Chapter 26

3314 Words

Saglit lang na natigilan si Dianne pagkakita niya kay Massimo. Muli niyang itinuloy ang paglalakad sa hallway matapos niyang punasan ang kaniyang mga luha. Napatigil lang siya nang harangin siya nito nang umakma siyang lagpasan lang ito. "Dianne..." masuyong tawag nito sa pangalan niya. At batid ng dalaga na alam na ni Massimo ang dahilan ng pag-iyak niya. Nakita rin ba nito sina Nathaniel at Celeste sa lugar na iyon at kinuhanan ng picture? Kaya may sinasabi itong ebidensiya sa cellphone nito? "What?" pagtataray niya sa binata. Umatras siya nang kaunti para magkaroon sila ng distansiya dahil sa paglapit nito sa kaniya. "I want to say--" "Just close your mouth up. Dahil alam ko naman ang sasabihin mo, eh. You're going to blame and laugh at me because I didn't listen to you, right?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD