Chapter 7 Joeryl's P. O. V Pinapunta ko dito sa bahay namin si Rence. Kailangan ko ng tulong niya para sa vlog ko. "Mag v-vlog ka na talaga?" tanong ni Rence habang nagse-set up ng tripod. "Oo, kailangan! Ambassador e," sagot ko. "Paano naman kung walang nanood?" tanong niya. "Tiwala lang! Tutulungan mo 'ko e," sabi ko at ngumiti sa kaniya. "Ayos ka 'no? Ako na naman," aniya na parang nagrereklamo. "Alam mong ikaw lang kaibigan kong magaling sa ganito. Kaya kailangan kita," sabi ko at inayos ang nga damit na galing kay Ma'am Patricia. "Oo na! Bilisan mo. Sabihin mo sa 'kin kapag game na," aniya. "Oo, talikod ka kapag magbibihis na ako ha," sabi ko. Tumango siya. Inayos ko ang buhok ko at humarap sa camera niya. "Game." "Hello viewers! I am