WALLPAPER

2200 Words

Isang linggo pa lang matapos ang kasal nina Ma’am Lady at Boss Jared ay kinausap ako ni Ma’am Lady tungkol sa sitwasyon ng mga mata ni Tatay. Hindi ko akalain na natandaan niya pa ang tungkol doon kaya gulat na gulat ako nang sabihin niya sa akin na papatingnan niya si Tatay sa isang espesyalista dito sa Maynila. “Nakakahiya naman po, Ma’am Lady…” sambit ko matapos niyang ipaalam sa akin ang tungkol doon. Nakangiting umiling siya at saka nagpatuloy sa pagsasalita. “Bakit ka naman mahihiya? Tsaka si Mommy ang nagsabi sa akin na pwedeng tingnan ng kakilang doktor ni Tita dito sa Maynila ang Tatay mo. May appointment na rin na naka-set kaya bawal nang tanggihan ‘yan,” pagpapatuloy niya at saka muling ngumiti sa akin. Natahimik ako dahil sobra akong nabigla sa sinabi niya. Kasalukuyan naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD