sa kapatid ko. Ang bestfriend ko noon na sinira ang tiwala ko, at ang lalakeng bitter pa rin hanggang ngayon. Ayoko na rin alalahanin pa si Yuie because I'm not naive on what he felt about me. I don't want to knew it now dahil talagang sasabog na ang utak ko kapag may sinabi siyang ayoko nang marinig sa kanya.
Sana talaga hindi na lang ako naging si Hyacinth De Silva dahil maloloka na ako sa sitwasyon ko!