Chapter 18

2170 Words
HAYA'S POV "Haya, wait!" Mas binilisan ko ang paglalakad ko habang si Paolo naman ay hinahabol ako. Hindi ko alam na sa dinami-rami ng lugar na pupuntahan ko ay makikita ko pa siya dito sa labas ng convenience store. When he reached my hand ay no choice ako kundi ang harapin siya. Hinihingal pa ito habang naghahabol ng hininga. "Are you avoiding me?" he asked. "H-Hindi. Nagmamadali lang kasi ako kaya kailangan ko nang umalis." I avoid to have an eye contact with him at aalis na sana ako nang pigilan niya ulit ako. "I thought we were already friends? Haya, I'm not expecting any more na maging boyfriend mo ako. Gusto ko lang talagang maging kaibigan ka and seeing you right now avoiding me... all I can say is, you're hurting me." malungkot niyang sabi. I feel bad for Paolo. He's a nice guy pero mas pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan namin ni Yuie. Ayoko na mag-away pa kami nang dahil kay Paolo. Huminga ako ng malalim. "Paolo, I know pero hangga't alam ko na gusto mo pa rin ako ay hindi ko maiwasang mailang sa'yo. It's better if we're not being friends anymore at layuan mo na ako." mariin kong sabi. Wala na akong ibang pagpipilian kundi ang sabihing lumayo na siya sa akin. I think it's better kaysa naman ang maging magkaibigan kami gayong alam kong may nararamdaman siya para sa akin. Mas lalong lumungkot ang mukha ni Paolo at napabitaw ito sa pagkakahawak sa kamay ko. "G-Gano'n nalang ba 'yon? Pagkatapos mong sabihin sa akin na pwede tayong maging magkaibigan ay babawiin mo 'yon kaagad?" he laughed sarcastically at umiling. "I'm sorry..." I apologized. "No. Alam ko namang mahirap kang abutin, e. Friendship na nga lang ang hinihingi ko sa'yo pero ayaw mo pa rin. Sa totoo lang Haya, nagagalit ako sa'yo. Galit na galit dahil kahit ganito itu-turn down mo pa rin ako! Am I not that good enough for you?" he said na mukha nang nasasaktan. Oh no, I hurt him again. "Marami pa naman sigurong mga babae diyan ang magkakagusto sa'yo. You're handsome and kind, Paolo. Madali lang na mahalin ka dahil kahit anong gawin ko ay hindi talaga kita magugustuhan at hindi na rin pwede na maging magkaibigan tayong dalawa." This situation that I'm facing right now, sobra na akong nahihirapan at naguguluhan idagdag pa na hinalikan ako ni Kuya Kendrick at hindi ko alam ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Why this is happening to me? Umiling ulit si Paolo at tumingala na parang pinipigilan ang pag-iyak niya. "You're the only one who can hurt me this way, Haya. Sana talaga hindi na lang ako nagkagusto sa'yo para hindi ko na nararamdaman 'to. Okay, I will set you free but don't expect me to be nice with you. Galit ako sa'yo at hangga't patuloy mo akong sinasaktan ay hinding-hindi na tayo magiging okay!" madiin niyang sabi hanggang sa naglakad na papaalis. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko pero kaagad ko rin pinunasan. Nakasakit na naman ako ng damdamin and I can't blame Paolo to be mad at me dahil pati ang offer niyang friendship nalang sa akin ay tinanggihan ko pa. He has a rights to be mad at me and I can't say anything bad about him. Ayoko pang umuwi sa bahay at magmukmok lang sa loob ng kwarto ko dahil sa sakit nitong nararamdaman ko kaya dumiretso muna ako sa parke na malapit sa school namin para mapag-isa. Kuya Kendrick was texting and calling me kanina pa pero hindi ko ito sinasagot at in-off ang phone ko. Umupo ako sa isang bench at pinagmasdan ang dalawang batang lalake at babae na naghahabulan at naglalaro dito sa parke. "Tonton, Habulin mo ako!" "Mahahabol talaga kita Haya, mabilis kaya akong tumakbo," "Mabilis? Eh kanina mo pa nga ako hinahabol at hinihingal ka na diyan? Haha!" "Hindi ko pa kasi ginagamit ang full energy ko pero kapag nahabol kita ay ililibre mo ako ng ice cream." "Sige ba 'yon ay kung mahahabol mo-" "Huli ka!" "Ano ba, Tonton! Ibaba mo nga ako at baka mahulog tayo!" "Ilibre mo na ako ng ice cream, Haya." "Hahaha! Sige na nga." Those memories suddenly flashed in my mind. Anthony is my bestfriend and neighbor since we were young. His mother was my mother's bestfriend. He's 2 years older than me at noong mga bata palang kami ay siya na ang kasa-kasama at kalaro ko. Malaki ang tiwala ko sa kanya at alam rin niya ang lahat-lahat ng tungkol sa akin. Magkasama at napag-uusapan namin ang problema ng pamilya niya na palagi niyang shine-share sa akin. His mother is a single parent katulad ng kay Yuie. But when we were growing up, napansin ko na noon ang pag-iiba ng ugali ni Anthony. When I turned 13 and he turned 15 years old ay doon na nasira ang pagkakaibigan namin. He invited me to his new friend Emerson's party kasama ang iba niyang mga bagong kaibigan noon na nakilala niya sa school namin. Because I trust him ay sumama ako sa kanya. They are already smoking and drinking at nagulat ako dahil may bisyo na si Anthony noon at his age. Pinainom niya ako ng tubig at hindi ko alam na may droga na pala iyon. Kaagad akong nakaramdam ng pagkahilo dahil sa nainom ko hanggang sa naramdaman ko nalang na nakahiga ako sa isang malambot na kama habang nakapatong sa akin si Anthony at pilit hinahalikan ang leeg ko. Narinig ko pa ang mga pag-uusap nila ng bagong kaibigan niyang si Emerson na abala naman sa pagkuha sa amin ng litrato habang unti-unti akong hinuhubaran ni Anthony. "Make sure that the pictures are good." "Of course, Anthony. I'm good at this. Hubaran mo pa si Haya. Then lean closer and kiss her tits." "Hahaha gago! Inuutusan mo ba ako?" "Suggestion lang, pre ano ka ba!" "I know what I'm doing, pre. Hindi ko palalampasin ang pagkakataong 'to. I didn't waste my time na mapalapit kay Haya hangga't hindi ko makukuha ang gusto ko sa kanya." "You're crazy, pre! Haya is your bestfriend pero ginagawa mo 'to?" "Bestfriend? Anong kalokohan 'yon? Kahit kailan ay hindi ko siya ituturing na bestfriend ko. She's my bestfriend in bed pa siguro." "Gago ka talaga, Anthony!" Nasa memorya ko pa rin ang pag-uusap nilang iyon na narinig ko na ikinawasak ng puso ko. Hindi ko akalain na sa tinagal-tagal naming magkaibigan ni Anthony ay gagawin niya sa akin ang bagay na iyon. Paano niya nagawang sirain ang tiwala ko? Paano niya naisipang gawin iyon? Hindi na ba niya pinahalagahan ang pagiging magkababata namin at ang buong pagtitiwala ko sa kanya? TJ and Camille saved me from that night. Nakita daw kasi ni TJ na dinala ako nina Anthony at Emerson paakyat sa isang kwarto at kaagad ay kinutubuan na sila nun. They entered the room at naabutan nila na hinuhubaran ako ni Anthony while Emerson is taking pictures of us. TJ was Emerson's classmate kaya nandoon rin siya sa party at kasama si Camille na palagi na talaga nitong kasama simula noong mga bata pa kami. I thank TJ and Camille for saving my life at sa binabalak noon sa akin ni Anthony. That night, It's the end of Anthony and I's friendship. Maging sina TJ at Camille ay hindi makapaniwala na magagawa sa akin iyon ni Anthony. I thought that Anthony will regret what he did to me pero hindi, ni isang apology o paliwanag ay wala akong narinig sa kanya. He left without saying anything kasama ang mother niya at pagkatapos nun ay hindi ko na sila nakita pa. And now, after 3 years ay nagbalik ulit siya. Hindi ko siya kayang makita o harapin. I'm so traumatized and scared of him at sana ay hindi nalang siya magpakita sa akin. Kinasusuklaman ko siya at sobrang disappointed ako sa kanya. He is the biggest nightmare of my life. "Thank God little girl, you're here!" Napaangat ako ng tingin mula sa pagkakayuko ko at nakita ko na nasa harapan ko na si Kuya Kendrick. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako na ikinabigla niya. He's holding a bouquet of roses and pink teddy bear na ipinagtaka ko. He sat beside me at pinunasan ang mga luha ko gamit ang panyo na hawak niya. I remember 'him' wiping my tears kapag umiiyak ako noong mga bata pa kami but I erase that thought. "Hey, why are you crying? Is there anything wrong?" malumanay na tanong ni Kuya Kendrick habang patuloy pa rin akong umiiyak. "Is it bad that I am mad to someone na pinagkatiwalaan ko pero sa huli ay kaya rin pala akong sirain?" I asked seriously. Kuya Kendrick shake his head while still wiping my overflowing tears. "Little girl, hindi masama na kung minsan ay makaramdam ka rin ng galit sa isang tao. We are humans and sometimes we tend to be mad to the people we used to trust so much but in the end, they will ruin you. Kung hindi ka makaramdam ng galit ay hindi ka siguro tao. Maybe you're a robot with no emotions" he smiled at me after na ikinatawa ko. "I used to trust someone but he broke it while we're growing up." I sighed at natigil na ako sa pag-iyak. "You don't deserve him kung sinuman 'yon. Nandito naman ako, e." he smiled at me. Kuya Kendrick is now acting na parang hindi niya alam ang ginawa niya sa lips ko kahapon. He kissed me at doon ko lang naalala na dapat pala ay mailang ako sa kanya! Napaiwas akong bigla ng tingin sa gwapo niyang mukha na ikinatawa niya ng mahina. "Oh, I kissed you yesterday at siguro ngayon mo lang naalala ang ginawa ko sa'yo kahapon. Don't worry, I will not do that again unless you want me to," he tease me. Tinakpan ko ang bibig ko. "D-Don't do that again. You're kissing an 18 year old kid!" I said defensively na ikinatawa ulit niya. Then suddenly inabot niya sa akin ang bouquet of roses and teddy bear na kanina pa niya hawak. "Para sa'yo nga pala. Nasa kotse ko 'yung mga chocolates. Baka kasi matunaw kapag dinala ko dito sa parke e, mainit dito." sabi niya while shrugging his shoulders. Nahihiya kong kinuha ang bouquet at teady bear na hawak niya. Seryoso nga talaga siya sa sinabi niya sa aking liligawan niya ako sa ayaw at sa gusto ko. Sa dami ng mga nanligaw sa akin at nagtangkang magbigay ng flowers, teddy bears at chocolates ay kay Kuya Kendrick lang ang tinanggap ko. I'm happy that he gives this present to me. "Thank you, po. Paano niyo po pala nalaman na nandito ako?" nahihiyang tanong ko. Sumandal m siya sa bench at nagdekwatro ito. He looks so cool while doing that. Inilagay nito ang isang braso niya sa likod ng inuupuan kong bench. "Maybe my instincts? o baka destiny lang talaga na magkita tayo dito dahil bagay tayo?" he winked at me dahilan para mamula ang mukha ko. Kuya Kendrick is being cheesy too. Hindi ako sanay na ganito siya pero sa totoo lang ay natutuwa ako dahil mukhang nagbabago na siya at ginagawa niya ang lahat para mas mapalapit sa akin. "Ewan ko sa'yo!" I rolled my eyes while he laugh. Pati boses ng pagtawa niya ay masarap din pakinggan. Hays, I'm admiring his laugh too. "You're adorable, little girl. No wonder na nagustuhan kita kahit sobrang bata mo pa para sa akin." he sighed at hinawakan ang isang kamay ko. He intertwined it with his left hand. Whenever when I'm with Kuya Kendrick, I feel the contentment and happiness na hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko. I know he will do everything for me. Napatunayan ko na iyon. He's changing at kahit na nalaman ko na noon na nalulong siya sa droga, binubully ang sarili niyang kapatid, nang-agaw ng girlfriend, at inakit ang asawa ng kapatid niya ay hindi ako nakaramdam ng disappointment sa kanya. Siguro dahil malaki ang tiwala ko sa kanya at nakikita ko na ang pagbabago niya? Hindi ko siya kayang husgahan dahil wala ako sa posisyon para gawin iyon. I can't do that because Kuya Kendrick means a lot to me and he trust me so much to say his past and bad habits before. "You're 28 while I'm only 18 tapos nililigawan mo na ako." I pouted. "Kahit hindi mo pa ako mahal ngayon ay gagawin ko ang lahat magustuhan mo lang ako." Then suddenly he hugged me and I can't help myself but to hugged him back. Bigla ay nakaramdam ako na parang may matang nanonood sa amin. Ganoon na lang ang pagkagulat ko nang makita si Anthony sa tabi ng puno na nakatingin sa akin. He looks so much different now. When I blink again ay nawala na siya sa pwesto niya na ipinagtaka ko. Guni-guni lang ba na nakita ko siya? No, I know it's him. But what is he doing here?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD