Chapter 34: Jealousy

1275 Words
"Pinagnanasaan mo ako? Nakita mo ba yung paghuhubad ko?" agad ko siyang naitulak sa sinabi nya. Phew~ "Stop! Okay? Wag kang ilusyunado! Wala akong nakita dyan..." tumingin ako mula sa abs pababa. "Down there! Kasama ko si Brent ok? He closed my eyes using his palm kaya wala ka dapat ipagalala." Pagpapaliwanag ko Napakunot sya ng noo. "What happened to your face?" nakita ko ang pagsasalubong ng kilay nya ta saka napatingin sa braso kong may benda. "What happened to you woman?" pagtatanong nya muli. Parang dati tawag nya sa akin kiddo, stupid tapos ngayon. "Nadapa ako." "You're not good in lying. Who's that scumbag? Answer me." Nanatili pa rin itong nakatitig sa mata ko.Nababasa nya ba ang iniisip ko? Mind reader ba sya? I sighed, "Okay, someone tries to kill me. Pero ok lang naman ako okay? Buhay pa!" "Here we go again, Patricia Mizumi. Remember what I've told you?" 'That tepid hug. Damn' "Brent was..." "You're with that guy? I warned you remember?" Huminga ako ng malalim. "Brent was a Drevillo. The person who tried to kill me is already dead. Ewan ko ba pero pilit akong tinatanong ng lalaking iyon tungkol sa pagkatao ni Brent. Maybe he's a cat too. He was really curious about something. And it end up with..." "Death. Gusto mo bang matulad sa taong iyon?" "You will protect me right? You're my butler." Natigilan sya. "Just, don't make decision on your own. You have me. You have your butler," saad nito "So why are you here?" pagbabago nya ng topic "Okay. Yung pinunta ko dito is... yung kwintas ko! Naiwan ko siguro dito nung isang araw at mukha namang wala so! Aalis na ako." saad ko at dali daling binuksan ang pintuan bago man ako makaalis ay muli nyang hinila ang braso ko na may benda. "Aray! Jerk! What!?" "Don't be a hard-headed woman. Wait for me. Magbibihis lang ako." Sabi nya at isinara ang pinto. Umupo muna kami sa sala at napatingin ako sa papalapit na Zyco. Kita kong hawak hawak nya ang kwintas . Agad akong lumapit para hablutin 'yon pero nabigo ako. Itinaas nya ito na ikinagalit ko. "That's mine!" inis kong sigaw. "Is this half-moon necklace really yours?" pagtatanong nya "Oo! Importante sa akin yan. I think someone who is special to me gave that necklace. So, give me the f*****g necklace!" iritado kong saad habang inaabot pa rin yung necklace. Tumuntong ako sa sofa at iniiwas nya ang braso nya para maout balance ako. Agad din naman nya akong nasalo at ilang inches nalang ang pagitan naming dalawa. WE'VE ALMOST KISSED! For the second time! Argh! "Ikaw pala yung batang iyakin." Mahinang sabi nya na ikinanuot ko ng noo "What?"pagtataka ko at hindi ko namalayang ganoon pa rin pala ang posisyon naming. Tangkang aalis na sana ako sa pagkakahawak nya sa bewang ko nang muli nyang banggitin ang mga salitang nakapag paalala ng mga napapanaginipan ko. "Ugly crying duckling." Kusa na syang bumitaw at umayos ako ng tayo habang nakatingin pa rin sa kanya. Isinuot nya sa akin ang kwintas at ginulo ang buhok ko. "What did you just call me? Ugly crying duckling?" "Yeah. I'm the one who gave that necklace. I'm the one who saved you from bullies." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya hanggang sa magsalita si Brent. "Di nyo manlang ba napapansin na may tao dito sa tabi nyo?" singit ni Brent sa usapan. Sabay kaming napatingin sa kanya at mukhang naiirita na. I forgot. "Tao ka ba? Kala ko ikaw si Pepper? Si Salt?" pagbibiro ni Pula na lalong ikinainis ni Brent. Tumayo sya at akmang susugod kay Pula pero hinarangan ko agad at nagpaalam na. Hinila ko si Brent hanggang sa makalabas pa kami. Sinigawan pa nya yung guard kase hindi daw nagbabantay ng maayos, nafire tuloy. Kawawa naman. Humiwalay na sya sa akin kaya magisa nalang akong naglakad papuntang dorm. Nang makarating ako saharap ng dorm building, nakita ko ang isang babaeng may black long straight hair at may dala tong maleta. Nilagpasan ko lang ito hanggang sa tawagin nya ang pangalan ko. Napaharap ako sa kanya. Laking gulat ko ng makita ko ang mukha nya. Masaka~ "Hey, Yatori. Can I ask something? Please help me to find this room number," saad nya at ipinakita sa akin ang card na may room number. Buti nalang at di ko sya ka dorm. Actually katapat lang ng dorm. "Why are you here, Zera?" She crossed her arms. "I just want to continue my college life here. By the way, it's nice in meeting again Yuri. Nice hairstyle huh?" Akala ko ba tapos na 'to ng pagaaral? She's two years older than me. Hindi kaya alam niyang nandidito si Zyco? "Don't call me Yatori. We're not even that close." Pagtataray ko sa kanya He just gave her fake smile. Pumasok na sya sa loob. It's already ten o'clock, nang pumasok ako sa loob ay nakita kong tulog si Kriz sa sofa samantalang si Joanna naman ay naabutan kong nanunod ng T.V. habang hawak si Pepper. Tumayo sa pagkakaupo si Joanna at sinalubong ako. "Saan ka galling, Pat?" pagtatanong nya. Ibinanba ko muna ang bag ko at kumuha ng baso. Sinundan naman ako ni Joanna at patuloy ang pagsasalita. Dinaig pa si Ma'am Hirashi eh. "Hinanap ko lang yung kwintas ko then..." uminom muna ako ng tubig "Brent helped me." I continued "WHAT?!" muntik ko nang maibuga ang tubig dahil sa naging reaksyon nya. "Nag date kayo?!" Date agad? "Hindi ako nakipag date ok? Sinamahan nya lang ako para maghanap. Tapos ayun nahuli kami ni Pula." Pagpapaliwanag ko. "Sige na tulog na 'ko." Dagdag ko pa at nagbihis. Kinabukasan. Pagkalabas na pagkalabas namin ng dorm room, nakita ko ang isang babaeng ayaw ko naman makita. Naka uniporme na ito at nakalugay ang mahaba nyang buhok na gusto kong hilahin. Grr. Ngumiti sya sa amin at humawak sa braso ko na lalo ko pang ikinainis. Naiirita kong iwinaksi ang nakapulupot nyang kamay sa braso ko at nauna nang maglakad. "Hey, I'm Zera! New student here," saad nito kay Kriz at Joanna na ngayo'y naguguluhan. Lumingon ako sa kanila at hinila palayo sina Kriz pero ramdam ko pa rin ang pagsunod ni Zera. Sa loob loob siguro ng babaeng 'yon ay pinapatay na ako. Akala mo kung sinong santa. Gross. Di tatalab sa akin ang pagiging santa santatita nya, I know her well. Nakalabas na kami ng dorm building at nakita ko naman si Pula kasama sina Tyron at Zero. Pansin ko lang na halos magkaparehas sila ng name ni Zero huh. "Sino ba yun?" pabulong na pagtatanong ni Kriz habang lumilingon lingon kay Zera. "Demonyong nagkakatawang tao" sagot ko at bumaba ng hagdan. "Hey, Ladies. May kasama pala kayong chix sa likod?" saad ni Tyron at umakbay sa akin. Nakita ko ang ekspresyon ni Pula at tila di sya masyadong nagulat. Nanatili ang titigan nila at nauna nang umiwas si Pula. Lumapit sa akin si Pula at pinitik ang noo ko. What's with him? "What?!" irita kong sabi at ngumiti lang sya. Damn. Nakita kong bumaba na si Zera. Lalakad na sana kami nang marinig naming napasigaw si Zera mula sa likod. Napatingin kaming lahat dito. Dali-daling lumapit sa kanya si Pula. Binuhat nya ito ng bridal. Kita ko ang sugat ni Zera sa tuhod nya. Nagkatititgan muna sila at saka tuluyang lumakad. Nilagpasan kami ni Pula na parang wala lang. I feel something inside my chest. Parang pinipiga. I feel this kind of emotion for the first time. He left us without saying anything while holding Zera. I just found myself watching them until they disappear. Is it jealousy? Masaka!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD