Chapter 15: He knew something

1121 Words
Patricia's POV Isang madilim na lugar ang aking nakita. Tila isang kwarto na kung saan ay walang bintana at pinto. Nakaramdam ako ng matinding sakit sa aking puso at halos hindi makahinga. Ipinikit ko ang akin mga mata hanggang sa makarinig ako ng isang pamilyar na boses ng isang bata. "Are you ok?" Nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko ang isang bata na nag tanggol sa akin sampung taon na ang nakalilipas. Tinitigan ko ito, hindi pa rin sya nagbabago. "O-oo." Isang malakas na ihip at malamig na hangin ang dumampi sa aking balat. Nagtataka akong napatingin sa paligid. Bakit nandito kami sa harap ng Drevillo University? Ramdam ko ang paghawak nito sa aking kamay at pumasok sa loob. Nakita ko ang mga nagpapatayang estudyante. Ang naggagandahang kapaligiran noon ay nawala at nabalutan ng dilim. Ang dating magandang fountain na nakikita ko ay dinadaluyan na ng dugo. Tila ang isang maganda at malaparaisong unibersidad ay naging isang tirahan ng mga demonyong sabik na sabik sa dugo. Dahil sa pagaalala ko ay di ko maiwasang magtanong sa batang kasama ko. "Ano bang nangyayari dito?! Nasan na sina Pula? Si Kriz pati na rin si Joanna?!" Ngumisi ang bata. Natigilan at di ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang maglabas siya ng baril. Gusto kong kumilos pero di ko magawa, gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa mga bibig ko, gusto kong laban pero hindi ko alam kung bakit na tila ba hinahayaan ko siyang gawin yon. Pumikit ako at naghihintay sa pagputok neto. Naramdaman ko na lang ang likidong pumatak mula sa mga mata ko. "Pat!!" isang sigaw ng babae ang aking narinig. Napabangon ako mula sa pagkakahiga at pawis na pawis. Napatingin ako sa paligid ko, panaginip lang pala. Pero bakit ang weird naman. "Ok kalang ba? Kala ko ay di ka na magigising!" saad ni Kriz na nakaupo sa kama ko. O.A. nanaman ang mga 'to. "Tungkol saan ba ang napanaginipan mo? Nangungunot kase mga kilay mo tapos may luhang dumaloy sa mga mata mo." saad naman ni Joanna na may pag aalala. Bumuntong hininga ako saka tumayo. Pinahidan ko din ang luhang pumatak sa mga mata ko. "Nothing. Nightmare siguro." saad ko habang nakatingin sa daliri kong may butil ng luha. Nang lumabas kami sa girl's dorm ay nakita kong naka abang sa labas si Tyron at Zic. Sandali itong napatitig sa akin. Hindi ko dapat sabihin sa kanya kung ano ang nangyari at pinag usapan namin ng investigator na iyon. Hindi naman sa pagiging makasarili pero gusto kong ako lang ang kikilos at maghahanap sa taong nagtangka sa buhay ko pati na rin sa pumatay sa isang lalaking estudyante dito. "Good morning, Pat!" nakangiting bati ni Tyron. Dire-diretso akong naglakad at di nalang sila pinansin. Hanggang sa biglang may humawak sa wrist ko kaya napatigil ako sa paglalakad. "What did the investigators said?" pagtatanong ni Pula. "Nothing." Walang ganang saad ko habang hindi nakatingin sa kanya. "Stupid kiddo. I don't want to put yourself on danger. You know how this University differs from others. They have their own rules and I think killing is not prohibited." Napatingin ako sa kanya. May nalalaman ba siyang hindi ako nalalaman? Kung sa bagay e di din naman nya ito sasabihin kaya ako na lang ang mag hahanap ng mga kasagutan. "Yes. Killing is not prohibited. Kaya I'll make sure na di na sisikatan ng araw ang babaeng iyon!" Nagtataka silang napatingin sa akin. I bit my lip. Aish. "So, the killer was a girl? How did you know?" tanong ni Joanna "And she's the one who attacked you that night kaya ka nagkasugat sa leeg." saad naman ni Kriz. "Look. Ang sabi ko e kagagawan lang yung ng sanga-" "We're not that stupid, Pat. We also saw a dagger below your bed. And I think that's from White Organization." seryosong saad ni Joanna na ikinagulat ko. Bakit ba ang hilig nilang mangialam ng gamit at paano nilang nakita yon? Ang ayaw ko pa naman sa lahat e yung papakelman ang gamit ko. "Who gave you permission to touch my things?" saad ko habang nakakunot ang mga kilay at nagpipigil ng galit. Natahimik silang dalawa sa sinabi ko . Si Tyron naman ay tahimik lang na nakikinig sa usapan namin. "That's not important. The more important is why did you hide this kind of stupidity?! " Nagulat ako sa inasta niya. Stupidity. Nawiwili siguro sya sa pagtawag sa 'kin ng stupid. Tiningnan ko lang silang lahat. Bakit ba napaka OA nila? I'm not a baby anymore na kailangan ng guidance or whatever galing sa kanila. I have secrets to hide too. "Wag nyo nalang ako pakelaman ok? Di ko kailangan ng tulong nyo." saad ko. Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Zyco. Nakita kong sinenyasan ni Tyron si Kriz at Joanna na umalis. Sa huli, kami nalang ang nandidito. Oh, may classes pa nga pala kami. But who cares? Lipad din naman ang isip ko ngayon dahil sa mga nangyayari. "I'm your butler. And you're my responsibility." mahinahong saad nito habang nakatingin ng seryoso sa mga mata ko. "I'm your master. And know your limits, Zyco." saad ko at humakbang paalis sa senaryo na y'on. I was under the tree watching some students playing soccer in the field when someone patted my head and sit beside me. Medyo uminit nanaman ang dugo ko nang makita ko nanaman sya. "How are you , Juliet?" nakangising saad nito. "Wala ako sa mood para makipaglokohan sayo." Napahalakhak siya but in a way na manly . He's just like that jerk Zyco. The way he smile, smirk, laugh! ARGH! Napatingin ako sa paligid. Ngayon ko lang napansin na mukhang pinagtitinginan kami. Yung iba ang sama makatingin na tila inagawan ko sila ng kendi. Mukhang heartthrob ang isang 'to. "I'm Brent Acer. Not your typical Romeo." he offer his hand but I just look on it. I gave him a death glare. "I don't care." tanging nasabi ko sa kanya. "About last time, we all know na hindi mo kagagawan iyon. Alam kong may nalaman ka. Pero sana wag kana lang mangialam o wag mo pairalin yung curiosity mo." seryosong saad nito habang nakatingin sa field. "You know something, do you? Mr. President?" saad ko na ikinangisi nya. "More on what you think. Oh, by the way nice to meet you Patricia Mizumi." saad nito at saka tumayo. Pinagpagan niya ang pants nya. "Where are you going? Wait. I just want to know more-" Di ko na natuloy ang sasabihin ko nang muli itong umimik. "Just stop being-" "Stupid." Alam ko namang yun ang gusto niyang sabihin. Parehong pareho sila ng jerk na 'yon! "You know." humalakhak pa ito at tuluyan nang naglakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD