SUNTUKAN

1927 Words
“Ang gwapo pala ng Boss mo, Kuya Mark. Kaya naman pala mala-dyosa ang girlfriend. Ang pogi!” Hindi ko mapigilang bulalas nang naiwan kami ng pinsan ko sa sasakyan. Pakiramdam ko ay hindi nakikipag usap sa kagaya kong mahirap ang mga kagaya nila. Kaya nang nakausap ko kanina si Ma’am Lady ay para akong lumulutang sa ulap. Ang ganda ganda niya at hindi ako makapaniwala na hinawakan niya pa ang kamay ko. Mukhang hindi rin maselan at mukhang hindi maarte dahil tumatawa pa at nakikinig sa mga sinasabi ko. “Hindi lang gwapo si Bossing. Mabait at responsable pa.” Nilingon ko si Kuya Mark na busy na sa pagmamaneho. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na siya ang idinahilan ko kay Tatay para payagan niya akong magtrabaho dito sa Maynila. Ang sabi ko kay Tatay ay sa kanya ako titira kaya hindi siya nagdalawang isip na pumayag sa plano kong magtrabaho dito sa Maynila. Kung hindi ko sinabi na sa kanya ako titira ay siguradong suntok sa buwan ang posibilidad na payagan niya akong lumuwas! “Sila rin ang may-ari ng bahay na tinutuluyan mo dito sa Maynila, kuya?” Nang sinabi ko sa kanya ang plano ko na pagtatrabaho dito sa Maynila ay agad na sinabihan niya ako na sa kanya na muna mag-stay habang naghahanap ako ng malilipatan dito sa Maynila. Iyon naman talaga ang balak ko. Pero kailangan ko siyang kausapin dahil ang alam ni Tatay ay siya ang makakasama ko sa bahay. Walang alam si Tatay na bubukod ako ng bahay kapag nandito na ako sa Maynila. “Oo. Puro lalaki kami doon, Mau. Mga kasama ko na bodyguards ng mga Mijares ang kasama ko sa corporate house kaya mag-iingat ka habang naroon ka. Saan mo ba balak na maghanap ng apartment? Sasamahan kita kapag libre ako,” tuloy-tuloy na sambit niya kaya mas lalo tuloy akong hindi makapag isip kung paano ko sasabihin sa kanya ang sitwasyon ko. “Ah! Uunahin ko na muna ang maghanap ng trabaho, kuya! Kung saan ako matatanggap ay doon ako maghahanap ng apartment sa malapit,” sagot ko at saka agad na nag-isip kung saan ako unang maghahanap ng trabaho. May mga sinuggest si Alisa sa akin na pwedeng pasukan kaya ang mga iyon na muna siguro ang uunahin kong puntahan. “‘Yung sinabi nga pala ni Ma’am Lady tungkol sa trabaho, Mau…” sambit ni Kuya Mark kaya napalingon ako sa kanya. “‘Wag ka nang umasa doon. Buntis si Ma’am Lady at nahihirapan sa paglilihi kaya ‘wag ka nang dumagdag sa iisipin niya,” paliwanag niya kaya natahimik ako at nagpatuloy sa pakikinig sa sinasabi niya. Hindi naman ako umaasa sa sinabi ni Ma’am Lady. Alam ko namang hindi ako makakapasok sa malalaking kumpanya dito sa Maynila dahil masyadong mababa ang pinag-aralan ko. Makakapasok siguro ako sa mga ‘yon pero hindi sa opisina. Janitress o tagalinis ay pwede pa! “Tutulong na lang ako sa paghahanap mo ng trabaho. Marami naman akong alam na kumpanya na pwede mong pasukan. Nakadalawang taon ka naman sa kolehiyo ‘di ba?” Tumango ako sa sinabi ni Kuya Mark pero agad ko siyang sinabihan na hindi ako mamimili ng trabaho. Kahit na malayo sa pinag-aralan ko ang mahanap kong trabaho ay hindi na ako magdadalawang isip na pasukan. Hindi ito ang oras na mamili at wala rin akong balak na mamili ng papasukang trabaho. “Bakit? Secretarial naman ang natapos mo ‘di ba? Bakit ka papasok bilang janitress?” kunot ang noong tanong niya. Nagkamot ako sa noo at saka agad na ipinaliwanag sa kanya ang sitwasyon. Mabuti na lang at hindi na siya nakipagtalo sa akin. Hanggang sa byahe papunta sa corporate house na tinutuluyan niya ay pinag iisipan ko kung paanong sasabihin sa kanya ang napagkasunduan namin ni Tatay. Pero hanggang sa nakarating na kami sa bahay ay hindi pa rin ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kanya. Sigurado kasi na kapag nalaman niya ang napag usapan namin ni Tatay ay mag aalala siya sa akin at iisipin niya na responsibilidad niya ako ngayon na narito na ako sa Maynila. Pagdating namin sa corporate house ng mga Mijares ay nagulat ako sa luwang at ganda ng buong bahay. Tatlong palapag iyon at maluwag ng sobra sa inaakala ko! “Wow! Talaga bang pinapatira kayo ng libre ng mga amo n’yo dito, kuya?” Halos hindi ako magkandaugaga sa pag linga linga sa paligid. Kumpleto ang mga gamit at para talagang high-end na boarding house ang itsura ng bahay. Malinis na malinis din ang buong paligid at mukhang alagang alaga ang buong bahay kahit na puro sila lalaki dito! “Oo, Mau. Kaya nga kahit na madalas na nakakapuyat ang trabaho ko ay hindi talaga ako aalis dito. Kumpleto kami sa benepisyo at maayos talaga ang sahod. Pagkain lang ang sagot namin dito pero madalas ay sa labas pa kami kumakain dahil madalas na manlibre sila Bossing lalo na kapag ginagabi kami sa site.” Pumasok kami sa kwarto niya at mas lalo pa akong namangha dahil kahit ang kwarto ay sobrang komportable para sa isang tao! Hindi naman maluwag na maluwag pero tamang-tama lang iyon kung matutulog ka lang naman dahil busy ka naman sa trabaho maghapon! “Walang CR dito sa kwarto, Mau. Pero maraming cubicle ang CR dito sa floor na ito. Kahit na lima ay pwedeng magsabay-sabay na gumamit. Magdala ka na lang ng bihisan kapag maliligo ka. Puro kami lalaki dito kaya walang problema sa amin…” paliwanag niya. Wala namang problema sa akin ‘yon dahil malapit naman ang CR sa kwarto niya at sanay rin naman ako na nagbibihis sa loob ng banyo. Binigyan ako ni Kuya Mark ng duplicate ng susi sa kwarto niya bago nagpaalam na babalik sa kumpanya dahil may kailangan pa raw siyang gawin doon. Tumango lang ako at nagpasalamat sa kanya. Nang nakaalis siya ay saka na naman ako namroblema kung paano kong sasabihin sa kanya ang napag-usapan namin ni Tatay. Siguradong hindi magtatagal ay tatawag sa kanya si Tatay para kamustahin ako at kapag hindi ko pa nabanggit sa kanya ang usapan namin ay siguradong kay Tatay niya pa malalaman ang tungkol sa napag-usapan namin. Kaya sa lalong madaling panahon ay dapat na masabi ko na kay Kuya Mark! Kinaumagahan nang magising ako ay wala si Kuya Mark sa kwarto. Pero ilang sandali lang ay naamoy ko na ang pabango niya nang bumukas ang pinto. Bihis na bihis na siya at mukhang handa na sa pagpasok sa trabaho. “Gising ka na pala, Mau. Halika na. Kakain na tayo sa ibaba. Sumabay ka na sa akin.” Agad na napakislot ako at mabilisang inayos ang buhok at mukha ko. Hindi pa ako nakakapag hilamos man lang pero nakakahiya kay Kuya Mark kung hindi pa ako susunod sa kanya. Mukhang nagmamadali pa naman siya at baka kailangan nang pumasok ng maaga sa trabaho. Nagtatawanan at nagkakaingay na sa pagkain ang mga kasama niya sa bahay nang bumaba kaming dalawa. Siguro ay mahigit kumulang sa thirty kaming lahat dito at ako lang ang babae kaya medyo nakaramdam ako ng hiya. “Dito ka na umupo, Mau…” narinig kong utos ni Kuya Mark kaya agad na sumunod ako sa kanya. Nakita ko ang ginawang pagsunod ng tingin ng halos lahat ng mga kasama niya kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya. “Pinsan ko lang ‘yan. Mga gago. ‘Wag n’yo kong tingnan ng ganyan,” narinig ko pang paliwanag ni Kuya Mark sa mga kasama niya. Mukhang inisip pa ng mga kasama niya na babae ako ni Kuya Mark! “Alam naman naming single ka at hindi man lang nanliligaw kaya ‘wag ka nang magpaliwanag, Mark,” natatawang kantyaw ng isa sa mga kasama niya. “Tumatayo pa ba ‘yan, Mark? Mukhang wala ka nang practice ah!” kantyaw pa ng isa. Agad na narinig ko ang mura ni Kuya Mark pero nagtawanan lang ang mga kasama niya. Sa mga kasama niya ay mukhang siya lang ang walang girlfriend kaya siya ang tampulan ng tukso. Tahimik na kumain lang ako sa tabi ni Kuya Mark pero sila ay tuloy-tuloy pa rin ang pag-uusap tungkol sa trabaho. Mukhang mababait naman ang mga kasama niyang bodyguards at ang iba ay nag-aalok pa sa akin ng ulam. “Kailan ka lilipat, Leo?” “Bakit? Aalis ka, Leo?” narinig kong usisa ni Kuya Mark sa kasama niya kaya hindi ko na tuloy maiwasan na hindi makinig sa usapan nila. “Hindi. Pansamantala lang habang wala pang nahahanap si Boss Larwin na bagong bodyguard. Ayaw kasing kumuha ng bago. Mukhang walang tiwala sa iba.” “Kahit ako matatakot rin magtitiwala kung ganun ang nangyari. Ilang beses nang nabaril yung sasakyan niya. Sabi nila Ryan uupo na raw kasing CEO kaya lapitin ng disgrasya.” “Magiging bayaw na kasi ni Boss Jared ‘yon kaya pinababantayan na rin.” Tuloy-tuloy ang pag-uusap nila tungkol sa trabaho at wala akong alam sa pinag-uusapan nila kaya nag-focus na lang ako sa pagkain. “Tang ina ka, Leo! Kahit sana taekwondo lang marunong ka! Pero magaling naman makipag bugbugan si Boss Larwin pero kahit na! Dapat may alam pa rin sa self defense ang kinuhang bodyguard!” “Ikaw na lang kaya ang pumunta? Sabihin ko kay Bossing ikaw na? Ano?” “Ulol! Kaya mo bang buhatin si Boss Jace kapag lasing?” narinig kong sambit ng isang bodyguard na medyo may kalakihan ang katawan. Nawala lang ang tingin ko sa kanila nang magsalita si Kuya Mark. “Bumalik ka na sa itaas, Mau. Kapag aalis ka at hindi mo alam ang pupuntahan mo, mag-text ka lang sa akin,” bilin niya pa at saka tumingin sa suot na relo. Tumango lang ako sa kanya at saka nagpasya na bumalik na sa itaas. Pabalik na ako sa itaas nang nagkagulo ang mga bodyguard. May lalaki kasing pumasok sa loob kaya sabay-sabay silang nagtayuan at bumati. “Leo! Si Boss Larwin nandito!” Agad na napatingin ako sa lalaking dumating. Kumikinang ang isang tenga niya dahil sa hikaw na suot. Nakasuot din siya ng puting cap at nakasalamin na medyo dark ang shades kaya hindi ko maaninag ang buong mukha. Pero sa dating at presensya pa lang ay mukha nang maangas at mayabang. “Siya ba si Leo?” narinig kong tanong niya sa lalaking mabilis na tumakbo sa harapan niya. “Opo, Boss–” Hindi na natuloy ng lalaki ang pagsasalita nang gumalaw ang lalaking bagong dating at inambaan ang bodyguard ng suntok! Napamaang ako nang tumilapon ang bodyguard na si Leo sa sahig dahil sa bilis ng ginawang pagsuntok ng lalaki. Nang ibalik ko ang tingin sa lalaki ay parang wala siyang kung anong ginawa at nakapamewang na tiningnan ang bodyguard na sinuntok niya! “Wala bang ibang pwedeng makatalo sa akin sa suntukan?” mayabang na tanong ng lalaki kaya hindi ko maiwasang magsalubong ang mga kilay. Kung ako ang tatanungin ay masyadong pang amature ang galaw niya. Kahit ako ay kayang-kaya siyang itumba at ibalibag kahit na hamak na mas matangkad siya sa akin! “Tsk! Ang yabang! Akala mo naman kung sinong malakas!” hindi ko napigilang bulalas. Huli na nang napagtanto kong napalakas ang pagkakasabi ko kaya halos lahat sila kasama na ang lalaking bagong dating ay napatingin sa gawi ko! Mabilis na tumalikod ako at sa halip na sa elevator sumakay ay tinungo ko ang gawi ng hagdan para doon na dumaan paakyat sa itaas!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD