SABAYAN

2043 Words

Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Larwin ay isang linggo ko yatang nararamdaman ang naging epekto no’n sa pinaka maselang parte ng katawan ko. Kapag naiisip ko na nasuntok ko siya sa tiyan at dumugo ang gilid ng kaliwang kilay niya dahil sa suntok ko ay kahit papaano ay nakakalimutan ko ang nangyari sa aming dalawa! Isang linggo ko na rin na pilit siyang iniiwasan na makita dahil baka kung ano lang ang magawa ko sa kanya kapag nagkita na naman kami! Hindi ko alam kung umiiwas din siya sa akin pero ipinagpapasalamat ko na hindi kami nag-aabot sa tuwing pumupunta ako sa unit ni Boss Jared. Sa ngayon ay busy sina Ma’am Lady at Boss Jared sa paghahanda sa kasal nila. Ayaw ni Boss Jared na mapagod si Ma’am Lady dahil lang sa pag-asikaso sa wedding preparations nila kaya tinataon niya na kapa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD