Chapter 7: Zyco's Siblings

1188 Words
Patricia's POV Habang nasa kwarto si Pula, tinitingnan ko ang bawat sulok ng bahay na ito. Mula sa ikalawang palapag ay bumaba ako . Di ko masasabing mahirap lang sila, mula sa mga furnitures at iba pang kagamitan dito e mukhang mga galing pa sa ibang bansa at talaga namang mamahalin. Kung pagmamasdan mo ay napakalinis nito animo'y walang ni isang alikabok kang makikita o malalanghap. Napatingin ako sa wall na may mga litrato. Nilapitan ko ito. Siguro ay kapatid nya ang dalwang batang ito. Ngayon ko lang napansin na kambal pala ang dalwang kapatid nya na ngayo'y may sakit. Napatingin ako sa sumunod na litrato, kapatid nya din siguro ito. Di ko maiiakila na lahi sila ng mga gwapo at magaganda lalo na ang isang 'to. Napatingin ako sa litrato ni pula. I mean, nevermind. Nang masilip ko na ang unang palapag ng bahay nila ay tumungo na ako sa second floor. Puro rooms lang naman ang nandidito. Sinilip ko ang kwarto kung nasan si Pula. "Kuya, nasan na po ba sina mom at dad?" tanong ng babaeng kapatid nya. May balat ito sa kanang mukha. "Stop asking Ren. They won't ever and never back!" saad naman nung isang kapatid nya, si Ron. Napakasungit. Nakalimutan kong sabihin na babae at lalaki ang kambal na ito. Which is si Ren ang babae at si Ron naman ang lalaki. That's cool. "Just rest little kiddos." saad naman ni Pula at ginulo ang buhok nila. Kinumutan nya na ang dalwan nyang kapatid. Ano kaya ang pakiramdam nang meron kang kapatid na mas nakakatanda sayo? Siguro di boring, siguro kapag may problema ako ay may mapag sasabihan ako. Pero wala e. Sinasarili ko lang ang mga problema ko minsan ay nagsasabi din ako kina manang Hirashi pero di ganon kalala. Napatingin ako sa kaliwang gawi at nakakita ako ng hagdan pataas. Ano kayang meron sa ikatlong palapag? Humakbang ako patungo sa hagdan. Sa unang hakbang ko sa hagdan ay naramdaman kong may humawak sa wrist ko. "Where do you think you're goin'?" Tinaasan ko sya ng kilay. San ba papunta to? Diba third floor. Boplaks. "Sa first floor." saad ko habang nakaturo sa taas na ikinunot ng noo nito. "The first floor was there," turo nya sa direksyon kung nasan ang hagdan pababa. "That was the third floor." Alam naman pala eh. Why so TAN G.A.? "I know. Teka. Bat mo ba tinatanong kung san ako pupunta? Malamang ito," turo ko sa hagdan "Stairway going tooooo third floorr" saad ko pa sabay turo sa taas. "You're not allowed there." nasa seryosong tono ng kanyang pananalita. "And why?" saad ko pa habang nakapamayawang. "Cause pets are not allowed there." saad nya. Ngumisi sya! What the. Anong akala nya sa akin? Pet? And what kind of pet!? ARRGHHH This red eye man is getting to my nerves! "Whatever." Tinalikuran ko sya at akmang hahakbang nang maramdaman kong may bumuhat sa akin. What the hell! "Bitawan moko!!!!" saad ko habang pinapalo ang likod nito. "Shut up! Baka magising yung kapatid ko." "Ibaba mo ako! And that's an order from your-" Di ko na natuloy ang sasabihin ko nang ibaba nya ako sa isang malambot na kama. Teka bat dito nya ako dinala? "Dito ka na muna. Bibili lang ako ng makakain. Wag kang pupunta sa third floor naiintindihan mo?" saad nya Inirapan ko lang sya. "I warned you." saad nya pa at tuluyang umalis. I warned you. I warned you pa syang nalalaman. Pwe! As if kung papakinggan ko sya? Lumabas ako ng kwarto kung saan nya ako dinala at tumungo sa hagdan nang may mapakinggan akong umiiyak sa kwarto nina Ren? Pinuntahan ko ito. Pinagmasdan ko si Ren na tila nananaginip. "Mama!Wag nyo kaming iwan!" saad nito habang umiiyak. Anong gagawin ko dito? Nilapitan ko ito at hinawakan sa kamay. "Di ka nya iiwan." saad ko . Di ko alam pero nakaramdam ako ng awa. I feel her. Dahil nga sa walang parents na nagaalaga sa akin, syempre di ko din maiiwasan ang kalinga ng isang magulang lalo na ng isang ina. Iba pa rin kase ang alaga nila kumpara sa mga taong nasa paligid mo. Her nightmares. Ganito siguro ang itsura ko habang napapanaginipan ko ang nangyari sa mom ko. Pero nasan na ba talaga ang magulang nyo? Unti unti ay tumigil sya sa pagiyak. Inayos ko ang nakakunot nyang kilay at pinunasan ang mga luhang dumaloy sa kanyang mukha. Nag hymn lang ako ng kanta para mas lalong mapakalma ito. Ilang minuto lang ay nanumbalik na sya sa mahimbing na pagkakatulog. Inayos ko ang towel na nakapatong sa mga noo nila. "Who are you?" rinig kong boses mula sa pinto. Siguro ay ito ang nakatatandang kapatid ni Pula. Brownish hair at may mga chinito ding mga mata. Matangkad at di ko maiikalang makisig din ang isang ito pero mas iba pa rin ang mga mata at aura ni Pula kesa sa kanya. I mean kumbaga iba pa rin ang pagiging makisig nito-what the hell I am thinking?! "May binili kase si Pula--I mean si Zyco tapos binabantayan ko lang itong kambal." Napatingin sya sa kamay ko na hawak hawak pa rin ni Ren. Mahigpit ang pagkakahawak nito kaya di ko maikalas. "Ahh. Ikaw siguro si Patricia." Alam nya? How? Hindi kaya ikinukwento ako ni Pula sa kanya? Haha! That jerk. Ano naman kaya ang pinagsasasabi non sa akin? "Ahh oo. Ako nga. Ikaw? Sino ka ba?" "Kapatid nya ako," pumasok sya sa kwarto at hinawi ang buhok ni Ren at ako naman ay nanatiling nakaupo habang nasa kamay pa rin ni Ren ang mga daliri ko. Lamkonamang kapatid e. Tss. "Mikael." saad nya at humarap sa akin "By the way. Nice to meet you." he gave me his right hand at nagshake hands kami. "Nice to meet you too, Mikael." "Just call me Kuya or bro" Kuya. Napangiti nalang ako. Nasa ganoon kaming sitwasyon nang iluwa ng pinto ang isang demonyo. "Kuya? You're here." saad nito at napatingin sa akin down to my hand. "Woah. I guess I will be having sister in-law?" nakangising saad nito. Agad akong napabitaw sa kamay sa kamay ni Kuya Mikael. "What the hell you're thinking jerk!?" sigaw ko sanhi ng pagkagising ng kambal. Well. Di ko na konsensya yan. "What's happening here?" si Ron habang kinukusot ang mata nya at napatingin sa akin "And who is this--monkey?" Pinanlakihan ko sya ng mata samantalang si Mikael at Pula ay rinig ko ang mahinang hagikhik. What the hell? Monkey? ! This kid! "Iuwi mo na ako!" pasigaw kong saad at padabog na lumabas na ng kwarto. "Good bye for now babies, sunduin ko muna sya sa zoo." rinig ko pang sambit ni Pula at muli silang nagtawanan. They're siblings INDEED! Nakakainis ako na nga tong tumulong kanina ako pa tong napagtripan. "Where are you going sweetheart?" Pinukulan ko sya ng masamang tingin. "Dont call me sweetheart ok?! Nakakadiring pakinggan lalo na kung galing sayo!" pasigaw kong saad sa kanya. Di na ako nakapag paalam kina Kuya Mikael. Badtrip na din kasi ako. Sinuot ko na ang helmet na binigay nya sa akin at tumungo na sa mansyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD