Chapter 6: Mystery HER

2309 Words
Patricia's P.O.V. Umakyat na 'ko sa aking kwarto. Nakita ko namang sumunod sa akin yung dalawang tuta. Binilhan na pala ni manang ng choker ang mga 'to. Naligo ako at nagpalit ng pantulog. Humiga ako sa kama at nanatiling nakatingin sa dalawang tuta na mahimbing na natutulog. Muli kong naalala ang mga nangyari kanina. Ang lalaking 'yon! Idadamay pa 'ko sa mga trip nila! Nakakainis lang! Isa pa yung pagsakay ko sa motor ng red eye man na 'yon! Haist. Muntik na 'kong mamatay sa sobrang kaba kanina. Ikaw kaya pagtripan at lagyan ng bomba sa katawan? Napagkamalan pa na girlfriend ako ni pula. *Throwback* Nagising ako nang naka-upo dito sa upuan at nakatali ang kamay ko sa likuran. Nasan ba ako? Nasa parking lot ba ako? Pero mukhang hindi 'to parking lot ng school namin eh. Mas malaki at mas maganda compared to ours. Nasaan ba ako? Nakita ko ang bomba na nakadikit sa katawan ko. Nanlaki ang aking mata at pilit na tinanggal ang pagkakatali nang may biglang lumapit sa aking lalaki. Hindi ko magawang matanggal ang pagkakatali ! "Ano bang kailangan mo sa akin?" sigaw ko sa kanya ngunit ngumisi lang ito habang pinapaikot ang susi ng kotse nya. "Hmm. Sabihin na nating nakikipaglaro lang?" tumawang muli ito. Konti nalang at iisipin kong baliw ang isang 'to. "Don't worry. Someone will save you. Boyfriend mo ata yo'n?" saad pa nito habang nakakunot ang noo. "Sino bang boyfriend ko? Wala akong boyfriend asshole so get me out. of. here!" sigaw ko sa kanya pero tila di ako pinakinggan. Nakarinig naman ako ng pagtigil ng motor. Umalis sya sa pwesto nya at pumunta sa kung saan. Magtatago? Ano bang trip ng isang 'to?! Unti-unti ay nakarinig ako ng yapak ng isang tao. Malamang ay ang isang 'to ang tinutukoy na boyfriend kuno daw. Maya't maya pa ay nakita kong lumapit ito. Sa una ay di ko masyadong maaninag ang mukha pero nang tuluyan na syang makalapit sa akin ay kumislap ang salamin sa mata neto mula sa liwanag ng ilaw mula sa taas. That jerk! *End of throwback* Ginulo ko ang aking buhok sa sobrang inis sakto namang may kumatok sa pinto. "Miss Pat. Dala ko po ang inyong kakainin" sambit ni Miss Hirashi mula sa labas ng pinto. "Busog pa po ako manang. Wala pati akong ganang kumain." sagot ko naman sa kanya. "Pero-" "Manang. Pagod po ako at kailangan ko nang magpahinga, wag na po kayong makulit" Wala na 'kong sunod na narinig na boses ni manang malamang ay umalis na ito. Kinabukasan. Tulad ng inaasahan ay kukulitin ako ng dalawang 'to dahil sa nangyari. Natanong ata ako ni Mister Hiroshi sa dalawang 'to kagabi nung mga panahong nawawala ako. "Ikaw kase ! Ba't ka naman ba di nalang sumakay agad sa motor ng butler mo? E hindi sana mangyayari yo'n?" pangaral sa akin ni Clyde. "Oo nga Patricia! Sa susunod nga eh magingat-ingat ka naman! Paano nalang kung malaman 'to ng papa mo? E d papadala ka nanaman sa Japan?" pangaral naman ni Miya. Heto nanaman yung pagiging praning ng dalawang ito. Kasing praning ng Dad ko. Konting away, punta agad dito tapos sa ibang school naman ako papapuntahin. "Wala akong pake sa mga pangaral nyo. Kung kay Mister Mashimo at manang nga eh di ako nakikinig sa mga pangaral nila, sa inyo pa kaya?" saad ko naman at ibinaling ko na ang atensyon ko sa lecture. Bakit naman ako sasakay sa lalaking 'yon? I mean that Zyco? That butler. Eh sa takot ako sa motor eh! Tsaka malay ko bang sya nga ang butler at mangyayari sa akin 'yon kagabi? Isa pa, kung malaman man ito ni Dad ay malamang nga eh ipadala nanaman ako no'n sa ibang bansa. Napakiusapan ko na sina Mister Mashimo na huwag nalang iyon banggitin kay Dad. "Ang sa amin lang naman Pat, syempre nagiisa ka na ngang anak ng Mizumi eh at babae ka pa nga rin! Ingatan mo naman sarili mo! " pasigaw ngunit ramdam ko ang pagaalala ni Clyde. Lagi ko nalang napapakinggan 'to. "Wala naman siguro silang pake kung mawala ako, besides mahalaga sa kanya ay yung trabaho niya. His company. Oo! Merong posibilidad na pangangalagaan nila ako hindi dahil sa anak nila ako kundi sa wala nang ibang tao ang pwedeng magmana sa mga pinaghirapan nila. Nagiisang anak na nga lang ako, di pa nila ako maalagaan ng maayos. I mean, you know ? Like how your parents treated you. Ni hindi nga nila nasaksihan ang unang paggapang at pag lakad ko." saad ko na ikinatahimik nilang dalawa. Naputol na ang usapan naming tatlo nang dumating na ang guro namin. May kasama syang dalawang bagong estudyante. Isang babae at isang lalaki. Wait, something is familiar. "Uhm, I'm Katty Sanchez. Nice to meet you po." nahihiyang saad nito at umupo sa unang upuan. "Good morning everyone. I'm Tyron Wade" nakangiting sambit nito at pagkatapos ay tumingin ito sa akin. Shit! That crazy man! Napatingin naman ako sa kanang table ko at sakto pang walang nakaupo dito. "Ok, seat beside to Patricia." sabay turo sa akin ni Sir. Froi 'Masaka.' Nang akmang lalapit ito sa akin ay sakto namang dumating si Pula. "Sorry shitty, but I'm the one who's seated in that area." nakaturong saad nya at lumapit ito. Nagkatinginan lang sila at nakita kong ngumisi si Tyron. Umupo si Zyco sa tabi ko. Yung Tyron naman ay sa una namin. "Bakit ka dito umupo?" pabulong na tanong ko sa kanya. "Bakit? Sya ba ang gusto mong katabi?" Di nalang ako naka-imik. Ok, may point din sya do'n. Pero kung may choice pa, ayoko sa kanilang dalawa! Mga m******s. Pagkatapos ng klase, lumapit namang agad sa akin sina Clyde at Miyami. "Nakita ko ang tingin ng isang 'yon sa'yo ah?" saad ni Miya habang sakbit ang bag. Dora lang ang peg ng isang 'to ah. "Hayaan nalang natin." Tumayo na ako at nakita ko din na tumayo si Pula. Lumakad na kami nina Clyde papuntang canteen at sumunod din sya. Nakasalubong pa namin si Katty at nginitian pa namin pero snob lang kami. Siguro ay nahihiya lang sya. Introvert. Umupo na kami sa isang table at umupo din sya kung saan kaming table nakaupo. "Ano bang trip mo!?" iritang sambit ko sa kanya. Daig pa si Salt at Pepper! Eto nanaman yung pakiramdam na may mata sa paligid ko at nasa kontrol nanaman ako. Kada galaw ko, report kay Mister Mashimo. Tumayo ako at inaya si Miya a comfort room pero sumunod pa rin sya. "Sasama ka na sa Cr?" Bumuo sa mga labi niya ang nakakalokong ngiti. "Why? You want me to come-" Namilog ang mga mata ko. Napaka! "Ofcourse not! You pervert." pagputol ko sa sasabihin niya. Pumasok na kami sa loob. Umiinit na naman dugo ko, ke-aga aga dami agad nangyayari. Pumunta si Miya sa isa sa mga cubicle. Naghugas lang ako ng kamay at naghilamos. Itinapat ko ang kamay ko sa may hand dryer. Halos mapalundag ako sa gulat nang may nakita akong dumaloy na dugo sa isa sa mga cubicle. "M-miya!" Lumabas naman si Miya at narinig kong may kumatok mula sa labas. Malamang ay si Pula iyon. Di ko nalang ito pinansin at nakatingin sa dulo na cubicle. "Anong nangyayari?" "Tingnan mo" saad ko at tumuro do'n sa dulo na cubicle. Nilapitan namin ito. "WAHH! Dugo Pat!! May patay ata dyan, tara na dalii" paiyak na saad ne'to. "Shattap. Dugo lang yan. Baka matulungan pa natin." Pilit naming binuksan ang loob pero di namin magawa. Narinig nalang namin na kumalabog ang pinto ng girl's comfort room at nakita ko si Pula. Tumingin muna ito sa sahig kung saan dumaloy yung dugo at pinaalis kami sa harap ng pinto. Walang hirap na nabuksan nya ang pinto. Expert huh? Pagkatingin ko sa loob ng cubicle ay nakita ko ang isang walang buhay na babae, may hiwa ito sa leeg. Nagulat pa ako nang may bomba ito sa katawan. Bomba nanaman?! Nakita ko namang may letter na nakalabas sa bulsa nung babae. Zyco's P.O.V. Nang makarinig na ako ng boses nya ay agad kong pilit na binuksan ang pinto at nakita ko silang nakatayo lang sa harap ng cubicle sa dulo. Nakita ko ang dugo na dumadaloy dito. What the hell. Itinulak ko ang pinto at nabuksan naman ito. Tumambad sa harapan ko ang isang babaeng walang buhay at may hiwa sa leeg. Nakita ko din ang bomba sa katawan nito. Damnit. I hate really hate bombs. 'Is it you Tyron? Ginagalit mo talaga ako.' "Lumabas na kayo dito, hangga't maari ay wala muna kayong pagsasabihan tungkol sa bagay na ito. Baka bigla silang magpanic. Bantayan nyo kung may makakapasok dito. Be sure na wala hanggang sa maayos ko ito." sambit ko at tumango naman sila. "May le-letter sa bulsa nya." saad ni Patricia na nakaturo sa babae. Nakita ko naman ang letter na nakalawit sa bulsa niya. Lumabas na silang agad at kinuha ang letter na naka-lagay sa bulsa nya. Di bale ay lima ang mga ito. Napatingin naman ako sa bomba, may 10 minutes pa. Binuksan ko ang unang letter. Pagkabukas ko ay di na bago sa akin ang cipher na ito. The Pigpen Cipher or the Masonic Cipher. Madalas din itong alam sa pagkakatawag na tictac toe cipher dahil sa pagkakatable nito. It was the substitution alphabet made of grid parts and dots. Inisa isa ko muna ang mga letter na ito Inisa isa ko muna ang mga letter na ito Inisa isa ko muna ang mga letter na ito. Wala pa ang dalawang minuto ay nabuo ko ang mensaheng nais nyang iparating. Plaintext: [Knowing her secret, I know someday I'll gone Killing and hurting someone for her is fun The only toy of her is dagger and a gun But for me that's a dangerous one Now guess her name, You who's reading this.] Where's the f*****g clue?! Naghanap pa ako ng maaaring maging clue pero wala akong nakita pang message. Nagulat nalang ako nang may pumasok na tao. "Ow~ a blood?" si Tyron. Dali dali akong lumapit sa kanya at sinalubong ng mga kamao ko. Hinawakan ko sya sa kwelyo. "Patigilin mo yung bomba!" We have only 4 minutes left. "Cool okay? Di ako ang may kagagawan ng isang yan." Napabitaw ako sa kanya. Her nga pala ang nakalagay sa message. Then, who's that f*****g girl? Pumunta muli ako sa babae at may halos dalawa at ilang segundo nalang ang itatagal nito. Narinig naming nag-alarm ang phone niya at agad na hinanap kung nasan ito. "Primero una palabra a la quinta una palabra." isang voice recording na nagplay nalang ng kanya. Spanish language. 'First one word to fifth one word?' "I guess, that's one of the clue. Niintindihan mo naman siguro?" saad ni Tyron na nakahawak sa baba at nakatingin lang sa note na hawak ko. "First, Second, Third, Fourth and Fifth word." Napatingin akong muli sa mensahe. That's it! Her f*****g name! Tinype ko sa may bomba ang pangalan nya. Natira ang huling isang minuto at tumigil na ito. Tumawag na kami ng mga pulis at iniimbestigahan na ang may sala. [ *K*nowing her secret, I know someday I'll gone Killing *a*nd hurting someone for her is fun The only *t*oy of her is dagger and a gun But for me *t*hat's a dangerous one Now guess her name, *Y*ou who's reading this.] 1st word will be the K , followed by A,T,T, and Y. That HER was Katty Sanchez. That transferee. Sumunod naman kaming mga nakakita sa pulisya. May ilang katanungan lang ang ibinigay sa amin at agad kaming pinaalis. Dumiretso naman kaming agad sa school at nakita kong isinakay na ng mga kooperatiba ang bangkay sa kotse para dalhinito sa purinarya. "Bago palang sya dito ay may ganyang kaganapan na naganap." saad ni Miyami habang nakatingin sa mga pulis. "Ang dami-daming nangyari simula nang mapapunta dito ang isang 'to" saad naman ni Patricia habang nakaturo ang kanyang hintuturong daliri sa akin. Ngumisi nalang ako sa kanya. "Isn't exciting sweetheart?" saad ko habang nakangisi pa rin. Inirapan na lang nya ako. Di ko naman masisisi kung hinahabol ako ng misteryong ganito. I'll just go with the flow. Naramdaman ko namang may nagvibrate sa bulsa ko at agad na kinuha ito. Tumingin muna ako sa phone screen at sinagot ang tawag. "Kuya?" "Zic, inaapoy ng lagnat si Ren at Ron. Pumunta ka dito sa bahay kase walang magbabantay sa kanila mamaya. Sakto namang nag-off yung nagaalaga sa kanila." saad ni Kuya Zian sa kabilang linya. "Sige-" Anak ng. Binabaan na ako ng tawag. "Sino yung tumawag?" tanong sa akin ni Patricia. "None of your business sweetheart." sagot ko naman na ikinunot ng noo nya. Wala na syang pake sa nangyayari sa buhay ko, labas sya doon. Nang maglalakad ako paalis ay hinila nya ang blazer ko. "Oh? Bakit? You missed me already sweetheart?" "Wag mo nga akog tawaging sweetheart! Di ka ba nandidiri?! M-may nangyari ba kaya ka aalis? Sino yung tumawag sa 'yo?" iritang tanong nya sa akin. Halos mamula na sya sa sobrang irita. Natawa nalang ako sa mga inaasal nya. Hindi ko alam kung nagaalala ba o hindi. "Sabihin na nating tumawag yung kapatid ko at may sakit ang dalawa kong kambal na bunsong kapatid." saad ko at napabitaw naman sya sa blazer ko. "G-ganun ba. Pwede bang sumama ako? Since postponed naman yung klase--" Di nya na natuloy ang sasabihin nya when I patted her head. Para syang asong pinaamo. "Wag na. I'm just your butler. Labas dito ang personal na buhay ko." I smiled at her. Dumiretso na ako sa parking lot area. Nang aktong paaandarin ko na ang motor ay ramdam kong may sumakay sa likod ko. "What you're doing?" "Sasama nga ako. That's an order from your master, no more buts no more talk just shut up and go." ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD