Chapter 35: Jealousy 2

1173 Words
Patricia's POV ~♪ You're on the phone with your girlfriend She's upset, she's going off about something that you said 'Cause she doesn't get your humor like I do~♪ Napatingin ako sa speaker ng cafeteria habang ang mga taong ito ay naguusap tungkol sa mga discussion kanina. Halos wala talaga akong natandaan kanina. Ilang araw na akong ganito, baliw na yata ako. Hindi ako nakikinig sa anumang pinaguusapan nila pero nang mabanggit nila ang pangalan ng taong pinaka kinaiinisan ko ay awtomatikong pumasok sa tenga ko ang bawat salita tungkol sa kanya. Aish. "Patricia, kwentuhan mo naman kami tungkol sa friend mo" saad ni Tyron na ikinainis ko. "She's not my friend anymore. One more thing, I'm not a story teller. You can ask her if you want to." Pagtataray ko at ibinaling ang atensyon sa fries. Sandali silang natahimik. Totoo ang sinasabi ko hindi ba? Di ko naman talaga kaibigan ang babaeng iyon, well naging kaibigan ko sya nang dahil kay Mr. Mashimo. Di ko na alam kung kailan ba ako nagalit ng ganito sa kanya. Some of my childhood memories faded just because of one accident that I don't know. Ang ibig kong sabihin, nawala ang lahat ng alaala ko dahil din sa aksidenteng hindi ko din matandaan. Minsan ko itong nababanggit kay Dad pero sa away natatapos ang paguusap namin. Basta! Galit ang tumanim sa isip ko at kumukulo ang dugo ko sa t'wing makikita ko ang babaeng iyon. "So! She's not your friend anymore? That means na naging kaibigan mo sya before?" pagtatanong ni Tyron I sighed. ♪I'm in the room, it's a typical Tuesday night I'm listening to the kind of music she doesn't like And she'll never know your story like I do.~♪ "Wala akong maalala. I had an accident before. Then yun na, di ko masyadong matandaan yung nangyari." Hindi ko alam kung bakit ko 'to nasabi sa kanila. They're my friends after all. Sisipisipin ko sana ang buko juice na nasa harapan ko nang marinig ko nanaman ang bulungan sa paligid ko. "Ang gwapo talaga ng student council president natin no?" "Oo nga girl! My dream boy~" "Sus, dun nalang ako sa kambal atleast konti lang kaagaw no?" Napatingin naman ako sa paparating na grupo. Halos masamid ako nang Makita kong papunta ito sa direksyon namin. Kasalukuyan din na nakatingin ang mga kasama ko sa kanila. Napakunot- noo ako nang kuhanin nila ang lamesa sa kabilang side at idinugtong sa lamesa namin. Tumabi naman sa akin Brent. Di konalang ito pinansin at nagpatuloy sa pagkain. "Hey pretty girls! And bro's?" sabay na bati nina Calix at Felix. Magkasundo din ba utak ng dalawang 'to. "Uh, hello?" nakangiting bati ni Kriz "Hi!" bati naman ni Joanna na abot langit ang ngiti Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. "I'm Calix Siyente at ito ang gwapo kong kambal," tumingin sya kay Felix "I'm Felix Siyente. Nineteen years old, single and ready to mingle." Kumindat sya kina Kriz at Joanna. Nakita kong kinilig ang dalawa at napailing nalang ako. Madaling lokohin. "Uh, and I'm Mac Klinton." Pagpapakilala nya at pasimpleng tumingin kay Kriz tsaka nya ito kinindatan. Inirapan naman sya nito. I smell something masangsang. What? Wait? What's masangsang again? "We know that hindi naging maayos ang una nating pagkikita especially to Juliet. Right?" saad naman ni Brent at kinindatan ako. Magkakaibigan talaga. Di naman hilig ang mangindat ngayon ano? Tusukin ko kaya sila nitong straw na kagat ko? Yung tipong spot sa gitna ng mata nila tapos itutuhog ko isa isa tapos papaluto ko sa kitchen—insane. "Hope we can be at peace and start a new page of story. Hope we can be friends?" napatingin ako kay Brent nang nagtataka. Actually hindi lang ako kundi lahat ng nandidito sa lames at sa buong cafeteria. Nakikipag kaibigan ang gago. Nasa ganon kaming senaryo nang may marinig kaming nagtawanan sa di kalayuan. Napansin ko si Pula, kasama ang santatita na si Zera. But she wear short skirts I wear T-shirts She's cheer captain And I'm on the bleachers Dreaming about the day when you wake and find That what you're looking for has been here the whole time Napansin ko nalang na nasa harap naming sila habang ako'y titig na titig pa rin sa kamay na nakapulupot sa braso ni Pula. Pilit kong iniwas ang tingin ko at ibinaling ang mata ko sa iba. "Woah~Bagay sila 'no?" "Hindi bay an yung sinasabing butler kuno nung babaeng iyon?" "Para namang hindi eh" "She's just his master, and that woman? That's his lover right?" Kinuyom ko ang kamao ko at nagpipigil sa galit. Di ako makatayo para patigilin ang bulungan pero baka isipin nila na nagseselos ako o sabihan ng ilusyunada? Ang ingay lang kase! Ang sakit sa tenga, tagos sa dibdib. Nakita kong pinaghanap ni Pula ng upuan si Zera habang siya naman ay naka cross-arm at nakatingin sa akin. Nakipag titigan din ako. Lalaban ba sya? Ano? Yayain ko kaya ng suntukan to? "You're too obvious." Bulong ni Brent Inis akong humarap sa kanya, "WHAT?!" Halata ang gulat sa mga mata nya na kaalunan ay nawala at napaltan ng pagka saya. Humaglpak sya ng tawa! Hindi ko nalang ulit sya pinansin at nakita kong umupo si Pula sa tabi ni Zera. "Ang sweet naman tol! Hahhaa! Ayos ba Zera?" pambibiro ni Tyron na ikinangisi naman ni Hera. "Sweet sweet pa mamamatay din naman tayong lahat," bulong ko at ramdam kong napatingin si Brent. "Thank you, Hishiro. Thank you for what you've done for me. Mula kaninang umaga." Nakangiting saad ni Hera kay Pula. HE SMILED!? "Welcome always." "Mele keneneng emege hehe pabebe pang nalalaman mamamatay din naman tayong lahat." Bulong ko pa "Oh~ I'm jealous. I want to meet my woman someday. Yung halos kainin nya yung straw sa sobrang selos tapos bubulong ng kung ano ano." saad ni Brent at tumitingin sa akin ng nakakaloko. Napaubo ako sa mga sinabi nya. Pinariringgan nya ba ako?! Inis lang akong tumayo. "Change topic, by the way. Hang out tayo bukas sa bar namin? It's been a long time since di na ako nakakapag walwal?" Nagtataka kaming tumingin kay Tyron. "Walwal?" tanong ni Hera "Oh, That's uh. Basta! I missed alcoholic drinks. You can join me if you want to." "Agree! Go!" Zera. Eto nanaman si pabibo eh. Bwisit. "Sama kaba? Juliet?" pagtatanong ni Brent Hindi ko na lang sya pinansin at ipinagpaalam kong itatapon lang ang kalat ko sa basurahan pero sa totoo lang dina ako nagbabalak bumalik pa sa senaryong iyon. Kung pwede lang pumatay kanina , ginawa ko na. Habang naglalakad ako sa hallway ay puro si Zera ang pinaguusapan nila. What's with her? Nang papasok na ako sa room ko ay may biglang humara sa akin, si Ella Rodriguez. Sya yung ghost killer or killer ghost dati? Insane woman. "Ano nanaman bang kailangan mo?" tanong ko sa kanya "She's really back. Magagamit ko sya sa pagpapatumba sa Drevillo. Tama. You want to join us?" nakangising saad nya. "Insane." Tangi ko lang nasabi at nilagpasan sya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD