Chapter 13: The symbol

1250 Words
Patricia's POV Nagising ako sa kaluskos na ingay sa paligid ko. Pagmulat ko ng mata, isang madilim na lugar ang aking nakita. Nabuhayan ako nang maalala kong nakatulog pala ako dito sa ilalim ng puno. Tago ang lugar na ito, tila papunta sa isang gubat. Noong una kong pagpunta ko dito kanina ay di ko akalaing mayroon palang gubat sa likod ng unibersidad na ito. Bumangon ako sa pagkaka upo at nagmasid-masid. Kinuha ko sa bulsa ang phone ko, bumungad sa akin ang liwanag na nanggaling dito na di kalaunan ay unti unti kong nakita ang nilalaman nito. I'm surprised-shocked? '63 missed calls' '130 messages' Ganoon na ba sila mag alala pagkatapos ng ginawa nila sa akin kanina? Ha! Sige, sana makonsensya kayo sa pagkawala ko! Muling nagvibrate ang phone ko, tinitigan ko ang pangalang nasa screen. 'Calling Pula' Sinagot ko ito at itinapat ang phone ko sa screen. "You've finally answer my call hard-headed woman!" iritang saad nito sa kabilang linya. Siguro ay namumula na ito sa sobrang irita o galit. I chuckled and I guess he hears it. Nagsimula na akong maglakad paalis sa lugar na iyon. Nang sasagutin ko sya ay may naramdaman akong mga yabag ng paa mula sa likuran ko kaya nilingon ko ito ngunit wala akong nakitang kakaiba. Bukod sa madilim na paligid doon ay walang kung anumang tunog o kaluskos akong napakinggan. Muli kong itinapat ang phone sa tenga ko. "I'm on my way to our dorm," "Where are you?! Pupuntahan kita." I tsked "Nothing to worry my dearest perfect butler!" "Shut up." I rolled my eyes. Nang madaanan ko ang malaking fountain, muli akong napatigil. Pinagmasdan ko ang pag agos ng tubig nito na mas pinaganda ng mga mumunting iba't ibang kulay ng ilaw sa paligid nito. Ibinaba ko na ang phone at inilagay sa bulsa ko. Nang akmang hahakbang ako papunta sa lugar na iyon ay may humila sa braso ko at nakita kong may itinapat na matulis na bagay sa leeg ko. Medyo bumaon ito at ramdam ko ang konting hapdi. Pinakiramdaman ko muna siya at saka hinawakan ang kamay na nakatapat sa akin. Mabilis ko itong pinaikot at napakinggan ko ang pag daing nito. Nabitawan naman niyang agad ang kutsilyo na iyon. "Who the hell are you?!" may pagdidiing sambat ko sa kanya pero di siya sumagot. Tiningnan kong maigi ang hitsura at pananamit nito. Nakablack hoodie jacket at ang mga mata nito. Walang duda na ito ang nag bigay sa akin ng death threat na dahilan kung bakit kami nagkagulo kanina! Killer Ghost huh? Kailan pa sila nakakita ng isang multong nahahawakan at nasasaktan. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakapilipit sa braso niya. "Magsalita ka. Sino ka?! Akala mo ba ay madadaan mo ako sa mga pagbabanta mo? Mali ka ng binangga. Di ako tulad ng mga nauna mong biktima. Isa pa, ano ang-" di ko natuloy ang sasabihin ko nang biglaan niya akong sikuhin at tapakan ang mga paa dahilan para mabitawan ko siya. Mabilis siyang nakawala at naglaho sa harapan ko. Masyadong mabilis kumilos ang isang iyon. Napatingin ako sa isang short knife, a dagger at dinampot ito. May nakita akong simbolo at initials sa patalim nito. 'E.R.' and a yang symbol? It is color white with black spot. Half of a yinyang symbol. Itinago ko ang dagger na ito sa blazer ko at muli akong napatingin sa direksyon kung saan sya tumakbo. Sino ka ba talaga? Ano ang koneksyon mo sa lalaking pinatay noon at bakit nagpapanggap ka bilang siya? Mga katanungang gusto kong malaman pero di ko mahahanap ang kasagutan hangga't di ko iimbestigahan. "What are you doing here," rinig kong pamilyar na boses mula sa likod ko. Pinahidan ko muna ang konting dugo sa leeg ko at humarap ako sakanya. Ganun pa rin sya. Nasa seryosong mukha at nakikita ko sa salamin nito ang repleksyon ng liwanag mula sa fountain. Pati na rin ang mga pula niyang mata. "Nagpapahangin," maikli kong saad. "Maghapon kang nawala," Hindi ko nalang sya sinagot at nagsimula nang maglakad. Pakiramdam ko e hahaba pa ang usapan namin kung sasagutin ko pa siya, isa pa wala ako sa mood para makipag usap sa taong ito. Ramdam ko lang ang mga yabag ng paa nito. Napakatahimik pero iba din mangulit minsan ang isang ito. Bipolar na jerk. Tss. Nang makarating kami sa harap ng dorm building namin ay nakita kong tila nag aabang sina Kriz at Joanna..at si Tyrone din pala. Sinalubong nila ako. "Ok ka lang ba?.. wala bang masakit sayo o galos-" alalang sabi nito habang tumitingin sa buong katawan ko pero saglit siyang napatigil nang makita nito ang leeg ko. Shit. "You're bleeding! Sabihin mo? Yung nagbanta ba sayo ang may kagagawan niyan?" halata sa mukha niya ang pagkagulat. "Gasgas lang yan mula sa sanga ng puno habang natutulog ako kanina," saad ko na mukhang ikinapaniwala nilang tatlo maliban sa isang ito. Binaling ko naman ang atensyon kay Pula. Magkasalubong ang makakapal na kilay neto. "What?" I mouthed. "Ok ok. I'm sleepy guys so bukas na kayo magusap," saad ni Tyron Wade habang pinipikit pikit ang mga mapupungay nitong mata saka humarap sa 'min ni Pula. "At kayong magnobyo at nobya e bukas nyo na ayusin ang LQ nyo ha?" saad nya habang nakaturo sa amin. Pinukulan ko sya ng masamang tingin. "Tyron Wade!" sabay na saad namin ni Pula. Nagpaalam na si Tyrone at ang dalwang babaeng ito sa kanila. Nakatingin lang ako sa pagkaway pati na rin ngitiang binibigay nila at sa seryosong tingin ni Pula sa akin na tila may kinikilatis pero inirapan ko lang siya. Akala mo naman e may nagawa nanaman akong kasalanan. Tss. Habang nakasakay kami ng elevator patungo sa second floor kung nasaan ang room namin ay tahimik lang kami. Muli kong naisip ang tungkol sa umatake sa akin kanina. Ano ang itim na paro parong simbolong iyon? Paniguradong may alam ang dalawang ito tungkol sa mga bagay na iyo pero sa ngayon ay ako na lang mismo ang hahanap ng mga kasagutan sa katanungan ko. Kinabukasan. Maaga akong umalis sa dorm at naglakad lakad sa lugar kung saan ako inatake kagabi. Panigurado akong boses ng isang babae ang narinig ko nang dumaing siya at sigurado din akong estudyante ang isang yon. Aalis na sana ako sa lugar na iyon nang makarinig ako ng isang sigaw ng babae sa di kalayuan. Sa likod ng unibersidad. Agad akong tumakbo patungo doon. Laking gulat ko ng makita ko ang isang babaeng takot na takot na umiiyak sa harapan ng isang lalaking naka bigti sa puno. Kita ko ang agos ng dugo nito mula sa kanyang leeg. Sa pagtingin ko sa leeg nito ay nakita ko nanaman ang kahinahinalang simbolo tulad ng nakita ko kagabi. Napatingin ako sa babaeng umiiyak at agad itong nilapitan. "Ok kalang-" napatigil ako sa pagsasalita nang tutukan nya ako ng baril. What the hell? Paanong nakapasok ang bagay na ito sa unversity na ito? "Ikaw ang pumatay sa kanya!" saad nya habang umiiyak st nakatutok pa rin sa akin ang bagay na iyon. "Hindi ako ang pumatay sa kanya!" Napatawa siya ng mahina. Nababaliw na ang isang 'to. Nang akmang kikilos ako papalapit sa kanya ay bigla siyang nagpaputok sa gilid ng paa ko. Muli niya itong itunutok sa akin, buti nalang at di natamaan yon. Phew. "What's happening here? Ladies." boses ng isang pamilyar na lalaki ang aming narinig. Mabilis na lumapit at itinutok sa akin ang baril. Saka ko lang nakita ang mukha ng lalaking nagsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD